MAY kwento ako. Nangyari ito noong hindi pa ako pinanganak.
May isang babaeng nagngangalang Fellise Soledad. Simple lang ang buhay niya noong ayos pa ang lahat. Malaki ang grades niya, maganda siya, mahinhin at nirerespeto ng lahat. Siya nga ang tinaguriang dakilang babae sa paaralan niya dahil iniidolo siya ng lahat. Pati mga guro ay hinahangaan siya sa kakayahan niya. Pero may isang kakayahan ang hindi kaya ni Fellise, hindi siya marunong magluto.
Dumating sa buhay niya ang isang lalakeng nagngangalang Xervin, isang normal at ordinaryong lalake sa paaralan nila. Nagkakakilala sila noong dinala sila ng kaibigan nila sa isang party at sinet-up sila. Noong una, hindi nila gusto 'yon pero nang tumatagal ay nagkakasundo rin ang dalawa. Mas lalo pa silang nagkaka-close noong nagka-partner sila sa isang culinary project. At dahil culinary 'yon, bagay na hindi marunong si Fellise, nandiyan palagi si Xervin para turuan siya. Pero kahit ilang subok ang dinaloy nila, hindi pa rin kaya ng dalaga ang pagluluto.
Simula noon, may sikreto na silang pagtingin sa isa't isa. Tinatago nila ito sa sarili nila dahil ayaw nilang masira ang kanilang relasyon lalong-lalo na't kilalang-kilala si Fellise sa buong paaralan. Maraming nagkakagusto kay Fellise kaya kung may makakarinig tungkol sa sikretong relasyon ng dalawa, pati si Xervin masasaktan o maaari'y mamamatay. Karamihan sa mga lalakeng nagkakagusto sa dalaga ay sumasali sa g**g. Pero magandang bagay rin namang hindi nila ginalaw ang dalaga.
Nagbago ang buhay ni Fellise nang mabuntis siya. Ang masama pa roon ay ang kapatid ni Xervin ang nakabuntis sa kaniya, si Vergon. Nangyari iyon lahat nang nalaman ng buong paaralan ang sikretong relasyon nila ni Xervin. Si Vergon na may malalim na pagtingin kay Fellise, pinilit ang dalaga na mapasakaniya. Ngunit dahil ayaw ng dalaga sa desisyon ni Vergon, imbes na irerespeto niya ang desisyon nito ay ginahasa niya ito. Una ay dinukot siya at ang nobyo niyang si Xervin. Sunod ay ginapos ang dalawa, ang dalaga ay nasa isang sulok, hinubaran at ginawang laruan. Si Xervin naman ay naka-blindfold habang ginapos ang dalawang kamay at paa. Ginahasa siya sa harap ng kaniyang pinakamamahal na lalake. Siyempre nakagapos ang dalawa at walang lakas lumaban, at saka hindi pa sila armado kaya ang resulta, nabuntis ang dalaga at ang binata ay nagdusa.
Hindi pa 'yan ang tapos. Nahuli si Vergon ng mga pulisya pero huli na ang lahat, nabuntis na si Fellise. Nakulong si Vergon at di inaasahang nagpakamatay ito sa loob ng kulungan dahil sa pagkakasala.
Huminto ng pag-aaral sina Fellise at Xervin para maalagaan ng binata ng husto ang dalaga dahil sa dinadalang bata nito. Inalagaan niya pa rin ito kahit hindi niya anak ang dala niya. Ang mga magulang ng dalawa ay hindi sila sinusuportahan kaya hanggang sa mahal nila ang isa't isa, sila na ang naghahanap ng paraan para buhayin ang kanilang sarili.
Dumating ang araw ng pagkaanak ng dinadala ni Fellise, pinangalanan nila ito ng Ezra. Masaya silang dalawa kahit na ang batang ito ay bungang hindi galing sa kasiyahan, kundi galing sa kalungkutan at masamang alaala. Pero kahit gano'n pa man, pinili nila ang alagaan ang batang ito.
Hindi nagtagal ay dumating sa puntong nabuntis na naman si Fellise, pero sa ngayon ay si Xervin na ang ama. Habang buntis si Fellise sa batang ito, ang pinakamatagal na pangarap niyang makasal kay Xervin ay natupad din sa wakas. Iyon ay ang pinakamasayang alaalang pangarap na naabot nila sa kabila ng lahat ng pagsubok na kanilang dinaanan sa nakaraan.
Masaya sila nang malaman nilang ayos lang ang kalagayan ng bata at higit sa lahat, itong batang ito ay ang bunga ng kasiyahan at magandang alaala ng mag-asawa. Ang batang ito ay pinangalanan nila ng Ameri nang ito ay ipinanganak na. Masaya sila pagkatapos ng magandang alaalang iyon, pero hindi rin naman nagtagal dahil ang kasiyahang iyon ay napalitan na naman ng kalungkutan. 'Yon ay ang pagkamatay ni Xervin Charmante.
Hindi kaya ni Fellise ang magpalaki ng dalawang bata sa kaniyang palad kaya pinili niyang ang orphanage muna ang bahala kay Ezra. Babalikan niya raw ito 'pag ayos na ang kaniyang buhay at kapag nakakahanap na siya ng magandang trabahong sapat para magpalaki ng dalawang anak.
Ito ang storyang kinuento sakin ng ina ko noong labinlimang taong gulang pa lamang ako. Do'n ko rin nalamang may kapatid pala akong hindi ko alam na mayroon pala. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita kung anong hitsura ng kapatid ko, mayroon naman akong litrato sa kaniya kaso litrato ito noong pinanganak pa lamang siya.
Kaya kung ano ang ginagawa ni mama ngayon, iniintindi ko nalang. Buwan-buwan, linggo-linggo, araw-araw, may dala siyang iba't ibang lalake rito sa bahay. Sa tingin ko resulta ito sa matinding pinagdadaanan niya kaya pati ang buhay niya ngayon, naaapektuhan na rin. Ilang beses ko na ring binalaan si mama na 'wag nang manlalake pero wala pa ring talab sa kaniya ang mga sinasabi ko.
Nang makita kong may kahalikan siyang bagong lalake, nagulat ako kaya napatakbo ako rito sa kwarto ko. Hindi naman ito first time na nakita kong may kahalikan si mama, nakakagulat lang dahil sa harap ko pa. At alam kong nakakahiya yung ginawa ko kaya hindi ko maiiwasang mapatakbo nalang.
Hanggang ngayon, naghahanap pa ako ng paraan kung paano ko pigilan si mama na manlalake. Alam kong malaki na ang sala ni mama kaya ako bilang anak niya'y kailangang pahintuin ang gawing ito.
Binagsak ko ang sarili ko sa aking kama at nag-isip ng malalim. Paano kaya kung itong mga lalake ni mama, may asawa na pala. Tapos kapag nalaman nilang may kabit ang kanilang asawa, papatayin nila si mama. Ayokong mangyari yun. Takot akong mawala si mama kahit ganiyan ang mga pinaggagawa niya sa bahay na 'to.
Ilang minuto rin ang lumipas, may tumawag sa aking telepono. Bumangon naman agad ako at saka sinagot ang tawag.
"Hi, Luna. What's up?" bati ko sa kaniya.
"Uh, hey. It's me."
Isang boses ng lalake ang naririnig kong sumagot. Nagulat ako kaya tinignan ko ulit ang naka-register na pangalan sa screen para smasigurado ko. Galing naman kay Luna ang tumawag, pero bakit boses ng lalake ang narinig ko?
"Hello? Where's Luna?" Siyempre ang kaligtasan ni Luna ang mauuna rito. Saka ko na tatanungin ang lalakeng ito kung sino siya sa oras na sasagutin niya ang tanong ko.
"Luna just lent me her phone. She's here so there's no need to worry." Biglang tumahimik ang kabilang linya. "Anyways, she talked something about musical instruments, right?" pagpatuloy nito.
Oh, ang boses na 'to. Hindi ko agad nakilala kung sino siya. Akala ko kasi masamang tao ang sumagot.
"A-Are you perhaps... Keevan?" One of the big five! Kausap ko ngayon ang isa sa mga lalakeng sikat sa paaralan! Salamat Lord sa biyaya.
"Yes, that's right. I'm Keevan. I heard you're competing in the music competition for the upcoming event, is it true?"
"Yes, that's right. I don't know how to play any instruments and I have no idea how to play it since I have no experience and such."
"Then why did you choose to participate in this competition?"
"To be honest, I'm really after the points that our adviser told us about. If we participate in the event's competitions, our teacher will add points to all of our subjects. T-That's why. A-And the points will be 85%. That's quite big, plus our conduct grade and academic grade. I'm wondering how much will I get."
"Ah, how unfortunate."
U-Unfortunate? Alam kong disappointed siya dahil sa rason ko pero hindi ko kayang umatras. Kailangan ko talagang magpataas ng grades para hindi ako makabayad ng tuition. Umaasa ako sa scholarship kaya hanggang sa kaya ko, gagawin ko lahat tumaas lang ang grades ko. Mahirap talaga kami at di ko kayang bayaran yung tuition. Nakita ko kung ilang digit mayroon ang tuition nila rito at muntik pa akong nahimatay. Kaya kung maaari rin, di ko na yun titignan pa.
"When will you be free?" tanong ni Keevan.
Napaisip ako ng ilang segundo. Sa totoo lang wala talaga akong freetime. May tatlong part-time job ako sa isang linggo at mag-aaral pa ako. Hindi pa nga ensakto ang oras ng tulog ko dahil sa sobrang busy. Kaya kung sasabihin freetime, tuwing break time lang ang mga freetime ko.
"During break time and lunch time, I think."
"Then it's settled. Tomorrow, during our morning break time, go to the music room and I will be there."
"R-Really?!" Ang bait niya! "Thank you! Thanks a lot! I promise to pay you back sometime! I mean it! I promise!"
"Alri---"
"Hey Ameri!" boses ni Luna ang narinig ko. Siguro binawi niya ang telepono niya kay Keevan. Timing din dahil taps na rin kaming mag-usap.
"How are you, my little darling?"
"I-I'm fine. I just got home from work." Paminsan-minsan din ay nag-iiba rin itong mood ni Luna kaya kadalasan, di ko rin siya maiintindihan. Pero ayos lang naman, kaibigan ko pa rin siya.
"Really? Then you should be resting now. Bye, lovely. Let's talk tomorrow. I know you don't have enough time to rest since you have---anyways, sleep tight, honey. See you tomorrow at school. Goodnight."
Pagkatapos no'n ay binaba na niya ang telepono.Ito talagang kaibigan ko may tama rin sa ulo minsan. Pero kahit na, masama pa rin ang kutob ko tungkol do'n sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung paano 'to papaalisin pero dapat pa rin akong mahintay kung kailan niya sasabihin sakin ang nangyari.
Lumabas ako sa kwarto ko at napatingin sa bandang sala. Nakita ko sina mama at yung lalake kanina na nag-uusap ngayon, masayang nag-uusap. Sa tingin ko talaga kinalimutan na ni mama si papa. Dahil kung mahal pa niya si papa, hindi sana siya naghahanap ng iba. Hindi ko ito pinahalata pero galit na galit talaga ako sa demonyong ginawang makasalanan si mama. Masaya na sana kung kami lang dalawa pero bakit nanlalake pa siya? Sana naman hindi niya ibabalewala lahat ng mga alaala niya nila ni papa.
Hindi ko sila pinansin at tahimik nang naglakad patungo sa kusina. Magluluto ako ng hapunan dahil alam kong wala pang kain itong ina ko. At dahil may bisita rin kami, ipagluluto ko rin siya. Hindi ko na kailangan pang kumain dahil dalawang prutas lang, sapat na para sa hapunan ko. Nagtitipid din kami kaya hindi ako basta-basta nalang mag-aksaya ng todo.
"Where are you going, my daugher?" rinig kong tanong ni mama sakin.
Nilingon ko siya at nginitian. Binalingan ko rin ng tingin ang lalake saka nginitian din. "I'll cook something to eat for your dinner. So please wait for a moment. I'll be quick"
"Really? Then I'll look forward to it."
"Yes, me too." Nagulat ako sa sagot ng lalake kaya lumingon ulit ako sa kaniya. Nakangiti rin siya sakin.
"R-Right," ngiti kong tugon.
Habang nagluluto ako, napaisip ako. That's right. Kung titigan ko ang lalake, sa tingin ko magka-edad lang sila ni mama. Nakasuot siya ng magarang na damit kaya pakiramdam ko mayaman ito. At kung mayaman ito, alam kong maraming pera, mataas ang sweldo, at boss siguro ito sa trabaho niya. At kung may asawa naman siya, kapag nalaman ito ng asawa niya, papatayin niya si mama. Alam ko yun dahil mayaman sila. Marami silang pera kaya marami ring lalaban sa tabi nila. Habang kami ni mama na walang pera at walang kapangyarihan, magdudusa na naman kami.
Wala kaming paghihingan ng tulong dahil wala kaming inaasahan. Inaasahan ko ang kaibigan kong si Luna pero ayokong manghingi ng tulong sa kaniya dahil mahigit pa sa marami ang mga bagay na naibigay niya sakin, ngunit ako naman wala pang naibigay sa kaniya. Kung sana'y hindi nalang naghanap ng ibang lalake si mama, kung sana'y iniisip niya ngayon si papa, alam kong magiging ayos lang kami at hindi makakaharap ng g**o.
Nagluluto ako ngayon pero wala ako sa tamang isipan. Kailangan kong mag-isip ng matino sa harap ng pagkaing ginagawa ko dahil aksidente na naman ito tutungo kapag di ako umayos. Niluluto ko ngayon ang isa sa mga paboritong ulam ni mama, ang Misua. Kaya nga dinami ko ang pagbili ng ingredients kanina dahil ito ang lulutuin ko. Alam kong masasarapan si mama nito. Sana gano'n din ang bisita.
Nang matapos na akong magluto, agad ko itong nilagay sa mangkok. Mainit-init pa kaya dobleng ingat ako sa paglipat ng sabaw, baka matalsikan ako. Hinanda ko ang kaning sapat sa kanilang dalawa at dahan-dahan itong nilagay sa hapag.
"Wow, it's all set!" Tumakbo si mama patungo sa mesa at mukhang excited na lumamon.
"Woa, woa. Be careful." Inalalayan naman ng lalake si mama.
Nang tapos na ako sa paghanda sa hapag, yumuko ako sa harap nila at ngumiti. "Eat well. Just be careful because the soup is---"
"Aggghh! Hot! Hot!" sigaw ni mama nang mapaso ang dila niya sa sabaw na hinigop niya. Napasapo ako sa noo ko dahil sa kakulitan niya. Kakasabi ko nga lang eh.
"A-Are you okay, Fellise?" Nataranta naman ang lalake at dali-dali niyang kinuha ang tubig at saka pinainom ito kay mama na para nang aso dahil sa nakalabas niyang dila.
Nang tinignan ko ang lalake, na-realize ko na talagang inaalagaan niya si mama. Alalang-alala siya sabay tinatapik si mama sa balikat nito at hinawakan pa niya ang mukha ni mama sabay sabi ng, "Look at me. Are you fine?"
How dare you touch my mother's face, fine guy? Only me, her daughter, can touch it! You're my mother's temporary lover but I'm her permanent daughter! How dare you lay a finger on my mother! Sana nilagyan ko ng lason itong pagkain ng lalake. He's being carefree, huh.
Alam kong labag pa rin sa kalooban ko ang ginagawa ni mama pero itong ginagawa ng lalake, hindi rin ito magtatagal at matatapos rin ito sa madaling panahon, alam ko 'yan.
"You." Tawag ng magaling na lalake sakin habang ngumingiti pang nakatingin sakin. "You're not eating with us?"
Sa lahat ng lalakeng dinala ni mama rito, ito lang ang nagtanong sakin kung kakain ba ako kasama sila. Siyempre na-touch ako. Gusto kong magalit sa kaniya na hindi. Gusto ko siyang suntukin pero hindi. Tinutunaw niya ang poot sa aking puso kaya pasalamat siya't hindi ako dapat magalit sa kaniya ngayon.
"Thanks for your great consideration. I highly appreciated it, but I'm afraid I'd be disappointed since this time, I must decline. This time is your precious time with my mom," since hindi rin naman kayo magtatagal, "So please don't waste it and please cherish it more," At 'wag kang umiyak 'pag magbe-break na kayo.
Tahimik lang siyang nakatingin sakin. Si mama naman ngumingiti lang din sakin. Sana ma-realize na ni mama itong mga ginagawa niya. Hindi ako natutuwa sa pinaggagawa niya pero hindi rin ako nalulungkot. Kung masaya si mama sa ginagawa niya, hindi ko alam kung masaya rin ako. Kasi kapag masaya si mama, masaya rin ako. Pero itong ginagawa niya, maling-mali, kaya sino ba naman ang matutuwa sa ginagawa niya?
Narinig kong tumunog ang telepono ko kaya humingi muna ako ng paumanhin sa kanila kung pwede bang umalis muna ako saglit. Hindi na nila ako napansin dahil abalang-abala na sila sa paglamon kaya dumiretso na ako sa kwarto ko para kunin ang aking telepono.
Nang binuksan ko ito, ang numero na "520134" ang bumungad sa aking screen.