Chapter 6: Working, Working, Working!

2712 Words
ITONG pinagsasabi ng lalake sa harap ko... first time ko ring sabihan ng ganito. Sa tingin niya ba cute ako? Bakit niya naman naisip ang napakalaking kalokohan na yun? Wala siguro kaming ibang pag-uusapan kaya nasabi niya yun. Kung totoo man yung sinabi niya o kasinungalingan lang, masaya pa rin ako dahil nasa 'kin na ulit ang ribbon ko. "I-I'm so sorry. A-As thanks for what you did earlier, finding my ribbon for me, please let me treat you next time, okay? Please serve that as my gratitude. Thank you a lot. I really mean it." 'Yan lang ang bagay na maiisip ko para makabawi sa kaniya. Kahit na nahihirapan din ako sa paghahanap ng pera, kailangan ko pa ring ibalik sa kaniya ang kabaitan niya. At deserve niya yun. "Oh, really? Then that's great! I'll look forward to it." Pagkatapos no'n ay nagpaalam na ako sa kaniya. Dahil sa kaniya, hindi na ako male-late ngayon sa part-time ko.  Ngayon ko lang naisip na hindi ko pa pala nakuha ang pangalan niya. Napakawalang hiya ko talagang nilalang. Siya yung tumulong sakin pero hindi ko man lang nkahua itong pangalan niya. Hindi na rin ako pwedeng bumalik do'n dahil sigurado akong wala na siya, at saka malayo-layo na rin ang tinahak ko kaya sa susunod nalang siguro. Habang papunta ako sa cafe kung saan ako nagtatrabaho ng part-time, inayos ko muna ang aking sarili at saka sinuot ang aking ribbon habang naglalakad. Malapit lang ang cafe sa paaralan kaya hindi ko na kailangan pang mag-commute papunta do'n. Pakiramdam ko may sumusunod sakin. Pero binalewala ko lang yun, marami namang tao rito sa daan at madali rin akong makahingi ng tulong dahil malapit lang ang police station dito.  Biglang tumunog ang telepono ko kaya kinuha ko ito. May nag-text sakin nang makita kong may bumungad na abiso sa aking screen. Tatlong happy emoji lang ang nakita ko sa mensahe niya. Hindi naka-register ang kaniyang pangalan dito sa telepono ko kaya kinabahan ako masyado. Paano niya alam ang number ko? Hindi naman ako basta-bastang magbigay ng phone number ko kahit kanino, pwera nalang kanina. Naisip ko tuloy na kung ang nag-text sakin ay yung lalake mula kanina.  Timing na timing, may nag-text ulit sakin, pareho pa rin ang numero kaya binasa ko ito.  "Hello, I'm the guy from earlier. Once again, thanks for helping with us." Grabe talaga, ang bait-bait niya. Nag-text pa sya sakin. Para siguro ma-save ko ang number niya. Curious lang ako, paano kaya kung ibibigay rin niya ang number ko kay Lewis? Mali, mali. Hindi dapat gano'n. Kapag ibibigay ng lalakeng ito ang phone number ko kay Lewis, imposible siguro 'yon. Wala namang tyansang ibibigay niya yun dahil sino lang naman ba ako? Isa lang naman akong ordinaryong babae na pinangarap siya, kaya walang rason kung mapasakaniya man ang number ko, dahil hinding-hindi yun mangyayari. Nagreply lang ako ng "Thank you also" tsaka isang smiling emoji. Hindi ko kasi alam kung ano ang ire-reply sa text niya at ayoko ring balewalain ang mensahe niya kaya ayos na siguro ang reply ko at ang emoji na 'to. Ililigpit ko na sana ang telepono ko nang bigla na naman itong tumunog. Tinignan ko kung ano ang naka-text. "Oh by the way, my name is Zeldin Karpovich, half Russian in your service. You can save my number and register it to "5201314" in your contacts. Take care, Ameri Charmante." Z-Zeldin Karpovich? Anong klaseng pangalan na naman 'to? Sabagay half Russian naman siya kaya walang pagdududa. Half Russian. Half Russian siya. Dalawang dugo ang nahalo sa kaniya kaya pala may mukha. Hindi ko alam kung bakit lahat ng mga half ay magaganda at gwapo samantalang ako na napaka-pure blood--- ewan ko. Sasabihin ko na sanang pangit ako kaso naalala ko naman ang sinabi ni Zeldin kanina.  Five-two-zero-one-three-one-four. Anong klaseng numero 'to? At bakit itong numero ang gusto niyang i-register at hindi ang pangalan niya? Siguro may kinalaman ito sa play nila kaya ito ang pina-save niya sakin. Sa tingin ko importante ito at baka may mainam siyang rason tungkol sa numerong ito, kaya bakit ko siya hindi susundin? Walang rason kung bakit hindi ko siya susundin kaya sinunod ko nalang ang pinagawa niya. Maliit na bagay lang naman kaya sinave ko na sa contacts ko ang numero niya at ni-register ito gamit ang misteryosong numerong ito.  Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang nagmamadali ng konti. Pakiramdam ko talaga may sumusunod sakin, pero wala naman akong naramdamang masama. Sadyang nahihiya lang ako at kinakabahan. First time kong may sumunod sakin kaya hindi pamilyar sakin kung ano ang dapat kong gawin. Paglalakad nalang siguro ang tangi kong magagawa. Nang marating ko na ang cafe, agad akong nagbihis ng uniform sa locker room para maghanda na para sa shift ko. Malaking pasasalamat ko na safe lang ako at walang nangyaring masama sakin nang marating ko ang cafe. Baka maya-maya niyan, mali pala ang inakala ko at wala palang sumusunod sakin. Buong oras akong nag-iisip ng walang saysay. Maganda rin dito sa cafe dahil hindi maikling palda ang uniform naming mga babae. Walang sagabal at napakakomportableng suotin.  Sunod ng aking pagbihis ay pumunta muna ako sa storage room para itapon ang mga basura sa likod ng building. Walang ibang magtatapon nito kundi ako lang at yung isa ko pang ka-trabaho. Naiintindihan ko rin naman ang iba kung bakit ayaw nila itong itapon, marahil ayaw nila ng dumi at kalat. Masaya akong nakatulong ako kahit ito lang. At dahil wala pang alas-kwatro, nagmo-mop muna ako para mabawas-bawasan na ang mga gawain dito. Alas-kwatro kasi ang shift ko at dahil alas-tres-kwarenta y singko pa, mas maganda kung may gagawin muna ako bago dadating ang oras ng trabaho ko. Malaking bagay kasi para sakin ang gumawa ng bagay na maaaring makakatulong para sa lahat dito. Wala man akong masyadong mga kaibigan dito, ayos lang din sakin at least masaya sila sa buhay nila.  Nagsimula akong magtrabaho rito noong nasa previous school pa ako, mga July rin ata. Hindi ko akalaing mahigit isang taon na pala ang nakalipas. Bakit ang dali ng panahon kung lumipas? Hindi ko tuloy ramdam na unti-unti na pala akong tumatanda. "I told you! I want to take off today! I have an important matter to attend to!" Napalingon ako sa direksyon kung saan sumisigaw ang babaeng ka-trabaho na si Qass. Kaaway niya ngayon ang lalakeng ka-trabaho rin namin na si Yuugo. Sa palagay ko sila itong dalawang palaging nag-aaway rito sa cafe sa tuwing nagkakausap sila. Kahit konting tingin lang nila sa isa't isa, agad nang magkagalitan. Kapag kasi wala si boss, hindi nila maiiwasang gumawa ng g**o, pero kahit nandito si boss mag-aaway pa rin naman ans dalawang 'to. Kapag nandito naman si boss, lahat kaming mga staff ay abalang-abala sa paglinis ng ginawang g**o niya, troublemaker kasi itong manager namin. Wala si boss ngayon dahil balita ko kasal na raw ng babaeng kapatid niya at nagmumukmok siya sa kwarto niya para mag-e-emote.  "And your shift is at 4 o'clock. Don't tell me you'll just take an off without boss' permission? What do you want me to do, huh? I will tell the boss, really," sagot din ng lalake. Pansin kong kahit nasa staff room lang sila, ramdam ko na ang pagkakairita ng mga customers dahil sa lumalagpas nilang ingay. Dahan-dahan kong binalik sa lalagyan ang mop na hawak ko at nilagay ko na rin ang balde pabalik sa banyo. Balak kong sabihan si Qass na ako nalang ang magka-cover ng shift niya para makapunta na siya sa pupuntahan niya. At saka, para na rin di na sila mag-aaway at gagawa pa ng g**o. Ako kasi ang naaawa sa mga customers, hindi ako naaawa sa dalawang 'to. Dahan-dahan akong pumasok sa staff room. Saktong-saktong nakita ko si Qass na sinabunot ng matindi ang buhok ni Yuugo, samantalang itong si Yuugo naman ay halatang kinurot ng malakas ang pisngi ni Qass dahilan ng pagmumula nito. Siguro bukas wala na 'tong buhok si Yuugo at ang pisngi naman ni Qass ay mamamaga. Sa sulok naman, nando'n nakaupo si Natasha, abalang-abala sa pagbabasa ng libro. Bilib ako sa kaniyang di lang siya nadidisturbo sa dalawang nag-iingay rito. "I don't give a damn with my shift! Eat your a*s!" Sinuntok ni Qass ang tiyan ni Yuugo saka tumawa ng malakas na para bang nagwawagi siya sa isang labanan.  Napaatras naman si Yuugo habang hawak niya ang kaniyang tiyan. Ngumisi siya at saka sinugod si Qass na tumatawa pa. Binuhat niya ito na parang isang dumbell saka binagsak ng mahina sa mesa. Hindi naman masakit ang pagbagsak niya dahil mahinhin naman siyang binagsak ni Yuugo. Nagpupumiglas si Qass habang hinawakan ng mahigpit ni Yuugo ang dalawang kamay niya para di na ito makagalaw pa. Ito namang si Qass hindi magpapatalo. Sinipa niya ang gitna ni Yuugo dahilan ng pagtumba nito sa sahig. "Hah! What a weakling!" Dali-dali siyang bumaba sa mesa saka tinadyak-tadyakan pa si Yuugo sa sahig. Hindi ko na sila kailangan pang i-report, ganito naman talaga sila palagi. Sanay na kaming mga staff rito sa mga kalokohan nila dahil wala naman talaga silang naiaambag liban nalang sa pag-aaway palagi.  "Yuugo, zero. Qassy, one. And the winner is Qassy!"  Nagulat ako nang may sumigaw sa tabi ko. Lumingon ako sa kaniya at nagulat akong si boss ito. Nakakatakot siyang tignan dahil magang-maga ang mga mata niya. Parang siya yung bugbog na bugbog dito. Ayos lang ba 'tong manager namin? Siguro iyak ito nang iyak dahil kasal na ang kapatid niya. Ibang klase kasi itong si boss dahil may pagka-sister complex din. "Huh? Why are you here?" walang siglang tanong ni Qass kay boss. Para namang nasaktan si boss dahil mukha palang niya ay mukha na siyang nadismaya sa sinabi ni Qass. Mahal kaming lahat ni boss dito at tinuturi niya kaming mga kapatid niya, siya nga lang yung panganay tapos kami yung mga bunso. Ayos lang din naman kasi sa isa ko pang pinagtatrabahuan, ang boss namin do'n ay napaka-strikto at maiinitin pa ang ulo. Naiintindihan ko naman dahil siya yung boss at siya yung may pinakamaraming ginagawa kumpara sa aming lahat. "Ahh, why do you have to look at me with that cold eyes of yours? I'm here to see how's work going. But it seems that all of you are doing fine." Tinapik ako ni boss sa aking balikat. "So, I'll go to the other staff room to see the others." Naglakad na si boss papalayo habang kumakaway sa amin. Binalingan ko ng tingin si Yuugo na tumayo habang hawak ang kaniyang ulo. Si Qass naman tulala lang sa direksyon ni boss. "Malungkot nga si boss," ani Yuugo. "Oo nga," sagot naman ni Qass habang sabay silang dalawa sa pagtingin kay boss. Hindi ko na sila pinansin saka umalis na. Mukhang di ko na rin kasi kailangan pang mag-cover ng shift para kay Qass. Siya na ang bahalang maghanap ng paraan para makapunta siya sa ia-attend niya. At saka, wala na rin ako sa posisyon para magdesisyong mag-cover ng shift para sa kaniya. Siya na ang magdesisyon para sa gagawin niya. Kung kailangan niyang ako ang mag-cover ng shift para sa kaniya, oo naman at gagawin ko yun. Nanghingi ng pabor yung tao sakin eh. Bakit ko pa 'to ngayon lang naisip? Dumiretso na ako sa counter para simulan na ang shift ko. Ngayong oras na ng alas-kwatro, apat lang kaming nagtatrabaho rito. Wala rin namang masyadong customer dahil weekday ngayon, siguradong busy lahat ng mga tao. Iba sa mga customer namin dito ay naggu-group study, nag-aaral at ang iba pa'y nagha-hang over. Ito lang ang cafe na bukas mula umaga hanggang gabi. Oo, 24 hours 'to. Pero yung boss namin, parang wala lang. Pero kung pansin naman niyang isa sa amin ay pagod na pagod na, hindi siya magdadalawang-isip na umalis sa cafe. Ayaw niya kasing siya yung pumalit sa aming pagod na pagod na, kaya ang ginagawa nito ay tumakbo papaalis.  Isang pintor din itong manager namin. Siya nga yung nagpipinta ng mga paintings dito sa cafe. Kadalasang ipe-paint niya ay yung mga portrait ng mukha na may halong style niya, at mga landscapes din. Sayang nga lang dahil hindi niya gagamitin ang kakayahan niya. Marami na sana siyang pera kapag binebenta niya lahat ng mga gawa niya. Bawal nga ang mga customer naming kumuha ng mga litrato rito sa loob ng cafe dahil kung lalabag ang mga customer, hindi magdaalawang-isip si boss na mag-file ng kaso. Siguro may dahilan siya ba't di niya ipapa-expose itong mga paintings niya, kaya hayaan nalang. "Hey, Ameri." Lumingon ako sa ka-trabaho kong tumawag sakin, si Martha. "Can you make one espresso and one cappuccino for me?"  Si Martha ang babaeng kasabay ko sa pag-a-apply dito sa cafe. Siya rin ang unang ka-trabahong pumansin sakin simula nung ako'y baguhan pa lamang. Hindi naman siya masamang tao at chill lang siya. Kaya nga kung may customer na umaaway sa kaniya'y lalabanan niya rin pero kalma lang siya. Maganda siya pero sadist nga lang. Mga kadalasang um-order sa kaniyang linya ay mga lalake, may mga babae rin naman pero minsan nga lang. Siguro type nila ang babaeng sadist katulad ni Martha. Ayos lang dahil wala naman akong magagawa pa do'n. "Alright, how would you like your cappuccino? Hot or cold?" tanong ko habang pumunta sa banda kung saan nando'n ang mga accoutrements. "Hot cappuccino," sagot niya. Tumango naman ako at gumawa na ng cappuccino at  Ang magaan at mabula na cappuccino ay isa sa mga paboritong inumin ng mga customer namin dito. Maraming mga hakbang sa resipe ng cappuccino na ito kaya nga pinaghiwalay ko ito sa mga magagamit na kategorya upang matulungan ko ang sarili kong hindi magkamaling gawin ang inumin. Ang cappuccino ay karaniwang ginagawa gamit ang espresso machine. Ang dobleng espresso ay ibinuhos sa tasa, sinundan ng isang katulad na halaga ng mainit na gatas na inihanda sa pamamagitan ng pag-init at texturing nito gamit ang steam wand ng espresso machine. Ang pangatlong patag ng inumin ay binubuo ng foam ng gatas na palamutihan ng disensyong gawa rin sa gatas na 'to. Ang microfoam ay frothed o steamed milk kung saan ang mga bula nito ay napakaliit at marami ang hindi makikita, pero ito rin ang dahilan kung bakit mas magaan at mas makapal ang gatas ng isang inumin. Kapag ang espresso ay ibinuhos ng tama, ang microfoam ay mananatili lamang sa ibabaw ng tasa, gano'n din kung ihahalo pa ng mabuti ang cappuccino. Noong una, tinatanong ko sa sarili ko kung ano ang kaibahan ng cappuccino at latte, kasi may pagkapareho kasi sila ng proseso. Pero nung tinanong ko si boss, sabi niya na ang cappuccino raw ay perpektong binubuo ng pantay na mga bahagi ng espresso, steamed milk, at foam. Ang latte naman ay binubuo ng espresso at steamed milk na may manipis na foam sa itaas. Inirerekomenda nga ni boss ang paggamit ng sinala na tubig. Dahil ang kalidad ng mga tubig na ginagamit minsan ay maaaring makaapekto sa lasa ng espresso at posibleng makapinsala sa makina. "Here. The cappuccino and espresso." Dahan-dahan kong nilagay ang dalawa sa tray para hindi masira ang presentasyon. "Oh, can you give it to number 14? They are at the right corner. Thanks," aniya habang kinukuha ang mga order ng mga taong pumipila sa kaniyang linya. Napakasipag talaga ni Martha. Naiintindihan ko naman kung bakit ako nalang ang gumawa ng mga inumin ng mga customer. Itong si Martha, kahit stress na stress na, maganda pa rin at mahinhin sakin. Napakabait niya talagang nilalang. Kailangan ko ring gawin ang lahat para makatulong sa kaniya, hindi lang sa kaniya kundi sa lahat. Hinay-hinay akong naglakad na may halong kabilisan papunta sa direksyon kung saan nando'n ang um-order nitong cappuccino at espresso. "Here are your cappuccino, ma'am---s-sir?!" Nagulat ako nang makita ko siya. Muntik ko nang mahulog ang order niya kaya malaking pasasalamat ko sa mesa na agad namang binagsakan ng tray na hawak ko. Umayos ka, Ameri! Bakit siya nandito? Hindi pa ako nakapaghanda, tapos ang pangit-pangit ko pa ngayon. Suot ko ang uniporme kong hindi niya dapat makita at ngayon, nasa harapan niya ako at nasa harapan ko rin siya. Sana hindi niya ako makilala. Bakit pa naman kasi ngayon ko lang siya napansin? Kasama niya pa ang girlfriend niya. Si Chloe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD