STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #23// NAGTATAGO lang si Zoe sa gilid ng mga lockers habang sinisilip ang sekretarya ni Mr. Gutierrez na palinga-linga sa dulo ng hallway. Kanina pa siya nito hinahabol at tinatawag pero ayaw niya talagang magpakita dito. Ni wala siya sa mood para makita si Panot. Sumuko na din ang sekretarya at narinig ni Zoe ang palayong echo ng tunog ng heels nito sa makintab nilang sahig. "Zoe." Agad siyang napatayo ng ayos at hinarap ang tumawag sa kaniya. "Hey... uhhhmmm..." nag-panic mode na ang utak niya dahil hindi niya maalala ang pangalan ng lalaki. Napangisi na lang ang lalaking nakapamulsa sa harap niya. "Owy," pag-supply nito ng sariling pangalan. "Right!" kinakabahang tawa ni Zoe. Emeghed bakit hindi ko alam ang pangala

