YANNA’S POV Nang makarating kami ni Sir Nathan sa meeting room, tahimik pa rin siya. Ako lang ang nakakaramdam ng kung anong lamig sa paligid. Wala siyang sinasabi. Hindi rin ako makatingin sa kanya. Pero kahit wala siyang sinasabi, ramdam ko yung bigat ng presensya niya. Parang may galit. Pero hindi ko alam kung kanino. Kay Sir Lohr? Sa akin? O baka sa sarili niya? Lumapit siya sa table at binuksan ang laptop. Ako naman, nilapag ang notes ko sa kabilang side ng mesa. Pinilit kong kumalma. Kahit kabado ako, hindi pwedeng makita niyang apektado ako. Secretary niya ako—dapat professional. “Are the investor reports finalized?” tanong niya, walang tingin sa akin. “Opo, Sir. I reviewed them last night. Nandito na rin po yung revised version based sa feedback ni Mr. Wang,” sagot ko nang maa

