bc

TANDA: PAGNANASA

book_age18+
11
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
forbidden
family
HE
kickass heroine
heir/heiress
drama
sweet
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Isang sanggol na napulot sa gilid ng garden.

Isang babaeng mukhang lola na nagmula sa malayong probinsya naghahanap ng trabaho.

At isang lalaking bilyonaryong nasa mid 40’s.

Nag-krus ang landas nilang tatlo… ano ang posibilidad na mangyayari?

=====

Paano kung mapatunayang anak ni Adrian Dela Costa ang sanggol?

At paano kung ang babaeng inakala niyang kasing-edad ng kaniyang lola ang siyang magiging pinakamalaking tukso sa buhay niya?

Gugustuhin pa ba niyang manatili sa mansion si Inday?

=====

Isang araw, biglang nakita ni Adrian ang tunay na anyo ni Inday.

Ang babaeng buong akala niya ay kasing-edad na ng kaniyang lola…

Ang simpleng babaeng nakasuot ng makapal na salamin, nakatago ang mukha sa likod ng face mask, at laging nakabalot sa mahahabang damit.

Ngayon nasa harapan niya ay isang napakagandang babae.

Bata.

Walang muwang at kaakit-akit…

Kaya ba niyang kontrolin ang matinding pagnanasa, kung sa bawat araw ay magkasama sila?

chap-preview
Free preview
Prologue
===== INDAY Sakay ako ng barko patungong Maynila upang maghanap ng trabaho at makatulong sa pagpapagamot ng aking nakababatang kapatid na may leukemia. Kagaya ng nakasanayan ko… madalas akong naka-disguise na parang matanda upang maitago ang tunay kong anyo. Nakasalapid ang mahaba kong buhok, nakasuot ng makapal na salamin, face mask… at higit sa lahat, mahabang palda at blusang mahaba rin ang manggas. Sa madaling salita, mukha akong matandang dalaga. Ang dahilan ko… upang makaiwas sa pagnanasa ng mga lalaki. Ipinanganak akong gifted. Ang sabi ng lola ko, nang maghagis ng kagandahan ang Diyos, nasalo ko raw ang lahat. Patunay na halos lahat ng lalaki sa baryo namin ay nagkakagusto sa akin. Kahit may asawa na ay nahuhumaling pa rin sa akin. Mangingisda ang aking ama, habang ang aking ina naman ay labandera tuwing Sabado at Linggo. Kapag Lunes hanggang Biyernes, nagtitinda siya sa palengke ng mga isdang nahuhuli ng aking ama. Napakahirap ng buhay namin. Isang buwan pa lamang ang nakalipas nang ma-diagnose ang aking nakababatang kapatid na may malubhang karamdaman. Ayon sa mga doktor, kailangan itong mabigyan ng agarang atensyon at gamutan. Ako ang panganay. Kaya kahit labag sa aking kalooban, nagpasiya akong makipagsapalaran sa Maynila. Hindi ko napigilan ang pagluha. Hindi dahil natatakot akong umalis at iwan sila. Ang totoo, hindi pa ako tapos sa pag-aaral at hindi ko alam kung anong trabaho ang maaari kong mapasukan. Makalipas ang halos dalawampung oras na biyahe, nakarating ako sa pier ng Maynila. Isang sako bag lamang ang dala ko at isang body bag na may lamang kaunting pera. Unang beses kong makarating sa lugar na ito. Madalas ko lamang makita sa social media kung gaano kalaki at kaingay ang lungsod. Wala akong alam sa kalakaran sa lugar na ito. Gayunman, malakas ang aking loob. Sumakay ako ng jeep at bumaba sa isang mataong lugar. Karamihan sa mga nakakasalubong ko ay napapatingin sa akin. Pero dedma. Hindi ko naman sila kilala. Ang iba naman ay napapangiti, siguro dahil sa sobrang kapal ng aking salamin sa mata. Umupa ako ng bed space. Iyon lamang ang kaya kong bayaran. Ayon sa landlady, may kasama ako sa kuwarto na dalawang estudyante. Simple lamang ang kabuuan ng silid. Bawat bed ay may kurtina, maayos at malinis din ang paligid. Sa orasan na nasa dingding, pasado alas-diyes pa lamang ng umaga. Sa mga oras na iyon, mag-isa ako sa kuwarto. Matapos kong ilagay nang maayos ang gamit ko ay humiga muna ako. Naalala ko na naman ang pamilya ko, lalo na ang bunsong kapatid ko. Ngunit agad kong inalis sila sa isipan. Maya-maya, bumangon ako at sinamantala ang pagkakataong mag-isa. Mabilis kong hinubad ang makapal kong salamin at inalis ang tali ng aking buhok. Kinuha ko ang toothbrush, sabon, at tuwalya bago nagtungo sa banyo. Mabilis akong naligo bago pa dumating ang iba kong kasama rito sa kuwarto. Hindi na ako nagtagal sa paliligo. Nakatapis lamang ako ng tuwalya nang lumabas. Ngunit halos mapatalon ako sa gulat. May isang lalaki sa loob ng silid. Nakaupo siya sa kabilang kama at may hawak na libro. Ngunit hindi iyon ang nagbigay sa akin ng kaba. Kundi ang kakaibang titig niya sa kabuuan ko. Agad akong bumalik sa aking bed at isinara ang kurtina. Mabilis akong nagbihis ng mahabang palda at long sleeves bago muling isuot ang aking makapal na salamin. Pagkatapos ay kinuha ko ang body bag at lumabas. Nadaanan ko ang landylady sa ibaba. “Saan ka pupunta?” tanong niya. “Maghahanap lang po ako ng trabaho.” “Ano bang trabaho ang aaplayan mo?” “Kung ano po ang puwedeng mapasukan.” Hindi na ako naghintay ng sasabihin niya. Agad akong umalis. Sa totoo lang, wala akong ideya. Dahil hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral, kaya sigurado, kasambahay ang bagsak ko. At hindi ako namimili. Ang mahalaga, makahanap agad ng trabaho. Sumakay ako ng jeep. Hanggang sa makakita ako ng isang subdivision. Agad akong bumaba at lumapit sa guard. “Kuya, naghahanap po ako ng trabaho. Baka meron pong nangangailangan diyan sa mga nakatira sa loob?” Tiningnan niya ako saka nagtanong. “Ano bang trabaho?” “Kahit ano po sana. May kakilala po ba kayong nangangailangan ng kasambahay?” Napaisip ang guard. “Sandali. Tatawagan ko ang pamilya Dela Costa. Baka naghahanap pa sila ng bagong kasambahay.” “Maraming salamat po.” Habang may kausap siya sa cellphone, gumilid muna ako sa tabi ng makapal na halaman. Mainit ang sikat ng araw, kaya doon muna ako tumayo. Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas, may narinig akong mahinang iyak. Napakunot-noo ako. Sigurado, guni-guni ko lang… Ngunit muling umiyak. Sumilip ako sa kabilang bahagi ng makapal na halaman. Nagulat ako nang makita ang isang sanggol na nakahiga sa loob ng isang kahon. Agad akong napalapit. Ngunit bago ko pa ito makuha, tinawag ako ng guard. “Ale! Hiring pa raw sila!” Hindi muna ako sumagot dahil muling umiyak ang sanggol. Kaya kinuha ko ito mula sa kahon. At mas lumakas ang iyak nito. “Ale, saan galing ang sanggol na iyan?” gulat na tanong ng guard. “Nakita ko lang siya rito, nakahiga sa loob ng kahon.” Lumapit ang guard upang tingnan ang lugar. May napansin siyang sulat sa loob ng kahon. Kinuha niya iyon at binasa. To Mr. Adrian Dela Costa, Anak mo ang batang ito. Hindi ko na siya kayang alagaan, kaya sana ay matulungan mo siya. Please take care of him. Linda. Napatingin ako sa guard. “Kuya, kilala mo ba ang pangalang nasa sulat?” Tumango siya. “Oo. Siya ang may-ari ng malaking bahay na papasukan mo sana bilang kasambahay.” “Kung ganoon, tawagan mo siya. Sabihin mong may sanggol at may sulat na nakapangalan sa kaniya.” Agad siyang tumawag. Sa tantiya ko, bagong silang pa lamang ang sanggol. Makalipas ang halos sampung minuto, may isang magarang sasakyan na lumabas mula sa gate. Huminto ito sa tapat namin. Isang lalaki ang bumaba. Halos mapahinto ako sa paghinga nang makita ko siya. Napakagwapo niya. Matangkad at maayos ang tindig. Para siyang isang artista. Pero may edad na, sa palagay ko ay nasa forty plus na siya. “Master Adrian,” sabi ng guard. “Siya po ang nakakita sa sanggol. Doon po sa may makapal na halaman. Ito po ang sulat na kasama.” Agad na kinuha ni Adrian ang sulat. Binasa niya ito at napakunot ang kaniyang noo. “Imposibleng anak ko ang batang ito,” sabi niya. “Wala akong alam tungkol dito.” “Pero, Master Adrian, sa inyo po nakapangalan ang sulat.” “Kahit na. Hindi ko alam kung bakit ako ang itinuturong ama ng batang ’yan.” Akmang aalis na sana siya kaya humarang ako. “Sandali po, Sir Adrian.” Napalingon siya sa akin. “Paano po ang baby?” Tiningnan niya ang sanggol. “Ano ang gusto mong gawin ko?” malamig niyang tanong. “Sir, maaari po ninyong alamin kung sa inyo nga siya. DNA test po, kung may kaugnayan nga kayo sa bata. At kung wala, pwede po nating ihatid siya sa ligtas na lugar.” Tahimik siyang tumingin sa akin. Pagkatapos ay nagsalita. “Fine,” sabi niya. “Get in.” Napalingon ako sa guard. “Ano raw?” “Sumakay ka na raw.” “Ah… sige. Salamat.” Maingat akong sumakay sa sasakyan habang buhat ang sanggol. Napakalinis at napakabango ng loob. Halos hindi ako makagalaw dahil baka madumihan ko. Maya-maya, nagsalita si Adrian. “Ginang, pansamantala mo muna siyang alagaan habang inaayos ko ang mga kailangan para sa paternity test.” “Sige po, Sir.” “Isa pa, huwag mo na akong tawaging ‘Sir’ nang paulit-ulit, lalo at halos kaedad mo na yata ang lola ko.” Napatingin ako sa kaniya… Seryoso? Ganoon na ba talaga ako katanda? Ngunit tumango na lamang ako bago tipid na sumagot. “Ah… sige po.” Muling umiyak ang sanggol. “Baby, huwag ka nang umiyak. Malapit na tayong makahanap ng paraan para makakain at maalagaan ka.” Maya-maya ay huminto ang sasakyan. Pagkababa ko, napatingin ako sa paligid. Halos makalimutan ko ang pagod ko at ang sitwasyon ko nang makita ang kagandahan ng lugar. Napakalaki ng bahay. Para itong isang palasyo. “Ginang, bilisan mo. Pumasok ka na,” sabi ni Adrian. “Ano nga pala ang pangalan mo?” “Ako po si Inday.” “Okay, Inday. Follow me.” “Opo.” Halos magmadali ako para makahabol sa kaniyang paglalakad. Napakatangkad niya, samantalang ako ay kailangang bilisan ang bawat hakbang upang makasabay sa kaniya. “M-Master Adrian, sandali lang po!” Napalingon siya. “Bilisan mo.” “Opo. Papunta na kami ni Baby.” Pagpasok namin sa loob, mas lalo akong namangha. Napakaganda ng kabuuan ng bahay. Literal na pakiramdam ko ay nakapasok ako sa isang palasyo. At sa mga oras na iyon, hindi ko pa alam… Ang pagpunta ko sa Maynila upang maghanap ng trabaho ay magiging simula ng isang buhay na hindi ko kailanman inaasahang mararanasan. ===== Sana po ay magustuhan ninyo ang kuwento ni Inday. Maikli lamang po ito. Pa-add na rin po sa inyong library. Maraming salamat po.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wife For A Year

read
74.4K
bc

My Cousins' Obsession

read
198.0K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
67.2K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
290.5K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
70.7K
bc

Daddy Granpa

read
313.5K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
498.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook