A/N: In this chapter, may ano. Yung R18 hehe. Pero ayos lang naman basahin. Anyways, mga 20 seconds lang ata HAHAHHAHAHHA enjoy mga bes.
~~~
HINGAL na hingal akong tumatago rito sa loob ng banyo. Nahalata kaya ni Lewis na ako yung babaeng nag-iwan ng sulat at tuwalya sa loob ng locker niya? Bakit siya ganun makatingin sakin? Para siyang nilalang na sinusuri ang buong pagkatao ko. Buti nalang hindi niya ako kinausap, baka nga hindi niya ako nakilala. Pero bakit ako tumakbo nang tinanong ako ni Chloe na kung dito ba ako nagtatrabaho? Nakilala ako ni Chloe, tama ba? Tinatanong niya ako eh. Pero buti naman hindi niya binanggit ang pangalan ko. Sigurado akong 'pag narinig yun ni Lewis, magugulat talaga siya. Mali. Bakit naman siya magugulat sa taong di naman niya kilala?
Siguro mababa na ang tingin nila sakin ngayong alam nila na ang isang babaeng nag-aaral sa prestihiyosong paaralan ay nagtatrabaho sa isang cafe. Wala naman talagang masama kapag ang isang tao ay nagpa-part-time, sadyang may mga pag-iisip lang talaga ang hindi kayang maiiwasan. At saka, bawal din sa paaralan namin ang estudyanteng magpa-part time job. Malaking bawal yun dahil kapag nalaman ng paaralan na isa sa mga estudyante nila ay natatrabaho, talagang ipapatanggal nila ang estudyanteng iyon sa paaralan nila. At ako ang estudyanteng yun.
Ngayong alam na nina Chloe at Lewis, yung crush ko pa, na nagtatrabaho ako rito, ipagkakalat kaya nila na dito ako nagtatrabaho? Hindi. Sa tingin ko hindi sila ganiyang klaseng tao. Sa tingin ko ang dapat ko lang gawin ngayon ay hayaang palipasin ang oras. Hindi ako dapat mag-isip nalang na di ko naman alam at kinompirma. Sa ngayon, hahayaan ko nalang lumipas ang oras.
Lumabas na ako sa banyo pagkatapos kong kumalma. Hindi kaya ako nagmumukhang weirdo ngayong nasa labas na ako? Tinignan ko ang sarili kong mukha sa salamin. Inayos ko lang ng konti ang ribbon ko saka ang necktie ko, inayos ko rin. Ganito ako katarantado ngayon dahilan kung bakit ang g**o-g**o na ng ayos ko. Sana hindi nila mahalata ang mukha ko. Kung mahalata man nila, sana di nila papansinin.
Huminga ako nang malalim ng pang-ilang beses habang naglalakad patungo sa counter para naman kumalma na ako. Shift ko ngayon at oras kong matrabaho, hindi mag-iinarte. Buti nalang wala si boss ngayon dito, ewan ko ba kung nasa'n yun. Kasi kung nandito pa si boss at napapansin niyang ganito ang hitsura ko, alam kong mag-alala lang yun.
"One latte and one tiramisu cake, please," order ng customer na pumipila sa linya ni Jeffron.
Si Jeffron ang lalakeng nagbibigay kulay sa cafe na 'to. Siya yung masiglang employee at saka friendly rin siya. Lahat ng mga customer hinahangaan siya dahil sa makulay niyang ngiti at sa pagkatao niyang walang tulad. Sa tingin ko sikat din itong si Jeffron sa paaralan niya. Siya kasi yung tipong aalagaan lahat ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Mabait siyang tao kaya ang trato rin ng lahat sa kaniya'y maganda rin. Sa tingin ko may one year gap kami, katulad ni Lewis na ka-one year gap ko rin. Pero bakit ko nalang naisip biglaan si Lewis ngayon?
"Coming right up!" sagot din naman niya saka hinanda na ang in-order ng customer.
As usual, walang customer ang pumipila sa akin, siguro dahil sa hitsura kong matamlay. Nagtatrabaho kasi akong walang kabuhay-buhay, hindi ko naman kasalanan yun. Malamang ang mga customer, do'n sila pumipila sa masayahin, masigla, at ngumingiti, samantalang ako naman, tao lang at display-display lang sa counter.
May mga customer din namang pumipila sa akin, minsan nga lang pero at least may pumupila pa rin. Kadalasan sa kanila ay mga lasing, mga matatanda at mga bata. Pero masaya naman ako kung hanggang do'n lang.
"Ameri!"
Napalingon ako sa tumawag sakin. S-Si Chloe. Katabi niya ngayon si Lewis. Sabi ko na nga bang nandito si Lewis eh. Malamang dahil girlfriend niya ang kasama niya. Nakapulupot ang kamay ni Chloe sa braso ni Lewis habang nakangiti itong kumakaway sakin. OMG. Nakatingin si Lewis sakin. Nakakahiya.
Papalabas na sila sa cafe at kumakaway pa si Chloe sakin. Si Lewis naman ay wala lang siyang ekspresyong lumabas sa cafe. Kinawayan ko naman si Chloe para mamaalam na sa kanila. Nang makita kong nasa labas na sila, masayang kinausap ni Chloe si Lewis habang si Lewis naman ay pinagbuksan ng kotse si Chloe para makapasok ito.
Ang saya siguro kapag si Chloe ang tipong babaeng nagiging girlfriend mo 'no? Ilang years na kaya silang magjo-jowa? Medyo hindi nagpapakita ng ekspresyon ngayon si Lewis dahil nakita niya ang babaeng katulad ko, di ba? Ayaw niya siguro sakin dahil nalaman niyang isa akong mahirap. Hindi nagpapakita ng ngiti si Lewis ngayon dahil nandito ako, di ba? Ayaw niyang makakita ng babaeng nagtatrabaho dahil alam kong hindi niya yun gusto.
Ginawa na kasing habit ng paaralan ang deskriminasyon tungkol sa mga nagtatrabaho ng part-time dahil unang-una sa lahat, hindi nagtatrabaho ang mga estudyante para magkapera, kundi manghihingi lang sila ng pera. Yun ang mindest ng mga tao doon sa paaralan. Kapag ang mga tao, kapag nalaman nilang isa ka sa mga bully o isa kang nerd, asahan nalang nating may masamang mangyayari sayo. Yun ang sinabi ni Luna sakin.
Pero. Napakaswerte naman ni Chloe. Pero bahala na. Ang importante ngayon ay masaya silang dalawa. Makikita ko lang na masaya si Lewis, ayos na ako. Ayos na lahat. Pero sa nakita ko ngayon, hindi naman siya ngumingiti. Siguro dahil nga sakin. Ako ang dahilan kung bakit hindi siya ngumingiti sa harap ng girlfriend niya kahit na ang girlfriend niya ay masayang-masaya sa date nila.
Nga pala. Tungkol do'n sa music competition, kailan ba ako makakapag-practice? At kung tutuusin, wala rin akong musical instruments kahit isa, wala kasi akong oras para bumili ng ganun at wala rin akong oras para tugtugin yun. Una, kailangan ko munang manghiram ng musical instruments. Pero wala akong maisip na taong may gano'n. Sa ngayon, kailangan ko nang manghingi ng tulong kay Luna. Siguro may kakilala siyang taong tumutugtog ng piano at violin.
Naisipan kong tawagan si Luna para manghingi ng tulong. Hindi naman siya siguro busy ngayon, wala naman siyang trabaho at wala ring upcoming deadlines, kaya ano pa ba ang ikakaabala niya? At saka wala ring customer na pumipila sa akin ngayon kaya bakit hindi?
"H-Hello, Luna?" sambit ko sa pangalan niya sa telepono. May naririnig akong umuungol kaya napatakip ako sa bibig ko para hindi halatang may narinig ako.
"Nggghh-- Uhhh-- H-Hello--- Ahhh?"
Ungol ni Luna! Bakit siya umuungol? S-Sinong kasama niya ngayon? Teka, may kasama siya ngayon?
Pero kung babalikan ko ang sinabi niya kanina, wala naman siyang sinabi sakin dahil nagmamadali akong hinahanap ang ribbon ko. Pero sabi naman niya araw-araw na may bisita siya sa bahay niya. Kapag talaga may mangyayaring masama sa babaeng 'to, ewan ko nalang kung ano ang gagawin ko.
"Hello, Luna? Where are you right now?" Sinubukan kong umarte ng normal.
"A-Aaaaahh. Nnggghhuuhhh. S-Slow d-down, D-Dway--Ahhh Ohh f**k!"
Ano yun? Dwayne? Kasama niya si Dwayne ngayon? Pero bakit? Bakit ginawa na nila yung ganun? Sila na ba?
Ilang segundo akong nakatutok sa telepono ko. Sunod-sunod na mga ungol ni Luna ang aking naririnig, may naririnig din akong ungol ng isang lalake. Yung parang nasarapan sila sa pakiramdam nila at para bang nasiyahan pa sila.
Ginawa na nga nila ang bagay na yun. Tapos ano na? Mabubuntis na si Luna? Hindi ko alam pero parang masama ang kutob ko rito. Hindi naman sa may doubt ako sa relasyon nila, pero masama pa rin ang kutob ko. Kailangan ko siyang sabihan pagkatapos niyang i-open up sakin ang tungkol dito.
Binaba ko na ang telepono para hindi na ako makaistorbo pa sa kanila. Nahihiya rin ako dahil naka-witness pa ako ng mala-radyong palabas. Nakakahiya.
Hindi na malaking bagay sakin ang ganito. Normal lang naman ang makikipagtalikan pero ang hindi normal ay yung biglaan nalang. Hindi pa nga sila opisyal na magjojowa eh agad nang magtalikan? Kapag talagang itong si Dwayne sasaktan ang kaibigan ko, ewan ko nalang. Pati ako walang alam sa kung ano ang dapat gawin. Pero. Masarap siguro kung may ka-s*x ka 'no? Lalong-lalo na kapag ang partner ko ay si Lew-- no. Mali. 'Wag kang mag-isip ng ganyan, Ameri. Aral ka muna tapos gawin mo ng maayos 'yang trabaho mo.
Lumipas ang ilang minuto, tapos na ang aking shift kaya ibig sabihin no'n, pwede na akong makakauwi. Pumunta na ako sa locker room at saka do'n nagbihis ng pormal na damit. Alas otso na ngayon at nagsimula na akong mamaalam kina Martha at Jeffron nang makalabas na ako sa locker room. Wala si boss kaya di ako makakapagpaalam sa kaniya. Kahit saan kasi ito pumupunta eh, ewan ko kung bakit ganiyan siya.
Bago ako uuwi sa bahay, pupunta muna ako ng palengke para bumili ng mga prutas. Alam kong magugustuhan 'yon ni mama. Alas nwebe magsasarado ang palengke kaya makakaabot pa ako nito. Hindi rin naman masyadong malayo ang palengke mula rito, at ang bahay din namin ay malapit lang din kaya hindi na ako pwedeng mag-alala pa tungkol sa distansya at oras ng aking lalakarin.
Habang naglalakad ako papuntang palengke, pansin kong tumunog ang telepono ko. Agad ko rin naman itong binuksan nang makita ko ang pangalan ni Luna. Siguro may kailangan ito sakin. Tungkol kaya ito kanina? Y-Yung ginagawa nila ni Dwayne?
"Hello, Luna?"
"Hey. You're out right now, right?" tanong niya sakin.
Wala namang masama sa kaniyang boses at normal lang ito. Siguro hindi masakit?
"Y-Yeah, why?" tugon ko naman. Kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng ganito pero sadyang kinakabahan talaga ako.
"Oh, good. Why were you calling me earlier, by the way? I-I'm so sorry. I-I wasn't able to talk to you properly, you see, something happened."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko rito. Totoong naka-witness ako ng bihirang pangyayari kanina pero hindi ibig sabihin no'n kailangan ko nang magdaldal tungkol do'n. Sa tingin ko hindi ko 'to pwedeng basta-basta nalang i-open up sa kaniya dahil may privacy rin itong kaibigan ko. Hindi lahat ng mga bagay tungkol sa kaniya'y dapat kong malalaman, at hindi rin lahat ng mga bagay tungkol sakin ay dapat niyang malalaman. Kung io-open up niya lang sakin ang mga tinatago niya, ayos lang naman dahil sa pagitan lang naman naming dalawa ang mga yun. Kaya kung maari, maghihintay lang akong pagsabihan niya ako. Kailangan niya rin ng oras para ilabas lahat ng mga nasa isipan niya.
"Don't be sorry. I just wanted to ask you if you have someone you know who knows how to play musical instruments... since I'll be competing in the music competition."
Oo, maayos na 'to. Mas maayos nalang ang umarte ng normal para hindi na rin siya ma-pressure at mag-alala tungkol sa narinig ko kanina. Alam kong alam niyang narinig ko siya kanina. Sa tingin ko naghahanap pa ito ng tamang oras at panahon para magsabi sa totoo. Maghihintay lang ako, Luna. Kaya mo 'yan.
"O-Oh musical instruments. That's right, I know someone. It's the idiot Keevan."
"K-Keevan? Your cousin? Wow, that's so cool. I didn't know that."
"Yeah, of course since I don't talk a lot about my family that often. Oh, and when will you be free? I'll tell him right now, will that be okay?"
"Really? You'd do that for me? Thank you, really!" Yeah, she's the best. A girl with no shame.
"Take care on your way home. Don't talk to strangers."
Napatawa nalang ako. "Crazy. Yes, mom. I understood very much. Take care also, mom."
Narinig ko siyang tumawa at sunod na no'n ay ang pagbaba ng kaniyang telepono. Sa tingin ko ayos lang itong si Luna. Kung may problema 'to, magsasabi rin naman siya kaya wala na akong dapat pang ipag-alala. Matagal ko nang kilala si Luna kaya alam ko ring magiging ayos lang ang lahat. Ako kasi itong kaibigang nag-alala ng husto sa kaniya eh. Nandito pa rin ang kutob kong masama tungkol sa pagtalikan nila ni Dwayne kanina. Naiirita ako at nakokonsensya.
Nang marating ko na ang palengke, agad akong bumili ng mga prutas. Sinamahan ko na rin ng gulay at mga lutong sangkap para hindi na ako babalik pa rito. Minsan lang kasi ako makakahanap ng oras na pumunta rito sa palengke dahil napaka-busy ko talagang tao. Minsan nga instant foods nalang ang kakainin ko dahil wala akong oras magluto ng pagkain para sakin. May oras naman akong magluto para kay mama. Hindi kasi marunong magluto si mama eh at ayoko ring siya ang kumakain ng instant foods kaya nagseserbisyo rin ako para kay mama.
Kinuwento sakin ni mama noon na si papa raw ang tagapagluto sa kanila, at pambihira masarap daw ang luto ni papa. At ito namang si mama, siya ang in-charge sa mga gawaing bahay. Wala man siyang skills pagdating sa pagluluto, nando'n naman daw si papa sa tabi niya palagi kaya ayun, perfect pair daw sila sabi niya. Ito dawng kasipagan ko ay nanggagaling sa papa ko. Minsan nga umiiyak itong si mama sa tuwing makakatikim siya sa luto ko. Naalala niya raw si papa.
Nang makarating na ako sa bahay, agad akong nagpasalamat sa Diyos dahil safe lang akong nakauwi. Habang hinuhubad ko ang sapatos ko, napansin kong may isang pares ng sapatos ang nakalatag dito sa may pintuan.
Malaki ang sukat ng sapatos at mukhang bagong bili pa ito. Kasing-sukat ito ng sapatos ng isang lalakeng malaki ang paa. At base sa nakikita kong sapatos ngayon, mukhang businessman ang sumusuot nito.
Don't tell me. May bago na namang lalake ang nandito?
Agad akong kumaripas ng takbo patungo sa sala nang mahagip ko si mama na nakikipaghalikan sa isang lalakeng nakaputing suit. Nakapatong sa ibabaw ni mama ang lalakeng ito at marahas pa niyang hinalikan ang aking ina. Gulat na gulat ako kaya aksidente kong nabitawan ang mga pinamili ko. Narinig nila ang pagkabagsak kaya napahinto sila at tumingin sakin.
"D-Daughter? Y-You're here already?" gulat na wika ni mama saka bumangon. "I'm sorry."