Chapter 1
SHANIE KAYE FORTEZA
Isa si Shanie sa mga kabataang nangangarap magkaroon ng magandang kinabukasan. Bagaman hirap sa buhay ay hindi naman ito naging balakid sa kanya para magpatuloy sa pag-abot niya sa mga pangarap. Kahit kabi-kabilang pangungutya ang dinadanas niya minsan sa mga kaklaseng mayayaman nginit isintabi nalang niya ang kanyang mga naririnig. Isa lang ang alam niyang dapat niyang gawin, ang makapagtapos ng pag-aaral.
"Shanie", tawag sa kanya ng kanyang kaibigang si Rica pagkatapos ng klase nila. Nagliligpit na siya ng gamit ng mga sandaling iyon at nagmamadali upang makauwi na.
"Bakit?" sagot niya at saglit na lumingon.
"Pwede ba kitang imbitahan sa birthday party ko sa darating na Linggo?" Tanong ng kaibigan.
"Naku! Di ako pwede," maagap niyang sagot.
"Pasensiya kana Rica alam mo naman na nagtitinda si nanay tuwing sabado at linggo at ako lang ang inaasahan niya na mag aalaga kay Juno," mahabang paliwanag niya.
"Dalhin mo nalang ang kapatid mo," suhestiyon ni Rica.
"Wag na nakakahiya, makulit pa naman yun. " Malungkot niyang saad.
Bakas sa mukha ng kaibigan ang kalungkutan sanhi ng pagtanggi niya sa imbitasyon nito. Gustuhin niya mang pagbigyan ang hiling nito ngunit hindi maaari.
"May magagawa ba ako? Naiintindihan naman kita. Bakit kasi ayaw mong tanggapin ang inaalok kong tulong." Pagmamaktol ni Rica.
"Rica, kinaibigan kita dahil sa kabutihan ng iyong puso hindi dahil mayaman ka. Don't worry, kaya pa naman namin." Paniniguro niya.
Nagbuntong hininga nalang si Rica.
Matagal na siyang gustong tulungan ng kaibigan ngunit tinanggihan niya.
Bagaman kilala na mayaman at makapangyarihan ang pamilya ng kaibigan ngunit kailanman ay hindi nito namana ang ugaling mapagmaliit at mapanghamak sa kapwa. Salungat sa ugaling mayroon ang mga magulang nito. Kilalang mga negosyante ang kanyang ina at ama na halos buwan buwan kung lumabas ng bansa dahil sa mga business meetings. Ilang mga trabahador nila ang hinamak ng mga ito. Gustuhin mang magreklamo ng mga pobre ngunit malakas ang kapit ng mga magulang ni Rica sa gobyerno.
Flashback
Nakilala niya ang matalik na kaibigan dalawang taon na ang nakalipas ng minsan siyang aksidenteng mabangga nito. Tumilapon si Shanie ng malakas. Puro sugat at galos ang buo niyang katawan.
"Jusko! Dalhin kita sa ospital." Natatarantang wika ni Rica ng masilayan ang sugatang mukha niya.
"Wag na Miss. Kaya ko to. " mabilis niyang saad sa mayamang dalaga.
Bakas sa mukha ni Rica ang pagkataranta at namumutla ito.
Dali-daling tumayo si Shanie at mabilis na umalis.
Samantalang naiwang tulala si Rica sa nangyari. Huli na ng mapansin nito na wala na si Shanie sa harapan niya. Naalala niya ang napakaamong mukha nito. Makinis at maputing balat na parang kutis mayaman. Matangos ang ilong, mapupulang mga labi at napansin niyang matangkad din ito na sa tantiya niya ay nasa 5'7" ang height. Basi sa suot nitong luma at simpleng damit ay pakiwari niya na mahirap lang ito.
Sunod-sunod na busina ang nagpabalik sa ulirat ni Rica kaya mabilis siyang sumakay muli sa kanyang sasakyan. Nakalimutan niyang nasa gitna ng highway pala siya.
***
Pagkalipas ng dalawang buwan matapos siyang maaksidente ay naghahanda na si Shanie para sa unang araw ng pasukan. Nakapasa siya sa scholarship sa isang pribadong paaralan. Nais niyang abutin ang kanyang pangarap na maging isang doktor balang araw. Naniniwala siyang kaya niyang iahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.
Araw ng Pasukan.
Umupo si Shanie sa bakanteng upuan sa may likuran ng room na pinasukan niya. Napansin niyang may mga matang nakamasid sakanya kaya bahagya niyang itinaas ang kanyang paningin. Isang pamilyar na mukha ang nakita niya na nakatayo sa harapan niya.
"Ikaw yung.." sabay sabi nila at itunuro ang isa't isa. Nagtawanan sila.
"Naku, ikaw nga. " Sabay ulit nilang wika at nagtawanan ulit.
"Pasensiya ka na sa nangyari ha. Di man lang ako nakahingi ng paumanhin sayo." Malungkot na saad ni Rica.
"Ayos lang yun, okay naman ako", sabi ni Shanie ng may ngiti.
"So friends?" Tanong ng dalaga.
Tumango si Shanie at inabot ang kamay nito. Doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.
*End of Flashback *
Salungat ang klase ng buhay na tinatahak nila ni Rica. Mayaman ang kaibigan at mahirap si Shanie ngunit di iyon naging hadlang sakanila. Isang matapat at mapagkakatiwalaang kaibigan si Rica kaya nalulungkot siya na hindi niya mapagbigyan ang hiling nito. Gustuhin niya man ngunit mas kailangan siya ng nanay niya. Dalawang taon na lang at magtatapos na sila. Matutupad niya na ang matagal ng pangarap. Bahagyang napangiti si Shanie.
Naglalakad siya palabas ng paaralan ng bigla niyang naisip kung ano kaya ang puwede niyang ipang regalo sa darating na kaarawan ng kaibigan.
"Saka ko nalang iisipin pag uwi," bulong niya sa sarili.
Mabilis na limipas ang mga araw at birthday na ng kaibigan.
"Anak ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Aalis na ako at ilalako ko pa tong paninda. Mainit na kasi mamaya. At wag mong kakalimutan yung ibinilin ko na mga gagawin mo ha?" Bilin ni Aling Gloria.
"Opo Nay."
Malalim na buntong hininga ang kanyang naisagot. Naisip niya bigla so Rica.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at binati ang kaibigan sa pamamagitan ng text message.
Pagkatapos makita sa screen ng cellphone niyang de-keypad na "message sent" ay nagsimula na siya sa kanyang mga gawain.
"Oh Juno, halika na at mag almusal na. Baka malipasan ka ng gutom." Anyaya niya sa kapatid.
Apat na taong gulang pa lang si Juno at sadyang alagain pa. Gustuhin man ni Shanie na tumulong sa paglalako ngunit ayaw ng nanay niya .Wala raw mag aalaga sa kapatid niya at hindi raw maganda ang usok na malalanghap nito sa kalsada at sabayan pa ng mainit na sikat ng araw. Bagay na sinang-ayunan niya.
Sa kabilang banda naglalako si Aling Gloria ng mga paninda niyang kankanin ng biglang may bumusinang pagkalakas-lakas sa likuran niya.
"Anak ng--.. nasa tabi naman ako ng kalsada ah."
Pagkasabi niya ay biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at nasilayan niya ang isang magandang nilalang na parang hulog ng langit.
"Pagkagandang bata," puri niya sabay alok ng kankanin.
"Papakyawin ko po lahat ng paninda niyo basta ipapahiram niyo po sa akin si Shanie.," ngiti ni Rica.
"Si Sha-Shanie ba kamo?" nagtatakang tanong ni Aling Gloria.
"Naku di po pala ako kinukwento sa inyo ng anak niyo?" nagtatampong sabi ni Rica.
"Isa lang ang alam kong kaibigan ng anak ko, si Rica na madalas niyang banggitin sa akin."
"Teka ikaw ba si ..., "
Hindi natapos ni Aling Gloria ang sasabihin ng biglang tumango si Rica. Natuwa naman siya at nakikilala niya rin sa wakas ang kaibigan ng anak niya.
Lingid sa kaalaman ng mag-ina ay lihim silang pinagmamasdan ni Rica. Madalas siyang bumibisita sa lugar nila ngunit hindi ito nagpapakita. Nais niyang matuklasan ang buhay na meron ang kaibigan. Mahirap man ang mga Ito pero batid niyang mabubuting tao ang pamilya ni Shanie. Kaya kahit di man sabihin ni Aling Gloria na siya ang nanay ng kaibigan ay nakasisiguro siyang makilala niya pa rin ito.
"Sakay na po kayo at ihahatid ko po kayo pauwi." Alok nito sa matanda.
Saka lang naalala ni Aling Gloria ang sinabi ni Rica.
"Totoo bang papakyawin mo ang paninda ko ?" paniniguro niya.
Baka kasi nagbibiro lang ito at naniwala siya. Uuwi siyang walang kita.
"Opo. Sakay na po at mainit ang sikat ng araw."
Nagdadalawang isip man ay sumakay na siya sa sasakyan nito.
"Hihiramin ko po si Shanie. Birthday ko po kasi ngayon., wika ni Rica .
"Pwede ho ba?" Pag uulit niya.
"Happy birtbday sayo. Anong oras ba iha?"
"Ngayon na po." Agad na sagot ni Rica.
" Ihahatid ko po siya safe and sound," at ngumiti ito.
Natuwa naman si Aling Gloria na totoo nga palang mabait ang kaibigan ng anak.
Tango lang ang naisagot niya sa magandang dalagang nagmamaneho Ng sasakyan. Umuwi siyang may ngiti sa mga labi.