“YOU’RE my Honeybunch, Sugarplum, Pumpy-umpy-umpkin, you’re my Sweetie Pie.”
Pigil na tumatawa si Hershey at ang kapatid niya. Kisses was already drunk at paulit-ulit nitong kinakanta ang The Cuppycake Song. Kasalukuyan silang lulan ng kotse. Walang choice, ang kuya niya ang nagmamaneho habang silang dalawa ni Kisses ay nasa backseat.
“This is a one of a crazy night!” sambit ng kuya niya. “Hindi na nga ako nakakuha ng date, naging tagaalaga pa tayo ng brokenhearted na lasing.”
“Shut up, Kuya Golen. Mag-concentrate ka sa driving. ’Pag nahuli tayo, yari ka,” buska niya sa kapatid. Nakainom man silang magkapatid, hindi naman sila lasing pa, unlike Kisses na halos ito na ang umubos ng beer sa mesa nila.
Tumawa lang ang kuya niya.
Humiga si Kisses sa binti niya at tumingin sa kanya ang malungkot at mapungay nitong mga mata. “You like my song? Kakanta pa ako—”
“Ah, yes but no,” sabi ni Hershey. They’d been hearing The Cuppycake Song the entire night. Umay na umay na siya . . . silang magkapatid.
“Ano ba iyong sagot mo? Lasheng ka ba, Hershey?”
Napatawa lang siya. “No. What I mean is, you’re tired. Just sleep. Bukas ka na lang kumanta uli.”
“Okay.” Pero hindi naman ito nagpaawat. Pumikit ito at kinanta uli ang pambatang kanta na iyon ikinatawa nilang magkapatid.
Just in time na natapos itong kumanta, nakarating sila sa Neryz Ennael Hotel. Agad niya itong binuhat. Toxicated na ito ng alak kaya ’di na nito kayang maglakad.
“Doon mo na lang siya dalhin sa pad mo, Hershey,” sabi ni Golen nang makapasok sila ng elevator. “Mas safe siya roon kaysa iiwan natin siya sa isang hotel room. “Doon na lang ako matutulog sa pad ni Dad.”
He nodded. Iyon din naman ang iniisip niya. “I wonder kung hindi ko siya nakita kanina. Ano’ng posibleng mangyari sa kanya?”
“Don’t think about it. Ang mahalaga, she’s safe here.” Ito na ang nag-swipe ng card key at nag-encode ng pin sa pinto ng bachelor’s pad unit niya sa top floor ng hotel.
Maingat na ipinasok niya si Kisses sa unit niya at marahang idineposito ito sa nag-iisang kama sa unit na iyon. Tulog na si Kisses sa kalasingan.
“Alam mo, bro, ang iniisip ko?” sabi ni Golen.
Nilingon niya ito. “Ano?”
Nanatili itong nakatayo sa may pinto. “Ganyan ba talaga ang epekto sa babae kapag hindi naibalik ng lalaki ang pagmamahal na ibinigay niya? Seeing what happens to Kisses makes me feel guilty. Ilan kaya sa mga nai-date ko ang naglasing dahil hindi ko tinanggap iyong pagmahahal na ini-offer nila?”
“Wake up call iyan, kuya. Tigilan mo na ang makipag-date for nothing. Baka panahon na para magseryoso at tuparin ang wish ng mga magulang natin.”
He chuckled. “Geez! I can’t imagine myself marrying someone. Let’s stop this conversation. Lasing na rin siguro tayo. Kaya mo na riyan?”
Tumawa lang siya. “Oo, kuya ako na ang bahala.”
“’Pag may kailangan ka, andito lang ako sa pad ni Dad. Matulog ka na rin.”
“Sige, kuya.”
He waved goodbye and closed the door. Naiwan siya at ang lasing na Kisses na mahimbing nang natutulog sa kama niya. Naiwan din sa isip niya ang tanong ng kuya niya. Noong humindi ako nang mag-open si Jowi ng topic about marriage, naglasing din ba siya? If I agreed on her and just married her despite of being not prepared, will I be the same Hershey today? He sighed. Nauwi na naman siya sa panghihinayang.
Sabi nila, masarap magmahal. Bakit mapait ang naging lasa ng pagmamahal sa kanya na iniwan dahil hindi siya mahintay at dito kay Kisses na pinaghintay sa wala? Naiiling na pumunta siya sa mini-kitchen at nilagyan ng coffee beans ang coffee maker, then he turned it on. Balak muna niyang magkape bago matulog. Kumuha rin siya ng basin at malinis na tuwalya. Nilagyan niya ng tubig ang basin at lumapit kay Kisses. Pupunasan niya muna ito.
“Kisses, aalisin ko ang blazer mo, ha,” hinging permiso niya bago niya dahan-dahang inalis ang suot nitong blazer. Kisses just let him. Tulog na tulog na talaga ito. Nang maalis na niya ang blazer nito ay nilublob na niya ang face towel sa basin na may tubig at piniga iyon.
Mataman niyang pinagmasdan ang mukha nito. “You are too beautiful to be broken. Ang dapat sa ’yo, pinapasaya, inaalagan, minamahal.” Sinimulan na niyang punasanan ang mukha nito. Wala na itong makeup dahil nabura na iyon nang mag-iiyak ito sa bar habang nag-uusap sila. “Don’t worry. From now on. You have me. Hindi kita hahayaang masaktan pa uli.”
Napatawa si Hershey. Nangangako siya ng bagay na hindi niya napag-isipan. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya, may purpose kung bakit niya nakilala si Kisses. Nang mapunasan na niya ang mukha nito at leeg, maingat niyang pinunasan ang braso at kamay nito. Pagkatapos ay hinubad niya ang suot nitong sapatos. Kinumutan na niya ito.
Binalikan niya ang binu-brew na kape. At dahil hindi pa iyon ready, tumungo muna siya sa banyo para mag-shower. Inaantok na siya dala ng puyat at alak. After shower, nakalimutan na niya ang kape sa sobrang antok niya. He lazily walked towards his bed. Kinuha niya ang dalawang unan at iniharang sa pagitan nila ni Kisses. He then laid down on the other of the bed.
Bumaling sa gitnang side ng kama si Kisses, giving Hershey an easy access to see her angelic face. “Sleep well, Kisses.”
“Save my heart, Hershey.” She murmured. “Save me, please!”
He sighed and closed his sleepy eyes. “Yes, Kisses. I will. I promise.”
***
ISANG nag-iingay na cell phone ang gumising kay Kisses. She just lazily answered the phone.
“Anak, good morning. Kumusta ang out of town meeting mo?”
Napamulagat siya nang marinig ang boses ng kanyang ama. Napabalikwas siya nang bangon. “Dad! O-Okay naman po?!” patanong na sagot niya sabay ngiwi.
Naalala niyang ang paalam nga pala niya sa magulang ay may biglaan siyang out of town meeting kaya hindi siya makauuwi. Now, she felt guilty of telling lies. Sorry, Dad!
“I see. I’m just checking if you’re okay. I hope you can be home at dinner. Can you?”
“Y-Yes, Dad. I can make it to the dinner.”
“Good. Take care, my princess. I love you.”
“I love you, Dad.”
The call ended. Napabuntonghininga siya. Kasabay noon ang pagguhit ng sakit sa ulo niya. Nasapo niya ang sentido nang muling kumirot iyon. Hangover really sucks! Lasing na lasing siya nang nagdaang gabi pero hindi siya nag-alala. Bago pa naman siya tuluyang malasing ay naibilin na niya kay Hershey na i-check-in siya sa Neryz Ennael Hotel.
Kaya naman laking gulat niya nang may kumaluskos sa kabilang side ng kama kaya napalingon siya sa kanyang kanan. Nakita niya si Hershey, comfortably back sleeping on the right side of the bed. He was wearing a white sando and cotton pajama.
OMG! Why are you here, Hershey?!
Magpi-freak out sana siya knowing na natulog sila sa iisang kama ng taong wala pang twenty-four hours niyang nakilala nang mapansin niya ang dalawang unang namamagitan sa kanilang dalawa.
Napakalma siya noon. Ini-assess niya rin ang sarili. Maliban sa blazer niyang nakapatong sa sofa sa ’di kalayuan, suot pa rin naman niya ang suot niya kagabi. Safe siya. Pinagpalagay niyang nagmagandang-loob lang ang binata na samahan siya para masiguradong magiging ligtas siya magdamag. Napangiti na lang siya habang pinagmamasdan ito.
“Bakit ka kaya hindi hinintay ng ex mo? Mabait ka naman, gentleman, pogi pa.” At dahil tulog ito, malaya niya itong napagmasdan mula ulo hanggang abs. Bahagyang nakaangat ang sando na suot nito, marahil ay dahil sa kalikutan sa pagtulog. Kaya medyo kumakaway rin sa kanya ang abs nito. “Not to mention, mukhang yummy ka rin. Ang suwerte ng magiging girlfriend mo, Hershey.”
“I know.”
Napamulagat siya nang bigla itong magsalita. Pagmulat ng mga mata nito, ang kagandahan niyang nakatitig dito ang nahagip ng mga mata nito. “Good morning!” nakangiting bati nito.
Agad siyang umiwas ng tingin. “G-Good morning!” She felt her heart beat faster. Narinig kaya niya ang pinagsasabi ko? OMG! Narinig ata talaga niya!
Bumangon ito at parang batang nag-inat ng mga braso na parang walang pakialam na may kasama itong babae at pareho pa silang nasa iisang kama. Pinigilan niyang ’wag sumilay sa abs nito nang iangat nito ang mga braso, but she couldn’t help it. Pasimple siyang sumilip sa abs nito pataas sa chest hanggang sa mapagtanto niyang alam nito ang ginagawa niya. Nakangisi na ito habang nakatitig sa kanya nang mapadako ang kanyang paningin sa guwapo nitong mukha. Agad siyang umiwas ng tingin.
Lupa? Nasaan ka na ba? Lamunin mo ako, ngayon na! Please?
“Kisses, ano iyong mga sinasabi mo kanina?” On her peripheral vision ay kita niya humalukipkip ito at nanatiling nakangisi.
“H-Ha? Sinasabi? W-Wala ano. B-Baka nananaginip ka lang,” deny niya habang kung saan-saan niya inilibot ang kanyang mga mata.
She felt him moving closer to her. Pagkatapos ay sumilip ito sa harap niya dahilan para magtama ang kanilang mga mata. “Sigurado ka? Parang narinig ko kasing sinabi mong mabait ako, gentleman, pogi, at yummy?” patanong na sambit nito.
Napalunok siya sa sinabi nito. He was so damn cute in that angle. Lalong kumabog ang puso niya. “Yummy? Ah, baka narinig mo iyong sinabi ko na gusto ko ng yummy breakfast. Gutom na kasi ako.”
Nahigit niya ang hininga nang lalo nitong inilapit ang mukha sa kanya. “’Di nga?”
“Gutom na nga ako!” she insisted. “Feeling guwapo ka masyado.”
Tumawa lang ito. “Okay!” Hindi alam ni Kisses kung naniniwala ito sa kanya o sinakyan na lang nito ang trip niyang mag-deny. “Ano’ng gusto mo kainin?”
“Ikaw,” hirit niya.
Tumawa ito. “Ligawan mo naman muna ako, Kisses. ’Wag ka namang masyadong mabilis. We just met; you know,” biro nito.
Napaawang ang kanyang bibig at napatawa sa tinuran nito. “Adik ka! I mean, ikaw na ang bahala. Kaloka! Bakit ka kasi dito natulog?”
Tuluyan na itong umalis sa kama at naglakad papunta sa mini-kitchen nito. “Well, as far as I know, pad ko ito.”
“What?” Sinundan niya ito ng tingin. He went to kitchen counter and turned on the coffee maker. “Sabi ko, i-check in mo ako sa Neryz Ennael Hotel!”
“Don’t worry. You’re still in Neryz Ennael. Naisip lang namin ni Kuya na mas safe ka rito kaysa iwan ka naming mag-isa sa isang hotel room here.” Nagbukas ito ng ref at kumuha ng mga ingredients.
“Which reminds me, hindi pala ako nakapagbigay ng share sa gastos natin kagabi.” Pinagmasdan niya ito habang abala ito sa kusina.
May kinuha ito sa freezer ng ref na inilagay nito sa turbo broiler para i-defrost. “Don’t mind it. Hindi namin pinagbabayad ang babae.”
“Thank you for that, then. And, thank you so much sa pag-aalaga sa akin. I know, kakikilala lang natin. Pero talagang wala akong mapuntahan kagabi. I’m glad you’re there,” malungkot na hirit niya. Bumaba na rin siya sa kama at pumunta sa kusina. “Tulungan na kita?” Umupo siya sa stool sa may kitchen counter.
“’Wag na. Just sit there and chill. Nagkakape ka ba sa umaga?” She just nodded. “Good then. It helps beating hangover.” Nagsalin ito ng kape sa dalawang tasa. Inihain nito ang isang tasa sa kanya pati ang isang cookie jar na may lamang chocolate chips cookies. “Kape muna tayo habang nagluluto ako.”
“Salamat, Hershey.” Hinayaan na lang niya ito. Baka talagang gano’n lang ito. Kitchen was his territory after all. O baka duda ito na may maitutulong siya sa kusina. Marunong naman siyang magluto kahit papaano pero walang-wala iyon sa culinary skills ng isang legit na chef kaya back off na siya.
Binigyan siya nito ng matamis na ngiti. “You’re welcome.”
Pagkatapos ay tumalikod na ito para magsalang ng kaserola at pan sa gas stove. Nahusto na lang si Kisses sa panonood sa bawat kilos nito habang sumisimsim ng kape at kumakain ng cookies.
Hinagip ni Hershey ang apron at isinuot iyon. Naglagay ito ng mantika sa kaserola at bumalik sa paghihiwa ng mga ingredients. Maya-maya pa ay naggisa na ito ng bawang at sibuyas. Pagkatapos ay binalikan nito ang na-defrost na chicken. May inilagay ito sa baking pan at mayroon din hiniwa nang maliliit. Afterwards, he became secluded with his cooking session while Kisses kept on watching him. Sa tingin niya, dalawang dish ang niluluto nito nang magkasabay. It was like watching a silent cooking show with a sexy chef.
At dahil nakatalikod ito sa kanya, malaya siyang pagmasdan ang back view nito. She really found him too sexy just be a simple chef. Lalaban ang body figure nito sa top sexiest men in the world. Minsan talaga, unfair ang mundo. May mga lalaking guwapo na sa harap, yummy pa sa likod. Nilandas ng mga mata niya ang magandang hubog ng balikat nito at well-formed muscles na na-emphasize ng paghahalo nito ng niluluto pababa sa behind nito. Nice.
Makalipas ilang minuto ay inihain nito ang niluto sa kitchen counter.
“Chicken soup noodles and cheesy bacon chicken ranch. Tara, kain na,” nakangiting sabi nito sabay upo sa katapat na stool. Ipinagsalin pa siya nito ng noodles sa mangkok.
“Thank you for this, Chef. Ginalingan mo naman masyado. Tayo lang naman ang kakain.”
Napakamot ito sa batok. “Hindi na nga ako nag-plating. Supposedly, this cheesy bacon chicken ranch shall be served with plating design.”
Indeed, nasa oven-safe glass dish ang cheesy bacon chicken ranch nito at hindi plated. Few seconds more they are enjoying a good breakfast. Nakatulong ang mainit at malinamnam na soup para mabawasan ang hangover ni Kisses. The food was superb as expected.
“Hershey?” Tiningnan niya ito. He was just busy eating.
Tila slow motion para sa kanya nang iangat nito ang paningin mula sa pagkain papunta sa kanya. Their eyes met. Her heart jumped off a bit. “What is it?”
“Wala na akong maalala sa mga pinaggagawa ko kagabi nang malasing ako. Hindi ko na rin maalala kung paano tayo nakauwi dito sa unit mo. Did I do something horrible last night?”
He gazed at her. “Wala naman.”
Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ito. “Buti naman, wala. Nakakahiya sa inyong magkuya.”
“Nothing horrible but you did something cute.”
“Ha? Ano’ng ginawa ko? Tell me, Hershey. Tell me kung kailangan ko nang humanap ng lupa para mag-volunteer na lamunin ako nang bonggang-bongga!” eksaheradang hirit niya.
Tumawa lang ito. “Well, you’re singing The Cuppycake Song hundred times. Tumatayo ka pa sa mesa habang kumakanta. Naumay nga kami ni Kuya but it was cute. You’re cute.”
Tiningnan niya ito nang masama. Mukha kasing niloloko lang siya nito. “Seryoso?” He nodded. “Niloloko mo lang ata ako, eh!”
“Hindi, ah. Tanong mo pa kay Kuya Golen.”
Natigilan si Kisses nang may maalala na siya. What he was saying was true. Itinakip na niya ang dalawang kamay sa mukha ang maramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi. She remembered singing that song for Hershey. May pagkurot pa siya sa pisngi sa binata habang kinakanta iyon. “Nakakahiya! Lupa, where na you? Lamunin mo na me!” hirit niya. “Kalimutan mo na lang iyon, Hershey, please?”
“I can’t promise that but don’t worry. Your secret is safe with us,” natatawang tugon nito.
She sighed and took off her hands that covered her face. Nakangiting bumaling siya rito. “Salamat sa inyong magkapatid. Babawi ako soon.”
“Don’t mind it. But I have a piece of unsolicited advice for you. Kisses, don’t do it again. What you did last night was risky. Puwede kang mapahamak. Hindi ka dapat nag-iinom sa bar nang walang kasamang kaibigan. Sa susunod, magsama ka ng mga kaibigan o sa bahay ka na lang magpakalasing.”
Napangiwi siya. He sounded like her Kuya Cholo again. “Opo, kuya. Nanenermon ka na naman pero . . . salamat,” buska niya.
Mataman siyang tiningnan nito then he moved closer. “Alam mo, iyong huling nag-kuya sa akin, naging girlfriend ko. So, stop calling me kuya unless interesado kang maging boyfriend ako.” He even winked and she found it cute.
Itinapik niya sa noon nito ang nahagip na small pack ng tissue. “Lumaklak ka pa ng kape para nerbyusin ka naman . . . kuya!” nakangisi niyang hirit.
Kapwa sila napangisi sabay tawa.