Kabanata 8

2122 Words
Mira Sam POV Ito ang pangatlong araw ko dito sa Light Academy, nag lalakad akong mag isa dito sa Hall way papuntang room ng Gold A, nauna na kase sila Athena, ayaw ko pa kase bumangon kanina, well uso din naman ang tamarin guys at isa pa dalawang beses lang sa isang lingo kami nag kakaron ng class sabi sa akin ni Alisha pero kailangan parin naming pumunta sa bawat araw. Dahil yun ay kailangan kaya okey lang na malate ako ngayon kase bukas pa kami may Master na mag tuturo sa amin, oh diba happy ang life? Hindi ko na pinapansin ang mga matang nakatingin sa akin "SSSSPPPPLLLLLLAAASSSHHH." "HAHAHA YAAN ANG NABABAGAY SAYO!" Sabi ng mga nasa paligid ko "Ahhh" Napayuko nalang ako bi-binuhusan nila ako ng tubig na ano ba to mabaho na malagkit, tapos lalayo na sana ako ng madulas ako hay ang lampa ko, tapos pinag tawanan lang nila ako ano ba ang gusto nilang palabasin? Nakakainis sila. "MAHINA KA NAKAKADIRI KA ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA DUMIKIT SA MGA PRINCE AND PRINCESS HINDI KA BAGAY DITO, HINDI!!!" Ilan lamang yan sa mga sinasabi nila sa akin habang nag tatawanan at binuhusan pa ulit ako ng malagkit na tubig na yun, wala akong nagawa para tulungan ang sarili ko, naka yuko lamang ako habang tumatayo, naiiyak na ako, oo tama sila mahina ako dahil hindi naman nila ako katulad, ayos lang sa akin ang mabuhusan ng kung ano ano wag nalang sila mag salita ng mga masasakit "YAN ANG DAPAT SA KAGAYA MO!" "NAKAKADIRI KA GALING KA LANG SA MORTAL WORLD WALANG KWENTA" Akala ko matatagalan ko pa ang mga sinasabi nila pero hindi na pala, may pumatak na luha sa mata ko at dahil ayokong makita nila yun nag tatakbo na ako takbo ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko at ng mapagod huminto na ako sa pag takbo, naka rating na pala ako sa Light Forest, mabuti pa dito tahimik, payapa, nag lakad lakad lang ako dahil pakiramdam ko pag na andito ako pumapayapa ang pakiramdam ko, sa pag mamasid ko sa paligid may isang puno ang umagaw ng pansin ko nilapitan ko ito at laking gulat ko "Kagaya ito ng punong pinag-iwanan sa akin ni mommy at daddy ah" Nauutal na bulalas ko sa aking sarili, nanlalaki ang mata ko na pinag masdan ko ito. Hindi kaya kamukha lang? Pero kamukha talaga e, hayst ewan siguro na papraning lang ako, umupo nalang ako sa may puno at muli ko nanamang naalala ang mga sinasabi nila sa akin, tumungo ako at ipinatong ko ang ulo ko sa mga tuhod ko naiiyak nanaman ako pero napatigil ako sa kadramahan ko ng may, may ka-kamay na may hawak ng isang panyo, naka tapat sa mukha ko, napa angat ako ng tingin at, at wahh isa atang dyosa ang nasa harap ko pero parang na mumukaan ko sya, te-teka, nanlalaki ang mata ko na tinitigan sya "I-ikaw yung ba-babae na-na ka tingin sa akin kahapon" Nauutal na sabi ko at napa atras pa ako kahit naka upo, sya yung babae kahapon yung mumu wahh tulungan nyo ko may multo sa harap ko, ngumiti sya at umupo din "Mukhang kailangan mo ito!" Sabay abot nya ng panyo na hawak nya, pero tinitigan ko lamang ito kaya nag salita syang muli "Huwag kang mag alala Hindi ako masamang Runers. Ako si Mlessean pwede mo din ako maging kaibigan!" Naka ngiti pa sya nyan "Ta-talaga?" Nauutal kong tanong "Oo naman!" Sabi nya "Pe-pero ba-bakit kahap....." "Wala lang hindi kase kita malapitan!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol nya agad, nag isip ako ng ilang sandali mukha naman syang mabait talaga kaya ngumiti ako at tinanggap ang kanina pang panyo na nakalahad, pag katapos kung kunin ang panyo ang lapad ng ngiti nya "Simula ngayon ikaw na ang best friend ko" Masayang sabi nya at niyakap pa ako "te-teka ang ba-baho ko" Sabi ko sa kanya "Hindi ah ayos lang naman" Sabi nya at umiling pa, buong akala ko walang ibang tatanggap sa akin, bukod kela Alisha, meron parin pala ang saya ko, bumitaw na sya sa pag kakayakap sa akin ngumiti sya ng napakatamis "Panu ba yan kailangan ko na munang umalis may gagawin pa ako mag kita Tayo bukas huh?" Masayang sabi nya kaya tumango na lamang ako pero bigla nanaman nya akong niyakap, pero saglit lamang yun, tumayo na sya nag paalam at tumakbo na palayo, naka tingin lamang ako sa dereksyon na tinahak nya. Hindi ko alam kung gaano ko katagal naka titig dun. Acer ash POV Nasa hall way ako nag lalakad ako pabalik sa bahay, pano yung makulit na si Alisha kinulit ako na sunduin na si makupad na si Mira tsk. Napansin ko lang na parang tuwang tuwa ata ang mga Runers dito sa hall way ng may narinig akong mga Runers na hindi ako napansin "Mabuti lamang. Sa kanya yun dikit sya ng dikit sa mga Prince natin tsk" Sino naman kayang kawawang Runers ang inapi nila? Mag papatuloy na sana ako sa pag lakad para hindi na marinig ang mga nakakarindi nilang boses "Dapat lang yun sa Miracle na yun ang panget nya, kaseng pangit ng pangalan nya" Napalingun ako sa mga ng uusap, nagulat ako dahil sinong Miracle ang tinutukoy nila agad akong lumapit sa kanila hinigit ko ito sa braso nya "Ano bah.... Pri-prince a-Acer" Nauutal na sabi nya "Sinong Miracle ang tinutukoy nyo?" Cold Na tanong ko pero hindi sya sumagot at dahil dun nainis ako "TINATANONG KITA SINO ANG TINUTUKOY NYO?" Lumakas na ang boses ko "AHH Pri-prince na nasasaktan po... po ako" Hinigpitan ko pa ang pag kakahawak sa braso nya binitawan ko itong pabalibag, tinalikuran ko sila at nag mamadaling pumunta sa bahay "BLAGGG." Malakas na pag bukas ko sa pinto ng bahay "MIRA!?" Malakas kong pag tawag pag ka pasok ko sa bahay, umakyat ako sa hagdan papuntang silid nya "TOKK TOKK TOKK MIRA? MIRACLE?" Pag tawag ko kay Mira Pero wala sumasagot napilitan na akong buksan ang pinto ng silid nya "ehhhnngggkkk.." Pero pag bukas ng pinto wala si Mira, bigla akong nakaramdam ng pag aalala, nasaan sya? Nag mamadali ulit akong lumabas saan ko hahanapin si Mira? Pumunta ako sa room ng Gold A baka sakaling naroon na sya "Blaggg" Pag bukas ko ng pinto "Oh acer aka....." Umalis akong agad dahil wala din dun si Mira. Hindi ko na din pinatapos sa pag sasalita si Fleus. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, basta takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung bakit ako nag aalala basta ang gusto ko makita ko kaagad si Mira, nakarating ako sa Light Forest sa pag hahanap ko kay Mira. Ewan ko ba nag lakad lakad pa ako, pero may naka salubong akong babae hindi ko alam kung tama ba yung nakita ko oh ano, ngumisi sa akin yung babae pero hindi ko nalamang pinansin, pinagpatuloy ko nalang ang pag lalakad ko hanggang sa makarating ako malapit sa Tree of Portal, at laking gulat ko na naroon si Mira na naka upo sa may Tree of Portal, naka tulala lamang sya pero para syang inilubog sa tubig na may halong dumi, nag mamadali akong lumapit sa kanya "Mira!" Tawag ko sa kanya, ng makalapit ako sa kanya nanlalaking mata na napatingin sya sa akin "Ah anong .... " Hindi na sya nakatapos sa pag sasalita nya umupo ako sa harap nya Mira Sam POV Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang umupo si Acer sa harap ko "Anong nangyare sayo? Sino may gawa nito sayo huh? May masakit ba sayo? Bakit kase nag paiwan ka pa kanina? Dapat sinabi mo na antayin kita, ano mag salita ka nga! Bakit pinabayaan mo ang iba na gawin sayo yan? Ano gusto mo gawin ko? Susunugin ko silang lahat!" Si Acer ba to? Nanlalaki ang mata ko sa sunod sunod na tanong nya at nakahawak pa sa mukha ko. Hindi ako nakaimik dahil sa gulat "ANO BA MIRACLE? SUMAGOT KA NAMAN" Malakas na boses nya "Ahh ahnoh, Ace ah ayos la-lang ako" Nauutal na sagot ko "Sigurado ka ba? Wala bang masakit sayo?" Nag aalala nyang tanong habang chenecheck pa ako. "Ayos lang talaga ako!" Sabi ko at hindi sinasadyang mahawakan ko ang kamay nya. Napa titig sya sa akin at maging ako natigilan. Acer ash POV Natigilan ako ng mahawakan nya ang kamay ko, napatitig ako sa kanya maging sya din "ah ehh so-sorry" Sabi nya at bintawan ang kamay ko at tumayo "Ahh ano... Uhm uwi na muna ako!" Nauutal na sabi nya, napatayo ako hinawakan ko mag kabilang pisngi nya "Bakit ka namumula, may masakit ba sayo?" Natatarantang tanong ko, yumuko lamang sya "Wa-wala!" Sagot nya at tinanggal nya ang kamay ko at tumalikod na sya, pero hind ko alam kung ano ba ang nangyayare sa akin, pero hinawakan ko ang kamay nya napatigil sya hinigit ko sya paharap at niyakap ko sya. Mira Sam POV Nagulat ako ng higitin ako ni Acer at yakapin DUG DUG DUG DUG ang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung kinakabahan ako oh kung ano to "Ace, acer!" Mahinang sabi ko, pero hinigpitan nya lang yakap nya sa akin. Hindi ko alam sa sarili ko pero niyakap ko sya pabalik "wag kang mag alala hindi na mangyayare sayo to, hindi ko na hahayaang makalapit sila sayo!" Ramdam ko ang pag aalala sa boses nya "Sa-salamat!" Mahina ko paring sabi, humiwalay na sya sa yakap at totoo ba ang nakita ko naka ngiti si Acer sa akin? Sa sobrang gulat ko di ko maiwasan mag react "Wahhh naka ngiti ka Acer!" Hinigit ko mag kabila nyang pisngi "Wahhh first time to!" Masaya ko pang sabi "Tsk" Bigla syang sumimangot "Wahh ampalaya nanaman!" "Tara na nga ang baho mo na!" At hinigit na ako, hawak nya kamay ko medyo na huhuli ako ng lakad, inamoy ko sarili ko wahh nakakahiya ang baho ko na nga huhuhu, nakalabas na kami ng Light Forest pero nakahawak parin mga kamay namin, tatanggalin ko na sana dahil may mga runers na nakatingin sa amin, pero hinigpitan ni Acer ang pag kakahawak nya sa kamay ko, wala ako nagawa, napayuko na lamang ako Third person POV Pinagmamasdan ko sila habang nag lalakad magkahawak ng kamay, ang lakas talaga ng loob ng taga Mortal World na yan, antayin mo lang talaga na gumaling ng tuluyan tong mga galos ko papahirapan kita. Hindi ka madala sa mga alipores ko huh? Antayin mo lang ako, kung hindi dahil sa Alisha na yun, ako sana mismo ang nagpapahirap sayo at hindi ka na makakatayo para makipag holding hands kay Prince Acer, humanda ka Miracle Ashtrid Samantha pahihirapan kita sandali nalang ang pagpapagaling ko. Acer ash POV "Ehhnnnggggkkk" Pag pasok namin ng bahay "AT SAAN KAY..." Hindi natapos ni Alisha ang sasabihin nya anong problema ng isang to? Napatitig sya sa kamay namin ni Mira, kaya napabitaw kaming parehas ni Mira, napaiwas ako ng tingin parang uminit ata ang mukha ko "Sa-Sam anong nangya-yare sayo?" Pag tatanong ni Athena napunta ang atensyon nila kay Mira "Ah ano wala to nalaglag lang ako sa... sa may tubig kanina sa Light Forest, ta-tapos na nadulas ako sa lupa ka-kaya ganto itsura ko" Nauutal na paliwanag ni Mira, nanahimik na lang ako dahil alam ko na hindi naman yun ang totoo "Ayos ka lang ha?" Pag tatanong ni Fleus "Ahh o-oo!" Sagut ni Mira "Akyat muna ako, mag papalit lang" Pagpapaalam nya at pumanhik na, hindi na nya inantay na may mag salita pa dala siguro ng pagkahiya "Tsk." Mira Sam POV Naandito na ako ngayon sa kwarto ko, grabe nahihiya talaga ako kanina, wahhh pero yung kabog ng puso ko ang bilis pa rin, nakakapagod tong araw na to pero ayos lang nakilala ko si Mlessean na bago kong kaibigan, at naramdaman ko ang pag aalala sa akin ni Acer, kahit may pagka OA din pala yun. Hindi man lang ako pinag paliwanag ano kayang sumapi sa lalaki na yun, pero atleast nakita ko syang ngumiti, wahhh ang gwapo nya, teka may sinabi ba akong gwapo wahh wala wala wala kalimutan nyo na yun huh? Makapag linis na nga lang sa sasarili ko ang baho ko na talaga nakakahiya naman sa inyo guys Athena POV Nagulat talaga ako nung nakita ko na mag kahawak ang kamay ni Acer at Sam, hindi ko alam kung ano ang meron sa kanila. Pero sana hindi ni Acer makalimutan ang kautusan sa kanya sana lang talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD