Chapter 5: A Memorable Thing Is More Important Than You

2934 Words
PAPUNTA na ako ngayon pabalik sa soccer field. Titignan ko lang kung ano na ang nagyari sa kanila. Pero may isang problema, itong si Jax palaging sumusunod sa akin na para bang close kami. Ngiti siya nang ngiti na para bang ang saya-saya niya. Kanina ko pa siya hindi pinansin para kung sakaling ma-bored siya, aalis na siya, pero mali ang resulta. Patuloy pa rin siya sa pagsunod sakin. Akala ko hindi na niya ako susundan pero no'ng pagkatapos kong sumang-ayon sa deal, mukha na siyang naging buntot ko. Nairita ako kaya huminto ako saka nilingon siya. "Can you please stop following me? It's really annoying!" At kanina pa tayo tinititigan ng mga tao. Nakakahiya at nakakainis. Humakbang siya patungo sakin at saka nakangiting tinapik ako sa balikat. "What's wrong with that, my dear rival? And besides, we're going in the same direction so why not come together?" Napansin kong may nagulat na reaksyon ng mga estudyante nang makita nilang masyadong kaswal akong hinawakan ni Jax. Naikuyom ko ang aking palad dahil sa inis. Nais ko na sana siyang suntukin pero hindi ako ganyang tao,mabait ako at marunong kumuntrol sa sarili kaya pinakalma ko nalang ang sarili ko.  Sinampal ko ang kamay niyang nakatapik sa braso ko saka nagmamadaling umalis. "Don't touch me, pervert." Binigyan ko siya ng isang masamang tingin.  "O-Oh, how cold... My rival... how cold. Why is my dear rival being so mean?"  Dahil nakakakilabot ka! Yun ang dahilan!  Ang tono pa ng kaniyang boses nang sinabi niya yun ay parang isang tutang nalulungkot. Alam kong may mga soft spot ako pagdating sa mga hayop, pero wala sa Jax na yun dahil ibang klase ang pagkahayop niya. Mas hayop pa sa mga hayop. Siya ang dahilan kung bakit maraming mga tao ang nakatingin sakin ngayon. Kung di lang sana ako pumunta sa music room na yun, kung di lang sana ako tumugtog sa violin na yun, siguradong hindi rin ako susundan ng Jax na 'to ngayon. Nang marating na namin ang soccer field, napansin kong maraming mga tao ang nakaupo at nakatayo sa tabi ng field, tila ba may pinapanood sila. Ang iba naman ay nagsisigawan at naghihiyawan. Mukhang may ganap ngayon sa soccer field ah.  "Shoot! The game has been already started." Tumingin siya sakin. "B-Bye for now, my dear rival. I gotta go. See you around." Mukha siyang nagmamadali kaya bilang tugon ko, tumango nalang ako. Maraming mga tao kaya pakiramdam ko nasusuka ako. Hindi kasi ako sanay sa mga kumpul-kumpulang mga tao at yun pa ang dahilan ng paglala ng sakit ng aking ulo. Sabagay, wala rin naman akong interesado sa nangyayari sa soccer field kaya aalis nalang siguro ako. Pero paano na kung sina Lewis ang nandun? Oo, tama! Hahanapin ko pa si Luna. Pero paano ko naman mahahanap ang babaeng yun sa laki ng lugar na 'to?  "Ameri!"  Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Wendy na nakangiting kumakaway sakin. Bakit siya nandito? Ano kayang pakay niya sakin? Kutob ko lang 'to pero wala akong nararamdamang masama sa kaniya. Kakaiba pero siya lang ang nakita ko, hindi ko nakitang kasama niya ang mga kaibigan niya. Sa pagkakatanda ko naglalaro sila ni Luna kanina ng soccer, pero wala rin akong nakitang Luna na kasama niya ngayon. "Come with me." Agad niyang hinila ang kamay ko. Mahigpit niya akong hinawakan, para siguro hindi ako mawala sa gitna ng nagsiksikang mga tao. Pinasok namin ang mga nagkukumpulang mga tao at nakisiksikan na rin kami para lang makadaa. Napansin kong ang direksyong aming dadaanan ay hindi patungo sa hallway ng mga classroom, kundi patungo sa harap ng soccer field.  Pang-ilang beses nang natapakan ng mga nadadaanan namin ang paa ko, ang sakit-sakit na. Hinila ako ni Wendy pero lumalaki na ang pwersa ng kaniyang paghila sakin kaya sumakit na ang aking pupulsuhan. Naramdaman ko ring parang may kakaiba na sa buhok ko at dun ko lang nalamang wala na pala ng ribbon ko. Ang natatangi at nag-iisa kong ribbon, wala na. Dali-dali ko namang hinila ang kamay ni Wendy para patigilin siya sa pagtakbo. "M-My ribbon!" Sa tingin ko hindi na niya ako narinig pa, sa tingin ko rin hindi niya napansing hinila ko siya. Pero ang ribbon ko. Kailangan ko yung hanapin.  Narating na namin ang dulo ng soccer field kung saan ito ang nasa pinakaharap ng audience seat. Nahagip ng aking mga mata si Lewis na naglalaro ng soccer. Siguro ito yung sinasabi nilang practical game ng mga juniors. Ngayon pala yun? Akala ko bukas pa. "Ameri!" rinig kong sigaw ni Luna, nasa tabi ko lang. "What took you so---long. Hey! What's wrong?!" Nag-iba ba ang ekspresyon niya dahil nakita niya ang hitsura ko ngayon? Hindi ko suot ang aking ribbon at saka gusto kong umiyak dahil napaka-importante sakin nun tapos nawala ko lang. Gusto kong magpakain sa lupa.  "Why is your hair like that? What's wrong? Did you take off your ribbon? What's the sudden change of mind?" Hinaplos niya ang aking mukha na nagpapakitang nag-alala nga siya sakin. "Oh wait, don't tell me, did someone bully you? Who was it? Let's plant some bombs in their lawn."  "Why would you go that far? I'm fine. It's nothing... really," tangi kong tugon. "Are you really fine?"  "Yes, I am!" Ngumiti ako ng bahagya para hindi halatang ako'y nalulumbay. "So! Let's just focus on the game!"  I hope they buy it. Mamaya ko nalang hahanapin ang ribbon ko. Pero kailangan ko ring magmamadali dahil may part-time pa ako sa hapon. Sa isang linggo kasi, may tatlo akong part-time job kaya kailangan ko talagang magtiyaga dahil mahirap lang kami. Hindi ko na alam kung ano ang mas importante, ang ribbon ko o ang trabaho ko. Pero ayos lang naman siguro kung male-late ako sa trabaho, mababawasan nga lang ang sweldo ko. Hindi ako makakapag-focus sa laro dahil matindi ang pag-alala ko tungkol sa ribbon ko. Yung tipong ayaw ko nang mag-isip ng iba, tanging ribbon ko lang. Crush ko man si Lewis, pero hindi naman siya yung bumili ng ribbon ko kaya bakit ako manonood sa laro niya habang wala sakin ang ribbon ko? Napakaimportante ng bagay na yun sakin. Galing yun sa papa ko. Namatay si papa nung ako'y tatlong taong gulang pa lamang. Wala akong alaala sa kaniya dahil masyado pa akong inosente at bata noon. Nalaman kong may sakit pala si papa dahilan ng kaniyang pagkamatay. Sabi ng mama ko na si papa daw ay balak na ibigay yung ribbon nang ako'y mag limang taong gulang na. Pero paano na yan, hindi niya naabutan ang pagkakataong yun. Natapos ang laro nang di ko alam kung sino ang panalo. Hindi na rin ako nagtanong kung sino ang nagwawagi dahil priority ko ngayon ang aking ribbon. Bilang pagbati ko kay Lewis, panalo man o talo, humingi ako ng paumanhin kina Luna na pumunta ulit ako sa banyo. Intensyon kong pumunta sa locker ni Lewis para mag-iwan ng tuwalya at sulat bilang aking pagbati. Alam kong panlalake ang locker nila kaya hanggang sa maaga pa, hanggang sa wala pang katao-tao sa locker room, kailangan kong agahan at daliang pumunta dun. Bumalik muna ako sa classroom namin para kunin ko ang tuwalya ko. Hindi ko pa ito nagagamit dahil hindi naman ako palapawis at kapag naman pinapawisan ako, may panyo naman akong dala sa loob ng bulsa ko. Tuwalya ang ibibigay ko sa kaniya dahil alam kong nakakapagod at pagpapawisan ka sa isang laro.  Nasa harap ko na ang locker room, himala ngang wala pang tao rito, kahit sa hallway at sulok ng mga room, wala pa ring tao. Pasimple at sikreto akong pumasok sa loob ng athlete's locker room. Hinanap ko ang locker kung saan nakatatak ang kaniyang pangalan at agad ko rin naman itong nakita, nasa may bandang dulo nga lang. Kumuha ako ng stick it note sa bulsa ko at saka sinulatan 'to ng "Congrats, Lewis. You're doing great" saka dinikit sa tuwalya at pinasok sa kaniyang locker. Siyempre hindi ko nilagay ang pangalan ko. Nakakahiya kung malaman niyang ako ang nagsulat nito. Wala man akong ibang bagay na maiisip na maaari kong ibibigay sa kaniya, pero at least nababati ko siya ngayon. Ayaw man niyang gamitin itong tuwalyang 'to, itapon niya man ito, siya na ang bahala. Ayos lang din kung 'wag na niya itong ibalik pa. Masaya rin ako dahil hindi naka-lock ang locker niya. Sana ganito palagi. Pero hindi ko rin naman araw-arawin ang pagpasok ko rito. Baka may makakita pa sakin. Bago ako umalis ay tinignan ko pa ang locker niya kung ano ang laman dito. Uniform niya lang naman ang laman at wala nang iba. Ayos lang. Ganun din naman ang ine-expect ko sa kaniya. Ganun siyang tipong tao kaya susuportahan ko nalang din siya. Mas lalo pa nga akong nahuhulog kay Lewis kapag may panibagong bagay akong natutunan mula sa kaniya eh. Lahat ng mga konting bagay na natutunan ko tungkol sa kaniya'y mas nagpalala pa ng aking malalim na damdamin para sa kaniya. Lumabas na ako sa locker room at dumiretso ulit sa soccer field para hanapin ang ribbon ko. Nabawas-bawasan na rin ang mga tao kaya mas madali nang hanapin ang ribbon. Lumipas ang ilang oras, hindi ko pa rin nakita ang ribbon ko. Humihikbi na nga akong naghahanap dito eh. Ang ribbon ko, baka natapon na yun.  Nang dismissal time na, agad akong nagpaalam kay Luna para mauna nang umalis. Ang rason kong binigay ay magpa-part-time job na ako. Sa totoo ay hahanapin ko pa ang ribbon ko. Hinding-hindi talaga ako tatahimik kapag hindi ko nakita yun.  Naalala ko ang usapan namin ni Keevan. Bilang isang taong nagbo-boluntaryo para sa project nila, kailangan kong pumunta sa fountain para harapin ang aking responsibilidad. Mamaya ko na hanapin ang ribbon ko kapag tapos na kami sa pag-uusap. Nagmamadali akong pumunta sa fountain baka sakaling nandun na si Keevan. Malaki ang fountain kaya inikot ko ang lugar para mahanap ko si Keevan. Hapon na kaya masyadong wala nang tao rito, may iba rin namang tumatambay lang para makikipag-chikahan at mag-aral. Hindi ko napansin si Keevan kaya umupo ako sa bench sa tabi para hintayin siya. Ilang minuto ng aking paghihintay, may lalakeng pamilyar ang lumapit sakin at nakangiti pa niya akong nilapitan. Nagwave siya sakin. Hindi ako mapakali kaya napalingon-lingon ako kung ako ba talaga ang kinawayan niya. Nang malaman kong ako nga, nagwave din ako sa kaniya. Lumapit siya sakin nang nakapamulsa. Nang malapit na nga siya sakin, like aktwal na nasa harap ko na nga, nataranta ako nang malinawan ko ang hitsura niya. Hindi ako mapakaling tumayo nang matuwid saka yumuko ng ilang beses sabay natatarantang sabi ng, "I-I'm so sorry! Really really sorry! I'm so sorry when I bumped into you this morning! I'm so sorry!" Tumawa naman siya ng bahagya. "It's fine. It wasn't intentional anyways." Yumuko lang ako at nanatiling nakatingin sa lupa dahil sa hiya. Hindi ko siya kayang tignan dahil sa nagawa ko kaninang umaga. Tama siya, hindi ko nga iyon sinasadya pero pakiramdam ko kasalanan ko pa rin yun.  "Uhmm, are you the one who volunteered to be the dressmaker of our play?" Napatingala ako sa kaniya. Dressmaker? Akala ko isa ako sa mga gaganap na tauhan, pero ayos lang din naman kung taga-gawa ako ng costume. Mahilig din akong magtahi dahil minsan kung may bakante akong oras, gagawa ako ng damit bilang pampalipas oras. Mas ayos na yun kaysa sa aarte ako sa harap ng entablado, nakakahiya yun. "Yes, sorry. Yes, that's me." Ngumiti siya saka napakamot sa likod ng kaniyang ulo. "That's great. Keevan couldn't make it this afternoon so I came here instead. You're much of a big help to us. Thanks a lot... really." Siya ang pangatlong tao sa buhay ko ang narinig kong nagpapasalamat sakin. Sa kay boring ng buhay ko, minsan lang ako makakasalamuha ng mga tao kaya minsan lang din ako makakaengkwentro ng mga ganitong klaseng tao sa buhay ko. Simpleng salita lang yun pero masaya na ako. Masayang-masaya. "May I know your email? So that I can send to you the sketches and the sizes of our actors." "I-I'm so sorry!" Yumuko ako. "I don't have an email." "Oh is that so? Then can I have your phone number?" Napatingala ako sa kaniya nang sinabi niya yun. "I-I'm sorry. P-Phone number?"  "Yes, yes. Your phone number." Nakakahiya! Siya rin ang unang lalake sa buhay kong nanghingi ng phone number ko. Ibibigay ko ba? Anong tamang itutugon ko sa oras ng ganitong sitwasyon? Tulong! Pero kung iisipin ko ng maigi, para lang ito sa play nila, 'di ba? Walang malisya at walang dapat ikabahala.  Binuksan ko ang bag ko at kunin ko na sana ang flip phone ko nang may isang bagay akong biglang naisip kaya napahinto ako. Mayayaman silang lahat dito kaya walang tyansang ganito ang cellphone nila, 'di ba? Pagtatawanan niya kaya ako kapag nakita niyang ganito ang cellphone ko? Ito lang ang pinakamurang phone na nakita ko kaya ito lang din ang binili ko. "U-Uhmm, I left my phone at home. I-I'm so sorry." Napayuko ako at kinakalikot ang aking mga daliri. Hindi ako sanay magsinungaling kaya pakiramdam ko maiiyak na ako. Nahihiya akong ilabas itong flip phone ko sa kay yaman nitong paaralang pinasukan ko. Kung sana'y mayaman pa ako, kanina ko na binigay itong phone number ko sa kaniya. "Oh, for a second..." may kinuha siya sa kaniyang bulsa, "Then, can you add your number here?" wika niya saka inilahad ang kaniyang cellphone sakin. Nahihiya ako dahil may pasensya pa rin siya sakin kahit na hindi ko naibigay sa kaniya ang email address at telepono ko. Sino ba naman ako para umayaw sa kabaitan niyang pinakita?  Tinanggap ko naman ang mamahalin niyang cellphone. Ngayon lang ako nakahawak ng ganitong cellphone kaya dobleng ingat ako sa paghawak nito. Mahirap na kung nasira ko pa ito. "T-Then, I will now put my number," kabado kong wika saka nilagay na ang phone number ko sa contacts niya. First time na first time ko talaga itong gawaing ito, tapos sa lalake pa. Siguro nagmumukha na akong tanga ngayon. Pinagpawisan pa ako at halatang nanginginig. Pero ayos lang, para ito sa project nila kaya gawin ko lang ang maliit na bagay na 'to. Oo nga, maliit na bagay lang 'to, at alam ko ring ito ang daan para makatulong ako sa kanila. "H-Here." Binigay ko na ulit sa kaniya ang cellphone niya nang makita kong ngumingiti siya habang titig na titig sakin. Wala akong alam kung anong iniisip niya ngayon kaya nagsimula na akong kinabahan, napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Nahalata niya kayang nagsinungaling ako tungkol sa naiwan ko ang telepono ko sa bahay? Siguro yun ang dahilan kung bakit nakatitig siya sakin.  Ilang segundo rin ang umabot at do'n pa niya tinanggap ang telepono niya.  "Thank you very much!" masaya nitong sabi sabay nagbigay ng isang beses na halik sa kaniyang cellphone.  Ganyan siguro siya kasaya dahil nakuha na niya ang phone number ng babaeng tutulong sa play nila. Kung iisipin, ganyan din ako kasaya. Yung feeling na nakuha mo na ang daan para komunikasyon niyo ukol sa importanteng ganapan. Nagpapasalamat akong masaya siya, kaya bilang isang nagbubuluntad, masaya rin akong nakatulong ako. "Oh wait." May kinuha siyang bagay mula sa bulsa niya. "This is yours, right?" Nang makita ko ang bagay na pinakita niya sakin, feeling ko gusto kong umiyak. Sa kabila ng lahat ng paghihirap ko sa paghahanap ng bagay na 'to, sa wakas ay nasa kaniya lang pala. Napakaimportante ng bagay na 'to sakin. Malaking pasasalamat kong nasa kaniya lang, akala ko na kasing hindi ko na ito mahahanap pa. Tinanggap ko ito ng buo. Ang saya ko na dumating sa puntong naramdaman ko na ang mainit na likidong dumaloy mula sa pisngi ko. "Thank you." Bumuhos na nga ang aking luha. Hindi ko na mapigilan dahil sa saya. "Thank you very much!" Hindi ko matutukoy kung ano itong nararamdaman ko. Ang saya ko, hindi lang dahil sa nakita ko na ang ribbon ko, kundi pakiramdam ko ay ligtas na ulit si papa at ngayo'y hawak ko na ulit siya. Salamat naman at nasa 'kin na ulit ang mahalagang bagay na 'to. Sa susunod, hindi ko na ulit ito wawalain pa. Ayokong mahiwalay ako kay papa. "D-Don't cry. Don't cry, okay?" Halatang nagpa-panic siya. "I found your ribbon, so don't cry now." Pinahid ko ang aking luha at pinilit na kumalma. "Thank you really. Thanks for finding my precious ribbon for me." Napatigil naman siya sa pagsisindak at umiwas ng tingin sakin saka napakamot sa likod ng kaniyang ulo. "W-Well, it's my job to protect what's precious to--- I-I mean, I just happened to see it when I was about to exit the crowd. A-And I just knew it was yours in the first place since you are the only girl who wears ribbon like that in this school. T-That's it... N-Nothing else... really." Malaking pasalamat ko talaga dahil sa kaniya. Kailangan kong makabawi dahil ang laki ng bagay na ginawa niya para sakin. Malaking biyaya na ito sakin, napakalaki. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko na sana mahahanap itong ribbon ko dahil mawawalan na sana ako ng pag-asa para maghanap sa bagay na 'to. At kung hindi rin dahil sa kaniya, siguradong hindi ako makakapagpokus sa trabaho at pag-aaral dahil sa sobrang lungkot. Kaya ang laki ng biyayang ito para sakin. "And..." Tinignan niya ako ng seryoso. "You're pretty whatever you look like. Either it's ponytail or hair down, you still look cute for m---I mean for everyone... I think." A-Ano 'tong pinagsasabi niya? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD