LUMINGON ako para tignan kung sino ang nagsabing "beyond excellent" ang aking pagtugtug. Nang nakatutok na ako sa mga mata niya, bigla siyang ngumiti sakin na para bang may pinaplano siya. Hindi ko siya kilala pero mukha siyang pamilyar sakin pero kahit na, wala pa rin akong interesadong kumausap sa kaniya.
"What's with that blank reaction? Don't tell me you don't know me?" wika nito na para bang nagmamayabang.
Sikat ba siya? Kung sikat man siya, wala na akong magagawa dun dahil kahit kailan ay hindi ko pa rin siya kilala. Anong klaseng paaralan ba 'tong napasukan ko? Halos lahat ng mga feeling sikat na estudyante rito ay inaabuso na ang sariling ugali nila. Porket gwapo, matangkad, matalino, mayaman at makikisig, ganyanan na ang galawan? Pero bahala na, sarili na nila yan.
"So? You're participating in the music competition?" tanong niya at humakbang patungo sa grand piano.
Parang masama ang kutob ko rito. Marahan niyang hinawakan ang piano at parang may gagawin siyang kababalaghan maya-maya. Tinignan ko lang siyang dahan-dahang hinahaplos ang piano habang ngumingiti. Para siyang manyak na nang-aakit ng piano. Alam kong ilegal itong isipin pero ito talaga ang ginagawa niya ngayon.
Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumalon para upuan ang ibabaw ng lid ng grand piano. Napasigaw ako at agad tumakbo patungo sa kaniya para itulak siya pababa. Napahiga siya sa sahig dahil sa matinding pagtulak ko sa kaniya. Ako naman na nanginginig ay hindi na alam ang gagawin ko. Bakit pa ba niya kasi inupuan ang piano? Marami namang upuan dito, ba't ang piano pa? May ensaktong pag-iisip ba talaga itong lalakeng ito? Alam niya kaya ang ginagawa niya? Paano na kung masisira ang piano na 'to? Alam kong mamahalin ang mga grand piano kaya bakit para siyang gago?
"K-Kasalanan mo 'yan. B-Bakit mo inupuan ang piano?" paninindig ko sa sarili ko kahit nauutal na ako.
Humahalakhak siya habang tumayo. "You're no fun. What's your name?" tanong niya.
Hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. Sa simula pa lang, wala naman talaga akong balak kumausap sa lalakeng ito eh. At ngayon ay tinatanong na niya ang pangalan ko? Para ano? Para guguluhin ako? Para ipagkalat niya sa buong paaralan na ang pangalang "Ameri" ay nanulak sa kaniya? Sanay na ako dyan. Kahit siya ang may kasalanan, siya pa ang gagawa ng kwento para sasama ang tingin ng mga estudyante sakin. Gagamitin niya ang kasikatan niya para makakasira ng buhay.
Pinalagutok ko ang aking dila para sabihing naiinis ako sa kaniya. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka dinaanan siya. Nginitian niya lang ako na para bang wala lang sa kaniya ang pagtulak ko at ang pagtumba niya sa sahig. Sabagay, wala nga siyang pake kung masisira ang piano eh. Sensitibo ako pagdating sa mga bagay na mamahalin lalong lalo na't first time ko pang makakita ng ganitong bagay. Wala talaga akong oras sa mga ganitong bagay. Imbes na papagaanin ko ang pakiramdam ko ngayon ay bigla na namang bumibigat dahil sa lalakeng 'to.
"By the way, I'm also going to compete. But since one of my rival is here, let's make a deal."
Napalingon ako sa kaniya. "Deal? Are you out of your mind? Why would I accept that? Do I know you?"
Nakakainis na talaga itong pangyayaring ito. May lakas-loob pa talaga siyang yayain ako sa binabalak niya. Alam niya naman siguro ang ginagawa niya, 'di ba? Bakit pa siya makikipag-deal sakin kung alam niya rin namang makakalaban namin ang isa't isa sa kompetisyon? Pero wala pa akong alam sa kung ano itong deal na binubulalas niya. Ano kaya kung susubukan kong pumayag?
"But... what kind of deal?" tanong ko.
Ngumisi siya. "If I win in the competition, you will be my violinist in the event I'm joining with."
Violinist? Paano ako magiging violinist niya kung di ko alam paano tumugtug? Tapos kung naririnig man niya yung kanina, I swear to God, first time ko yun at alam kong palpak pa nga yun. Dapat hindi siya mag-eexpect ng malaki sakin dahil hindi talaga ako marunong. Mukha man akong in denial ngayon pero totoo ngang hindi ako marunong. Ano bang pumasok sa isipan nito kung bakit ako pa? Tapos alam kong marami pang ibang gumagamit ng violin dito kaya bakit nga ako?
Napa-cross arm ako saka tumingin sa kaniya ng seryoso, "By any chance, are you a friend of Lewis?"
Alam kong biglaan ito pero yun din ang kutob ko. Pakiramdam ko siya yung isa pang lalakeng kasama nina Lewis kanina. Sa pagkakatanda ko, lima sila nun eh. Pero kung ako ang tatanungin kung bakit ko binaggit ngayon si Lewis, kailangan kong maghanap ng motibo para makalapit sa kaniya. Kaya kung kaibigan siya ni Lewis, may ipapagawa lang ako, hindi mahirap at hindi rin madali.
"Huh? What do you mean? Why are you bringing him up? Of course I'm his buddy, his best bro, his best friend. Why?"
Tama nga ang hinala ko. Siya nga ang panlimang lalakeng yun. At dahil kaibigan nga siya ni Lewis, hindi ako papayag na makikipag-deal siya sa iba para maging violinist niya dahil yung deal lang na 'yon ang natatangi kong daan para mapalapit kay Lewis. Seryoso rin ang lalakeng ito dahil mukha palang niya'y desperadong-desperado na.
"Let me hear you play first," hiling ko rito.
Hinaplos niya ang kaniyang buhok pataas saka ngumisi. "Of course," wika niya sabay lakad patungo sa grand piano bench. Pag-upo niya'y hindi pa rin natanggal sa hitsura niya ang pagngisi sabay buka ng kaniyang braso na tila ba handa na siya sa pagtugtug ng piano. "What song shall I play? It's your decision, my violinist."
Wow, confident huh. "Not a song, but a piece," tugon ko rito.
Ibang klase rin itong confidence niya ha. Wala kasi akong lakas-loob gumawa ng bagay sa harap ng maraming tao kaya hindi ko alam kung magtatagumpay ba ako sa paparating na kompetisyon. Kalaban ko itong nasa harap ko ngayon kaya pag-aralan ko lahat ng galawan at itong tugtog niya para malaman ko kung saan ako nagkulang. Alam kong sanay na siyang tumugtug ng instrumento dahil ibang klase itong kahandaan niya.
"Alright then."
Nang diniin na niya ang kaniyang mga daliri sa keys ng piano, alam kong pang-classical na itong tinugtug niya. Ang ritmo at ang takbo ng bilis ng kaniyang pagtugtug ay tamang-tama lang. Napapansin ko ring banayad lang ang pagpindot niya sa bawat keys ng piano kaya hindi nakakairita at mabigat pakinggan ang resulta ng tunog nito.
Nakaramdam ako ng hanging dumampi sa mukha ko kaya nagulat nalang ako dahil imposible namang may makakapasok na preskong hangin dito na naka-air condition naman ang lugar na 'to. Pakiramdam ko nasa isang mapayapang lugar ako. Napakakalma ng pagtutug niya at napaka-emosyonal. Tama, nasa kagubatan ako. Tulad ng pagtugtug niya, ramdam ko ang nagsasayawang matikas na mga dahon at mga punong tahimik sumasabay sa musika. Mga hayop na natutulog, dinadama ang bawat tunog ng kanta. Kung tutuusin, ang ganda kung isipin.
Pinagmasdan ko ng maigi ang kaniyang galaw at tugtog. Wala na akong dapat masasabi pa dahil ang galing niya. Isa nga siyang marangal na kalaban. Ano kaya kung mag-ensayo ako ng maigi, ganyan din kaya ang resulta ng aking pagmamatiyaga? Hindi pa ako sumang-ayon sa deal namin pero nang marinig ko ang pagtugtug niya, parang gusto ko siyang kalabanin. Sa tingin ko'y matutuwa ako kapag papayag akong magiging violinist niya nang sa gano'n ay maririnig ko ulit ang kaniyang pagtugtug. Pero para magawa ko yun, kailangan ko munang magpatalo sa kompetisyon. Pero bawal. May ninanais din ako at yun ay ang plano ko para mapalapit kay Lewis, kaya kailangan kong manalo.
Nang matapos na siya sa pagtugtug, huminto muna siya ng ilang segundo saka tumingala. Tumayo siya at ngumingiting yumuko sa harap ko. Walang salitang ibig lumabas sa bibig ko dahil para sakin, napakagaling ng kaniyang pinakita sakin. Pang-ibang klaseng perpormasyon yung nakita ko. Ganito rin kaya kagaling lahat ng mga makakalaban ko sa kompetisyon?
"So what can you say about the way I play? Was it beyond your expectations?" ngumisi siya at dahan-dahang lumapit sakin.
Bumuntong-hininga ako. "Indeed. Your play was indeed beyond my expectations. It felt like I was in the forest."
Gagawin ko lahat matalo ko lang itong lalakeng 'to. Pero kung sakali mang manalo siya, ayos lang din para sakin dahil tyansa kong marinig ulit ang kaniyang pagtugtog. Pero bago ko muna isipin lahat ng mga talo-talo na yan, kailangan ko munang magpractice nang magpractice dahil ang problema ko ngayon ay hindi ako marunong tumugtog. Nalimutan ko na rin ata lahat ng mga key points kung paano patugtugin ang instrumentong 'yan.
"Excellent!" Nagulat ako sa sigaw niya. "I knew you'd say that. So? Deal?" Mukha niya parang nagmamayabang tapos nagkibit-balikat pa ito.
Wala na akong iba pang magawa. Hindi ko pa alam ang isasagot ko. May part-time job pa ako at kailangan ko ring mag-aral. Hindi ko nga alam kung may oras pa ba ako para mag-ensayo sa musikang 'yan. Hindi ko na rin alam kung paano ko titipirin ang oras ko. Pero wala na akong pagpipilian pa. Kailangan kong humarap sa kompetisyon dahil required ito sa paaralan. Plus points din daw sa grades kung sino ang sasali sa mga patimpalak. Para madagdagan at para tumaas ang grado ko, kailangan kong gawin itong pagsubok na 'to. Oras at pagtatiyaga ko nalang ang kulang.
"May I know your name?" biglang salita ng bibig ko.
Totoo. Kanina pa kami nag-uusap pero di ko pa rin alam kung ano ang pangalan niya. Nakakahiya mang isipin pero yun na ang nangyari. Siguro hindi na namin inabala ang aming pangalan dahil itong lalakeng nasa harapan ko'y nagmamadali na sa pagdinig ng aking sang-ayon ukol sa deal na 'to.
"Oh, my rudeness." Yumuko ulit siya na para bang isang prinsipe. "I should've told you earlier. Sorry for my inconsiderate self."
Nakalagay sa kaliwa niyang dibdib ang kaniyang kanang kamay samantalang ang kaliwang kamay naman niya ay nasa kaniyang likod. Ano ba 'yan. Sasabihin niya lang naman ang pangalan niya, bakit may payuko-yuko pa 'to? Ang ganda ng entrance, sasabihin niya lang ang pangalan niya.
"Yours truly, Jax Krieger."
Jax Krieger. Alright Jax Krieger.
Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong pangalan kaya mukha na akong nahihiya ngayon. Dahil lang sa simpleng pangalan, mukha na akong kinakabahan. Nga pala, hindi lang pala simple ang pangalang 'to. Hindi ko alam pero pati ang pangalan niya, ibang klase.
Nilinaw ko muna ang aking lalamunan para makapagsalita ng maayos. "Alright, Jax Krieger. It's a deal."