TININGNAN ni Kisses nang masama ang stage nang marinig ang kasalukuyang kinakanta ni Limien, ang keyboardist at female vocalist ng Karisma Band. Nasaktuhan niya na celebrity band ang performer on stage. Ang totoo, hindi naman talaga siya mahilig sa magulo at maingay na bar. Pero kasi, lakas makaakit ng alak ngayong lugmok siya sa pagkabigo.
“Seriously? Paubaya?” she uttered to no one in particular. Umiling lang siya sabay laklak ng tequila na in-order niya. “Oo na, pinapaubaya ko na nga sa kanya. Maging masaya sana sila! I didn’t mean it though. Unfair naman kung masaya sila ’tapos ako wasak. Bakit ba ako nagpaniwala sa lalaking iyon?”
She was at the bar counter of Senang Hati Music Lounge. Doon sa high-end bar na iyon siya dinala ng walang direksyon niyang pagmamaneho after niyang iwan si Ryan at ang babaeng pinili nitong mahalin. Uuwi na lang sana siya ngunit naisip niyang magtatanong pa ang magulang niya kapag nakita ng mga itong pugto ang mata niya. Ayaw niyang malaman ng mga ito ang drama niya sa buhay. She didn’t want them to worry.
“Poging bartender, pangit ba ako?” tanong niya sa kalapit na bartender.
Natigilan sa pagmi-mix ng bartender at ngumiti sa kanya. “Hindi, ma’am. Ang ganda-ganda mo nga, eh.”
“Sa tingin mo ba kamahal-mahal ako?”
Ipinagpatuloy nito ang paghahalo ng alak. “Ma’am, lahat ng tao may karapatang magmahal at mahalin. Kaya, ma’am, palagi mong isipin na kamahal-mahal ka,” sabi nito sabay lapag ng margarita sa harap niya. “Bigay po ni Sir Hinaro.”
Kaibigan ng Kuya Cholo niya ang binata. Nilingon niya stage. Nakita niya si Hinaro na abala sa pagtugtog ng drums. Drummer kasi ito ng Karisma Band. Muli niyang binalingan ang bartender na sumalo sa pag-e-emote niya.
“Ang bongga ng sinabi mo, kuya!” Pero bakit hindi niya piniling ako ang mahalin? Why? Oh, why? Dinampot niya ang baso ng margarita at dinala iyon sa may stage. She found a perfect spot enough para makita niya nang malapitan ang band members. Nang mapalingon sa kanya ang vocalist na si Hamiel ay ngumiti ito sa kanya at kumaway.
Personal niyang kilala ang Karisma Band members dahil hindi lang miminsan siyang nakapag-handle ng events ng mga ito. Nang magawi ang paningin ng drummer sa kanya ay iniangat niya ang hawak na baso bilang pasasalamat. Kumaway lang sa kanya si Hinaro bilang tugon.
Naglakad na siya palayo sa stage dahil dumadami na uli ang nagkukumpulan roon. Karisma Band was now performing their rendition of an Adam Levine song, Locked Away. Babalik na sana siya sa bar counter nang may isang lalaking mukhang lasing na ang humarang sa kanya. De-dead-mahin na lang sana niya nang humarang uli ito nang mag-iba siya ng direction.
“Miss, gusto mo bang sumama sa akin? Maybe we can share some good night.”
Napakunot ang noo niya. Malas ata siya sa gabing iyon. Nabigo na nga siya kay Ryan tapos mababastos pa siya ng lasing. “No!” Tumalikod na siya at nagmadaling umalis. Kinabahan na siya nang maramdamang sinusundan pa rin pala siya ng lalaking lasing.
“Miss, ’wag ka namang ganyan. Promise, magugustuhan mo ang gagawin natin.”
Dali-dali siyang umakyat sa second-floor deck ng bar, baka sakaling naroon ang knight in shining armor na tutulong sa kanya. Ano bang kamalasan iyan, Maria Kisses?!
Ngunit sumunod pa rin ang lalaki sa kanya.
“I told you, I’m not interested! Leave me alone!” Lord, savior please?!
“Come on, Miss. Don’t play game. Sumama ka na lang sa ’kin,” sabi pa ng lalaki.
“A-Ano sa I’m not interested at leave me alone ang h-hindi mo naintindihan? I’m with someone okay?” sabi niya habang sinusubukang makalayo rito. Natatakot na siya.
“Liar. Kanina pa kita sinusundan. Wala kang kasama.” Hinawakan ng lalaki ang braso ni Kisses na nagpadoble ng takot niya. “Let’s go!”
“I said, no!” she shouted para makakuha na ng atensyon ng ibang tao. Nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito. Handa na ang kamay niyang sampalin ito nang may bigla na lang sumulpot na lalaki sa harap niya. Hershey?
Ngumiti ito sa kanya. “Babe, I’m glad I found you.” He winked sabay akbay sa kanya. Nakuha naman niya ang nais nitong palabasin. “I told you to stay close to me. Crowded ngayon ang bar. Buti nahanap na kita.”
“S-Sorry, babe. I lost my direction,” sakay niya sa sinabi nito.
Napansing niyang sisingit pa sana sa kanila ang lalaking nangungulit nagtatangkang manyakin siya kanina.
Nagulat siya nang ikinulong ni Hershey ang mukha niya sa mga palad nito. She felt her heart skipped. May kakaibang hatid ang mainit at mabango nitong mga palad sa bigo niyang puso. Sa hindi niya mawaring dahilan ay nakaramdam siya ng security. Alam niya, ligtas na siya sa manyak na lalaki dahil nasa harap na niya si Hershey. My knight, my savior!
“It’s okay, babe. Naghihintay na iyong tatay mong general, ninong mong senador, at iyong tito mong may-ari ng funeraria. May nanggulo ba sa ’yo? Sabihin mo lang, ah. You know, I’ll do everything for you. Iyong huling nambastos sa ’yo, saan ko nga ba pinatapon ang katawan noon? Ah, right. I throw him in sss River. Maybe I’ll throw the next in Taal Volcano crater. Tamang-tama, nag-aalburuto pa naman ngayon ang bulkang iyon. What do you think?” he said in a very cool way.
Ano raw?! She tried her best not to laugh. Kitang-kita niya ang paglaki ng mata ng lalaking sumusunod sa kanya at pasimple nitong pagtakbo palayo. Bigla silang nagkatinginan ni Hershey at sabay na napatawa. Ewan ba niya. She was brokenhearted but she forgot about it for a while because of what Hershey did.
“Okay ka lang, Kisses?” nakangiting tanong nito.
She nodded. “Thank you. Buti na lang at dumating ka. Kanina pa akong kinukulit ng manyak na iyon. Niyayaya akong sumama sa kanya.”
“Marami talagang mga ganyan sa ganitong lugar. Saan ba ang puwesto n’yo ng mga kasama mo? Ihahatid na kita roon. Dapat palagi lang kayong magkakasama ng mga kasama mo para ’di ka lapitan ng mga manyak,” litanya nito.
Napangiwi siya. He sounded like her Kuya Cholo and her father as well. Para siyang sinesermonan.
Umiling siya. “Wala talaga akong kasama. Actually, naligaw lang talaga ako rito.” Napabuntonghininga siya. Naalala na naman niya ang dahilan kung bakit siya napapunta sa bar na iyon. “Dito kasi ako dinala ng pagmamaneho ko nang wala sa sarili.”
“Why? Something bad happened?” nag-aalalang tanong nito.
That made her heart skipped again. Napaka-expressive ng mata ni Hershey to the point na madali mong mababasa ang emotion sa mga mata nito.
She nodded, trying not to shed tears. Nailigtas na siya ni Hershey kanina. It would be too much kung pati problema niya ay ikukuwento pa niya rito. Ni wala pa nga silang twenty-four hours na magkakilala.
“If it will just be okay for you, sumama ka na lang sa amin. At least you have someone to protect you tonight. Iyon ay kung gusto mo lang naman,” he offered na parang nahihiya pa.
Napangiti si Kisses. Mas okay nga iyon. Baka maharang pa uli siya ng isang manyak na lasing. Ngunit bigla niyang naisip na baka may ka-date ito at maging istorbo pa siya. “Okay lang ba talaga? Baka maistorbo ko ang pakikipag-date mo.”
“Date? Kuya ko ang kasama ko. I’m not here for a date.”
“Ah, okay sige.” Pumayag na siya.
Ngumiti ito. “Great!” May itinuro itong VIP lounge sa ’di kalayuan. “Doon ang puwesto namin.” At naglakad na sila papunta roon.
Few seconds more, she found herself standing in front of a handsome guy na abala sa pagtungga ng bote ng Pale Pilsen. Agad nitong ibinaba ang bote sa mesa nang makita siya at tumayo. Bumaling ito sa kapatid.
“You finally got a date in span of ten minutes, bro. Nice!”
Tumawa lang si Hershey. “Kuya this is Kisses Sandoval.” Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya. “Kisses, kuya ko, si Golen.”
“Wait you mean, she’s Kisses Sandoval, the event planner?” pagkumpirma nito.
Napaisip si Kisses. Bakit kilala niya ako? Pinagtsismisan ba ng magkapatid na ito ang kagandahan ko?
“Yes, she is,” tugon ni Hershey sa kapatid.
Bumaling muli sa kanya si Golen. “Oh! Hi, Kisses. It’s really nice to meet you.”
“Same here.”
“You, guys, stay here for a while,” pamamaalam nito. He turned around.
“Saan ka pupunta, kuya?” pahabol na tanong nito sa kapatid na nagsisimula nang humakbang palayo.
“Maghahanap ng mapapangasawa!”
Napatawa na lang si Hershey. “Good luck, bro!”
“Is he serious?” baling niya sa binata. Nagtama ang kanilang mga mata. Iyon na naman ang biglang pagkabog ng puso niya. Tama na ang inom, Kisses. Naparami ka na ata.
“Well, kinda. Gusto na kasi ng magulang namin na mag-asawa na kami.” He motioned her to seat on the couch. Tumalima lang siya. Umupo naman ito sa katapat na couch. May table na namamagitan sa kanilang dalawa na may mga pagkain at isang bucket ng beer. “Let’s have a seat. Do you want something else? Sabihin mo lang, o-order tayo.”
Inilapag niya muna sa mesa ang hawak niyang baso. “Wala naman. Salamat. Wala rin naman akong gana. I just wanna drink.”
“Okay.” Kinuha nito ang isang bote ng alak at uminom.
Pinagmasdan lang niya nito. Why do you look so sexy by just drinking beer? Tila slow motion para sa kanya ang paglapat ng labi ni Hershey sa bunganga ng bote, ang paglagok nito ng alak hanggang sa pagbaba muli nito ng bote sa mesa. Minsan parang ang sarap maging alak. Napailing si Kisses sabay iwas ng tingin. Kung ano-ano na lang ang naiisip niya.
“Okay ka lang, Kisses?”
Muli niyang ibinalik sa binata ang kanyang paningin. “Ah, yeah!” Ininom niya ang natitirang margarita. “Hershey, sabi mo pinag-aasawa na kayo ng magulang n’yo.” He nodded. “Ikaw? What I mean, naghahanap ka na rin ba ng wife-to-be?”
Umiling ito. “I’m not ready yet.”
“How will you know if you are ready?” tanong niya. Gusto niyang malaman kung paano nalalaman ng lalaki kung ready na ba silang mag-asawa. Gusto niyang malaman kung ano ang pumasok sa isip ni Ryan at mas pinili nitong pakasalan ang babae kasama nito kanina kaysa sa kanya na isang dekada na nitong kasama. They even have a special relationship way back then.
Nagkibit-balikat si Hershey. “I don’t know. Sabi ni Dad, mararamdaman mo naman daw iyon. Kapag handa ka na raw mabago ang buhay mo, kapag nakikita mo na ang sarili na tatanda kasama iyong partner mo, kapag nakikita mo ang sariling may inaalagaang anak, then it might be the right time.”
“Hindi mo iyon naramdaman sa mga ex mo?” tanong niya uli.
“Grabe ka naman sa mga ex. Dalawa lang naging ex ko. Iyong isa, high school pa ako. Alam mo na. Young love, walang seryosohan.”
“Eh, iyong pangalawa?”
He sighed. Tila bigla itong nalungkot sa tanong niya. “Iyong pangalawa, iyon na iyong seryosong relasyon ko. Three years din kami.”
“Bakit kayo . . . naghiwalay?”
Makahulugang tiningnan siya ni Hershey. Sadness reflected in his eyes. “Hindi na niya nahintay na maging ready ako na magpakasal. She left. She married someone else few weeks after we broke up. May anak na siya ngayon.” Kumunot ang noo nito. “Why are you asking about it? Is there something wrong?” Tinitigan siya nito.
Umiling siya sabay dampot ng isang bote ng Pale Pilsen. Nagsalin siya sa isang baso at saka tinungga iyon. Pagkatapos ay tinitigan lang niya ang bucket para may excuse siyang ’wag direktang tumingin sa binatang mukhang nagbabadyang sumalo ng problema niya nang gabing iyon.
She sighed. “Iniisip ko lang kasi kung bakit ibang babae ang pinili niya na mahalin at mapangasawa.” Lumandas sa alaala niya ang mga sandaling sinabi ni Ryan sa kanya na may fiancée na ito. Hindi na niya napigilan ang luhang kumawala sa kanyang mga mata nang muling humagod ang sakit sa kanyang sugatang puso.
“Kisses?”
“Sorry, Hershey. Hindi ako dapat maging ganito sa harap mo pero—”
“No worries. Sige lang.” He extended his hand to be able to touch hers. Madali nitong nahawakan ang kamay niya dahil nakapatong iyon sa mesa. “I’m here to listen.”
Awtomatikong napatitig siya sa binata. Sinalubong siya ng isang pares ng mga mata na lubos na nag-aalala.
Umiwas siya ng tingin sabay bawi ng kamay niya. “Someone broke my heart. Iyong taong minahal ko nang higit sampung taon na inakala kong single at mahal din ako, nalaman kong may fiancée na pala.” Turn naman niyang magkuwento nang nangyari sa pagitan nila ni Ryan kani-kanina lang. Idinitalye niya rito ang lahat. Until all the pains suddenly went back that made her eyes shedding tears again. She sobbed. “Hindi lang naman kami simpleng mag-best friend ni Ryan. Nanligaw siya sa akin noong high school ako. Noon pa lang gusto ko na siya pero dahil hindi pa ako ready makipag-boyfriend, tinanggihan ko ang panliligaw and told him na after college pa ako magpapaligaw. Strikto ang tatay ko kasi. Complicated. He insisted to still be part of my life kahit kaibigan muna raw pansamantala habang hindi pa puwede. Sabi niya noon, ’pag puwede na, itutuloy pa rin niya ang panliligaw. So, we remain special friends. Hinintay kong tuparin niya ang pangako niya. Akala ko, inihahanda rin niya ang sarili sa relasyon. Little did I know, bumuo na pala siya ng future kasama ang ibang babae. Too late, nailaan ko na iyong buong puso ko sa kanya.”
Hindi na niya napigilan ang sarili. Isinubsob niya ang mukha sa mga kamay niya at sa sobrang hiya ay itinuloy niya ang pag-iyak. Hikbi lang siya nang hikbi. Kung kanina sa bar kung saan nadurog ang puso niya ay hindi niya magawang umiyak nang sobra-sobra, ngayon ay nagawa na niyang ibuhos ang kanyang mga luha tanda ng sobrang sakit sa kalooban ng naranasan niya.
The she felt Hershey siting beside her. A warm arm enveloped her shoulders. “Kung hindi ka niya minahal, malaki ang nawala sa kanya. Kasi hindi niya mararanasang mahalin mo nang sobra-sobra. Sabi ng nanay ko, ang heartbreak masakit lang sa simula pero kapag na-realize mong naging daan ang heartbreak na iyon para matagpuan mo ang tunay na magmamahal sa ’yo nang totoo, ipagpapasalamat mo pa na nabigo ka.”
Tumunghay siya. Ang guwapong mukha nito ang agad sumalubong sa umiiyak niyang mga mata. Sobrang thankful siya at nakita siya ni Hershey. Hindi man sila lubos na magkakilala, palagay siya sa comfort na binigay nito sa kanya.
She felt her heart skipped when he sincerely gazed at her. Ito na naman ang heartbeat na ’to! Bakit ang dali kong maramdaman ito sa ’yo, Hershey pero kay Ryan hindi?
He raised his hands and gently wiped away the tears in her eyes and cheeks as well. Iyon ang nagpadoble ng pagkabog ng puso niya. Then Hershey smiled. “A woman should not cry for a guy who doesn’t deserve her tears. The guy you fell in love with and had your heart broken doesn’t deserve you. You deserve someone better.”
“Thanks, Hershey, for being here.” She smiled.
He smiled back. “You’re welcome.”
“Question. Mahal mo pa iyong ex mo?”
Umiling ito. “Hindi na. The feeling had died. Pero I admit, masakit pa rin maisip na hindi niya ako nahintay maging handa, as if my love was not that enough for her to wait.” Dumampot ito ng tissue at ibinigay sa kanya.
She managed to wipe her tears with the tissue. “Takte! Halos pareho lang pala tayo ng pinagdaanan. Bakit sila naging gano’n sa atin, ano? Maganda naman ako. Pogi ka naman.”
Inalis na nito ang brasong nakayakap sa kanya. “’Di ko rin alam ang sagot. Malay naman natin, baka nangyari iyon dahil iba pala ang nakalaan sa atin.” On cue, bigla silang nagkatinginan. “Saan ka ba nakatira? Ihahatid na lang kita.”
Umiling siya. “Ayokong umuwi sa bahay nang ganito ako. Tara na lang sa hotel n’yo.”
Pabirong tiningnan siya nito nang may pagdududa sabay pabirong yakap nito sa sarili. “Ate, ’wag po!” biro nito.
Sabay silang napatawa. Saka lang din niya napagtanto ang sinabi niya. “Magche-check in ako. Hindi ka kasama! Baliw!”