NAGSUSUKLAY ng buhok si Kisses nang mag-ring ang messenger niya. Her dad was requesting for a video call. Pagkatapos nilang mag-dinner ni Hershey ay nag-text na siya sa tatay niya at sinabing hindi siya makauuwi. Agad niyang inilapag ang suklay at sinagot ang video call. Tumambad sa kanya ang mukha ng kanyang ama in serious mode. “Hey, Dad! Did you receive my text?” nakangiting tanong niya. “Yes. Ano’ng ginagawa mo riyan sa Batangas? Dumaan ako sa opisina mo. Naroon ang kotse mo.” “Iyon nga, Dad. Kotse kasi ni Hershey iyong ginamit namin. Kaso nagka-problem po. Bukas pa po ng umaga mapupuntahan ng mekaniko. Kaya dito po muna kami sa Hacienda Canilao.” “Hershey? Iyong chef? Iyong tag nang tag sa ’yo ng kung ano-ano sa Facehook?” Napangiwi siya. “Opo, dad.” “Is he courting you?

