Kabanata 7

2082 Words
Third person POV Ang lakas ng loob nyang lumapit sa Prince, humanda ka Miracle Ashtrid Samantha papahirapan kita, hindi ako papayag na landiin mo ang Prince, may pahawak hawak ka pa sa kamay ng Prince, at isa ka pa Alisha humanda ka makakabawi din ako sayo. Mira Sam POV Pangalawang araw ko na ng papasok dito sa Light Academy, kasama ko ngayon sila Alisha syempre sino pa ba makakasama ko e sila lang ata ang may tanggap sa akin no, andito kami ngayon sa cafeteria ng Light Academy at kagaya kahapon lahat sila nakatingin na naman sa akin ng may pangmamaliit sa mga mata nila. "Hayst" Napa buntong hininga nalang ako "Sam wag mo nalang silang pansinin!" Napatingin ako kay Athena "Hayaan mo lulunurin ko sila mamaya hehe" Humahagikhik pa na sabi nya "Ako tatanggalan ko sila ng hangin!" Pilyang sabi naman ni Alisha "Ako! Ako ililibing sila ng buhay!" Malokong sabi ni Fleus "Ako chachopchopin ko sila" Masayang sabi naman ni Lex "Susunugin ko sila" Walang buhay na sabi ni Acer Halos lumuwa na ata ang eyeballs ko sa panlalaki ng mga mata ko sa mga sinabi nila ganyan ba sila ka brutal? Napalunok nalang ako sa mga Sinabi nila wahhh promise hindi ko sila gagalitin. "PERO JOKE LANG SAM HAHAHAHAHAHA!" Sabay sabay na sabi nilang apat at pinag tawanan pa talaga ako "Papasukan na ng insekto yung bunganga ni Sam!" Maloko na sabi ni Alisha "Wahhh grabe kayo sa'kin!" Pagrereklamo ko "Wag mo na kase silang pansinin ang importante nandito kame sa tabi mo" Naka ngiti na sabi ni Fleus, tumango ako. Oo tama sila wag nalang pansinin ang mga panlalait sa akin. Nag patuloy lang kami sa pagkain ng may babae na padaan sa gilid ko "Ahhh!" Napatayo akong bigla dahil natalapid yung babae at natapon sa akin yung dala nyang juice "Oww Hindi ko sinasadya!" Maarteng sabi ng babae "Ahh sig...." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may marinig akong pag usog Ng silya. "Anong Hindi? Halata namang sinadya mo!" Nakatayo na si Alisha, napatingin ako sa iba at nakatayo na din at naiinis ang mga mukha. "Princess akala ko kase kalat" Maarteng ulit na sabi ng babae, nakita ko gumagawa nanaman ng wind blade si Alisha, nakukuha na din namin ang atensyon ng iba napatungo na hinarangan ko si Alisha "Hayaan mo na sya Lisha" Mahinang sabi ko "Per...." Hindi na matuloy ni Alisha ang sasabhin nya ng nag salita ulit ako. "Wag mo ibaba ang sarili mo sa kanya!" "hayst!" Pag buntong hininga ni Alisha napangiti ako sa kanya, tiningnan nya ng masama ang babae "Tara na nga!" Nag mamaktol na sabi ni Alisha, sumunod na din ang iba. Nakakatuwa talaga ang babae na ito parang bata. "ATHENA!" Biglang pag sigaw ni Lisha "Hoy Lisha! wag ka ngang sumigaw, nandito kami sa likod nyo no" Pag saway ni Lex "Che hindi ikaw ang tinatawag ko bleh!" "Athena tuyuin mo tong bruha na to!" Athena shan POV Nakakatawa si Lisha sa pag mamaktol nya hanggang ngayon, nandito na kami sa room at inaantay nalamang si Master Lie, sya na lang mamaya mag pakilala sa sarili nya. Lima lang talga kami dito sa Gold A, pero ngayon anim na kami nadagdag si Sam kaya hindi na masyadong boring hehe, sawa na ako sa mukha nung apat e, ikaw na hindi ka ba mauumay na simula nung tumapak ako dito sa Light Academy sila na kasama ko, simula pagkabata mag kakasama na kami, sabay sabay din kami na sinanay sa mga Rune namin bata palang kami, at dahil kami ang Princess and Prince ng five element hindi na kami nag hiwahiwalay, at ayaw din namin lumapit sa iba dahil pagiging sikat lamang ang gusto nila. Pero si Sam iba sya at lalo pa ko humanga kay Sam, dahil napasunod nya si Alisha wala ni isa sa amin ang nakakapigil sa kamalditahan nyan e, pero kanina napasunod nya talaga si Alisha kakaiba talaga si Sam. At isa pa palang dahilan kung bakit kami hindi na rin ginawang lumapit sa iba dahil baka may malabag kaming kautusan, at yun ang ayaw naming mangyare kaya ayos nadin yun. "WAHHH NAKAKAINIS DAPAT WASAK NA ANG MUKHA NG BABAENG YUN!" Malakas na pag mamaktol parin ni Lisha "Lisha tumigil ka na nga naririndi na ako sayo!" Reklamo ni Lex "Manahimik ka! che" Si Lisha na umismid pa, mag uumpisa na yan ng bangayan "Ehhhnnnnngggggkkkkkkkk" Napatingin ako sa pinto andyan na pala si Master Mira Sam POV "Engkkkkk" Napa ayos na ako ng upo nang bumukas ang pinto, isang lalaki na medyo may katangkaran, maputi, matangos ang ilong, siguro nasa 20 lang sya ang wafuhhhhh "Nice to meet you again Elemental Legend and to you Ms?" Tumingin sya sa akin "Samantha!" Sagot ko, tumango sya at ngumiti, wahh gusto ko mag wala pamatay ang ngiti hehe lumalandi ka Miracle huh isip isip ko "I'm the Head Master of Wind Kingdom and I'm your Master for this day" Sabi ni Master Lie, isa lang kada araw ang saya yepehhhh! "So let me tell you about Wind Kingdom" At tumingin sya kay Alisha, ngumiti ito kay Lisha pero bakit parang may lungkot ang ngiti na yun? Alisha POV Nang sabihin ni Master Lie ang topic namin ay sa Wind Kingdom para akong nakaramdam ng lungkot, dahil sa tagal na ng panahon ang lumipas bata palang ako ng huli kong nasilayan ang lugar kung saan ako sinilang "Ang Wind Kingdom ay isang payapang lugar na kung saan may pag kakaisa ang lahat sa pamumuno ni Zephyr. The Goddess of Wind Element, napakagandang babae ni Zephyr. Malakas at matapang, isang beses sa pag lakad lakad nya sa labas ng palasyo hindi sinasadyang makita nya ang isang makisig na si Elias. Pero lingid sa kanyang kaalaman matagal na pala syang iniibig ng lalake, naging malapit sila sa isa't isa at sapag lipas ng panahon napa ibig din si Zephyr sa binata hanggang sa mag bunga ang kanilang pag mamahalan, isinilang ang sanggol, isang sanggol na nakatakdang mag mana ng lahat sa Wind Kingdom. Ngunit sa labis na kasiyahan may isang digmaan ang nag babadya, digmaang binuo dahil gustong makuha ang sanggol nila, dahil ang batang isinilang ay isa sa mga nakatakda kaya labag man sa loob ni Zephyr, pinadala nya ito sa tanging ligtas na lugar, kahit mahiwalay sa anak ipinadala nya ito sa Crystal Light kung saan sigurado ang kaligtasan nito, at kung saan kailangan masanay ang Rune nito. Hindi nag tagumpay ang mga kalaban sa pag tatangkang kunin ang sanggol, hindi rin sila nag tagumpay sa pakikipaglaban sa Wind Kingdom kaya sa pag lipas ng panahon muling namayapa ang kaharian, ngunit hindi na muli kinuha ang anak nila sa Crystal Light dahil sa isa nga sa mga nakatakda ang anak nila, kailangan lubusang makumpleto ang mga ito at may kautusan na dapat matupad ang bawat itinakda bago makabalik sa lugar na kanyang sinilangan." Mahabang pag sasalita ni Master Lie, yun pala ang naging dahilan kung bakit ako nandito ngayon, sobra na akong nasasabik na makita ang mga magulang ko nasasabik akong mahagkan sila. "Alisha Alisha!" Nagising ako sa malalim na pag iisip ng marinig kung tinatawag ako nila Sam "Huh? Ah noh yun?" Pautal utal na tanong ko "Tara na!" Pag aaya ni Athena "Huh? saan?" Napalingon ako sa harap at wla na pala si Master Lie, hindi ko na namalayan. "Hay nako natulog ka ba kanina Alisha at wala kang alam sa nangyayare?" Pag tatanong naman ni Sam "Ehh hehe tara na nga ang kupad nyo naman!" Ako sa masiglang boses, hayst grabe sana hindi nila nahalata yung lungkot ko, sana mabilis lang matapos lahat ng ito. Mira Sam POV Yun pala ang history ng Wind Kingdom nila Alisha, nahahalata ko sa mukha ni Alisha ang pag ka miss sa magulang nya, pero atleast sya alam nya kung nasaan magulang nya, pero yung akin hindi ko alam. Ang tagal mag honeymoon ng mga magulang ko kaya hindi ko alam saan sila hehe nababaliw na naman ako "Hoy Sam anong balak mong gawin ngayon?" Pag tatanong ni Alisha "Lisha gusto mo talaga malaman? Aba madami ako gagawin, kakain, maliligo, matutulog at kung suswertehin pag tinawag ako ni inang kalikasan oh diba? Sama ka?" Mahabang pag sabi ko kay Alisha "Pakkk" "ARAY! Alisha naman." "Puro ka kase kalokohan" Binatukan pa ako ni Alisha anchakit kaya "Gusto mo ba lumibot dito sa buong light academy?" Masayang pag aaya ni Alisha. Aba anong tingin sa akin ng babae nato aso? huhu "Pakkk" "ARAY" Pag batok uli sa akin ni Alisha "Ano nanaman yang iniisip mo huh?" Nakapamaywang na tanong ni Alisha "Ahh ehh, wala kaya! tara na ang bagal mo naman inaantay na tayo nila Athena uwi muna tayo bago mo ako ilibot dito sa buong Academy" Sabi ko kay Alisha at lumabas na kami nang cr, nag pasama kasi sya "Hmmn sige! pano Tara na?" Lumapit sya sa akin at kumapit pa sa braso ko napailing nalamang ako parang bata talaga oh. "Sa wakas dumating din kayo, ang tagal nyo aba!" Pag rereklamo ni Lex "Hoy ikaw na reklamador kang lalaki ka gusto mo tanggalin ko yang hangin mo sa baga?" Nakapamaywang na sabi naman ni Alisha "Tsk, mga aso at pusa" "Aba himala nag sasalita ka pala!" Sabi ko naman kay Acer "Tsk" Kailan ko kaya makikitang ngumiti to di bale na nga. Kasalukuyan na kaming pauwe ng may mapansin akong babae di kalayuan naka tingin sya sa direksyon namin, napatigil ako sa pag lalakad ko dahil napatitig ako sa kanya pero hindi ko alam kung namalikmata ako dahil bigla nalang nawala yung babae hala moh multo "WAHHHHHH" Sigaw ko at nangaripas ng takbo palapit kela Alisha. Napalingon sila sa akin "Ano ba Sam? Bat ka biglang sumigaw?" Tanong ni Fleus "Ahhh wa-wala hehe" Pag sisinungaling ko baka kase pagtawanan ako nito huhu. Acer ash POV Nasa bahay na kame ngayon at dahil maaga pa sasamahan namin si Alisha at Mira para mamasyal dito sa Academy, para maging pamilyar din si Mira dito sa Light Academy "GUYS LETS GO!" sigaw ni Lisha "tsk ingay" Sabi ko habang palabas "Che sungit!" Sagot nya "Tsk!" Nangunyapit na sya na parang tuko kay Mira at Athena isip bata. Mira Sam POV Ang lawak ng lugar dito sa Light Academy, dinala nila ako sa Library at napaka ganda at lawak nito, dinala din nila ako sa garden dito napaka aliwalas dun at maraming kalahi ni Tinkerbell, ang ganda ng lugar na yun, madaming Runers na nag pupunta dun, tinuru din sa akin kung saan ang clinic dito, grabe para na syang ospital, at ngayon naandito kami sa Light Forest, alam nyo ba na kung may gugustuhin akong lugar, dito na, ang ganda at ang tataas ng mga puno, buhay na buhay ang mga ito, ang aliwalas ng hangin ang daming mga paruparu, iba't ibang kulay at alam nyo ba ang pathway dito may tubig na dumadaloy sa magkabilang gilid, kumikinang sa kaasulan para akong nasa Diamond Castle nung lumutang na yung palasyo, ganun, akalain nyo yun alam ko nakikinuod ako no pag may nadadaanan ako nun nung nasa kalye pa ako. May isang forest nga pala na kalapit itong Light Forest bawal daw kami pumunta dun, dahil mapanganib daw at may Barrier na nakaharang sa buong Light Academy, grabe nakakapagod pero sulit talaga guys napapansin nyo ba hindi kami masyadong nag uusap ni Acer, ewan nahihiya ako sa kanya saka ang tahimik nya e, saka bakit ko sya kakausapin e hindi nya ako pinapansin, palagi sila Fleus lang, isang beses sinubukan ko syang barahin 'tsk' lang naman sagot sa akin wala ata ibang alam na word yun e. "Tara na balik na tayo! pagod na ako" Biglang pag rereklamo ni Alisha kahit kailan talaga to "Sige tara na" Pag sang-ayon ko, isang nakakapagod na araw pero sulit, pero nakakalungkot lang isipin na parang hindi ako tanggap ng ibang Runers dito. Hayst, habang nag lalakad pauwe ang daming mata ang nakatingin pa din sa amin, lalo na sa akin, mga matang nang hahamak, kung dukutin ko kaya mga mata ng mga to After 9976438008432... years naka uwi na din kami, makakapag pahinga na din sa wakas, pero bago ako makapasok ng bahay may napansin nanaman akong naka tingin sa'kin na babae sa di kalayuan, kaya nagmadali na akong pumasok sa loob ng bahay,at sinilip ko bago bago ko isara ang pinto ngunit wala na yung babae, kaya nagpahinga agad ako para di ko maisip ang creeping mumu na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD