YANNA'S POV Humiga ako, ni hindi na nagpalit ng damit. Nakatingin lang ako sa kisame, pilit inaalala ang bawat sandali kanina ang bracelet, ang titig ni Nathan, ang mga salitang binitawan niya habang hawak ang kamay ko. "Mas lalo kitang minamahal," sabi niya. Hindi ko pa man nauunawaan kung gaano kalalim ang pagmamahal na iyon, pero ramdam ko totoo. Maingat. Hindi perpekto, pero buo. Biglang nag-ring ang phone ko. Napatingin ako sa screen si Mama. 11:47 PM. Napaupo ako bigla. Hindi si Mama ang tipo na tatawag ng ganitong oras. At kung tatawag man siya, may dahilan. Kinabahan ako habang sinagot ang tawag. "Ma?" "Yanna," garalgal ang boses niya. Hindi galit. Hindi masaya. Pero punong-puno ng poot at hinagpis. "Kailangan mong umuwi. Ngayon din." Napatayo ako mula sa kama. "Anong nan

