LOHR'S POV Pagpasok ko sa opisina ni Nathan, ramdam ko agad ang kakaibang atmosphere. Tahimik. Masyadong tahimik. Tinignan ko si Nathan na busy sa laptop niya. Pero hindi ako nandito para makipag-check ng business deals. Gusto ko lang makita si Yanna Yung babaeng halos sirain ying sasakyan ko. Yung babaeng tinawag akong sir kumag. Hindi ko inasahan na siya rin pala ang secretary na ipapasok ko sa kumpanya ni Nathan. Nakakatawa talaga ang ikot ng mundo. At ngayon, habang nakikita ko siyang naglalakad sa hallway papunta sa opisina, nakayuko habang may hawak na folder—hindi ko mapigilang mapangiti. May kakaiba sa kanya. Hindi siya tulad ng mga babaeng lagi kong nakakasalamuha. Hindi siya polished or pa-sosyal. Pero may dating. May tapang. May pride. "Nathan," simula ko, habang tinitignan

