NAGISING si Kisses matapos ang isang oras na pahinga after niyang uminom ng gamot. Sinunod niya si Hershey. Uminom siya ng gamot at nagpahinga lang sa silid niya matapos siyang magbilin sa staff niya na sila muna ang umasikaso ng pre-ceremony preparations. Tuluyang bumagsak ang katawan niya. Her temperature was now higher, her joints and her head were terribly aching. Tumingin siya sa wrist watch. Sa tantsa niya, ongoing na ang wedding ceremony. She grabbed her phone and texted her staff. Ilang segundo lang ay nag-reply ang staff niya at nagbigay ng updates. Sinabihan na niya ang coordinator head niya na mag-takeover sa mga responsibilidad niya dahil masama ang pakiramdam niya. It seemed that everything was doing well kaya ’di na siya nag-alala. Pumikit siyang muli at nakatulog. Makalip

