Kabanata 26

1338 Words
Athena POV Bago kami tuluyan maka punta sa Light Forest nun yung babae na ipinakilala sa amin ni Sam, Mlessean ba pangalan nun, nakita namin sya ni Alisha na nakaupo sa may corridor malapit sa papuntang Light Forest, nang hihina sya ng panahon na iyon itatayo na sana namin sya ni Alisha pero laking gulat namin nung bigla na lamang syang nag laho sa aming harapan, na para bang bula hindi nya kami napansin ng oras na iyon, pero siguro teleporting ang runes nya, siguro masama ang pakiramdam Nya ng panahon na iyon kaya nadatnan namin sya ni Alisha sa ganung itsura, winalang bahala na lamang namin ang nangyare pero nakapag tataka. Ilang araw ng nawawala si Sam pero hindi pa rin nahahanap at ganun din si Mlessean. Hindi ko din sya matagpuan, sinubukan ko syang hanapin dito sa academy pero wala, ako lang ata ang nakapansin noon kase tila walang naghahanap kay Mlessean. Nakapag tataka kasabay ng pagkawala ni Mira ang paglalaho ni Mlessean. Acer POV "Hindi ka maaring kumilos basta basta Acer. Hindi tayo sigurado kung hawak ba ng Black Knight si Sam. Oh kaya ayaw ko mang tanggapin baka wala na talaga sya" Nag init ang ulo ko sa sinabi na iyon ni Fleus. Naikuyom ko ang mga kamay ko Asaan ka na ba kasi Mira? Tumayo ako para sana lumabas "Huwag kang gagawa ng ikakapahamak mo Acer, sa ngayon pabayaan na muna natin ang mga Head Master, nangako sila na hahanapin nila si Sam" Napalingon ako kay Fleus "Bakit tingin mo ba matatahimik nalang ako ng basta dito na walang ginagawa man lang para kay Mira?" Cold kong sabi "Sa tingin mo ba Acer may na iitulong ang pag wawala mo, ang manakit ng ibang runers dahil pinapairal mo ang init ng ulo mo?" Natahimik ako sa mga sinabi nya. Oo tama kayo ng nabasa. Hindi ko na kasi alam kung ano ang nararamdaman ko para kay Mira, hinahanap hanap ko yung presensya nya, nag aalala ako para sa kanya. "Kung maari pigilan mo muna yang nararamdaman mo para kay Sam Acer, nababasa ko ang iniisip mo kaya wala kang maiitago, alam mo na oras at panahon ang mag sasabi kung sino ba ang nararapat sa pinakamahalagang itinakda. Hindi natin ito maaring pangunahan. Alam mo iyon" Napatingin na lamang ako kay Fleus at walang naimik sa sinabi nya dahil tama naman sya. Hindi ko maaring pangunahan ang nakasaad. Head master Zeor POV Samantha, hindi ko alam kung paano ka mahahanap, paanong bigla ka nalang mawawala hindi ko kayang tanggapin na... na wala ka na. Hindi ko rin masiguro kung hawak ka ng mga Black Knight, wala pa akong sapat na ibedensya. Nasaan ka na ba Samantha, bakit wala kang iniwang bakas man lang na magpapatunay na buhay ka? Pero buo ang tiwala ko sa iyo na ligtas ka kung nasaan ka man, bakit ba kasi Samantha masyado kang pasaway? Acer POV Nasaan ka na ba Mira? Hindi ko na talaga aalisin ang paningin ko sa iyo oras na mahanap ka na hindi ko hahayaang may lumapit pa sa iyo, tsk masyado mo nang nasasakop ang pag iisip ko. Mira sana nasa ligtas kang lugar. "Narito ka lamang pala Acer" Napatingin ako sa nag salita. Tsk sila Alisha lamang pala "Bakit ano ang kailangan nyo?" "Naku Acer mala Sam ka na din ngayon, tambayan ang Light Forest at bigla bigla nalang nawawala" Pabalang na sagot ni Alisha Tsk. "Alam mo Acer mag tiwala lamang tayo kay Sam, alam nating kakaibang babae yun si Sam di ba alam mo nakakahanga talaga ang babaeng iyon" Napatingin ako kay Lex na nakangiti pa sya habang sinasabi ang katagang nakakahanga Pinanlilisikan ko sya ng tingin "Oh bakit Acer talaga namang nakakahanga si Sam noh" Tsk nag iinit ang ulo ko sa lalaki na ito, ano ang pinapahiwatig nya dun Tsk. "Ayy teka nag tataka lang ako bakit parang wala si Lissy ang tagal ko ng hindi sya napapansin" "Oo nga tama ka Athena. Hindi ko din sya napapansin" Nag tataka na mukha ni Alisha. Napaisip din ako. Oo nga asaan na ang antukin na ibon na iyon "Baka naandyan lang yun sa tabi tabi wag nyo na kaisipin yun alam nyo namang mana yun kay Sam" Napansin ko bakit tong si Lex lagi nalang dinadamay ang pangalan ni Mira Tsk "Ah ehh naalala nyo ba nung pumunta kami ni Sam nung Emporium.?" Napatingin kaming apat kay Fleus "Oo Bakit anong kinalaman nun kay Lissy?" "Ganto kasi yun tinanong ko nun si Sam kung nakita na nya si Lissy, ang sabi nya noon sa akin nag kita daw sila dito sa Light Forest, nag paalam daw sa kanya si Lissy na mag lalakwatsya, nag taka nga ako nun dahil hindi naman nakakapag salita si Lissy di ba?" Nag katinginan kami dahil sa sinabi ni Fleus "Hala! Hindi kaya nasapian si Sam nung panahon na iyon waaaaaaaa" PAKK "Alisha ano ba? Ang ingay mo" "Che ang sakit nun Lex huh pasalamat ka wala ako sa mood ngayon" "Tsk ang ingay nyo mag silayas nga kayo dito" "Ang sungit mo Acer. Hindi lang ikaw nakakamiss kay Sam no" Tsk napaka ingay talaga ng bunganga ng babaeng ito. Tsk ilang araw na ba ang lumipas, ikaapat na ngayon asaan ka na ba Mira? "Guys tara na iwan na natin yang tandang Acer sungit na yan" "Wahaha. Naalala nyo pa ba yung kanta ni Sam di ba tuturuan daw nya si Acer nun haha" "Oo nga Lisha ano nga ba umpisa nun?" "Ahh tama!" "OTOKE NEGA OHCHIGE CHOWOTCHE NA OHWA OHWA" Aba loko tong dalawang babae na ito ah "CHIKANCHA CHA CHA NAN TO KAN CHA" "Wahahahahaha! Acer simulan mo ng pag aralan para matuwa naman sa iyo si Sam" "Pati yung sawsaw toyo, ay mali suka pala. At ano pa nga ba yun. Ahh yung bato batopik gamot sa adik" "Wahahahaha! Acer ang pula na ng mukha mo" Panunukso sa akin nung apat. Tumayo akong bigla at nag labas ng apoy sa kamay ko "Waaaaaaaaaa HALIMAW na si Acer hahaha" Nag tatakbuhang tumatawa sila palayo sa akin "Wag na wag kayong mag papaabot sa akin" Sigaw ko at hinabol ko sila, napangiti ako ng wala sa oras. Alam ko namang ginagawa nila ito para mawala ang lungkot sa aming lima, simula nung dumating si Mira sa buhay namin nayanig ang tahimik naming buhay, pero ngayon ilang araw na syang wala kaya alam ko na sinusubokan nilang alisin ang lungkot na bumabalot sa amin. Bumalik ka sana Mira Third person POV "Sige mag pakasaya lamang kayo mga pure runers. Hindi na kayo mag tatagumpay sa pag kakataong ito. At ako mismo ang papatay sa inyo, sa mga kamay ko mag wawakas ang inyong buhay, gigilitan ko kayo na gaya ng isang hayop, dadanak ang mga dugo nyo sa lupa ng walang habas, dudurugin ko kayo na parang isa lamang na maliit na insekto na kakalat sa aking harap Wahahahaha" Sige ngayon mag paka saya lamang kayong lahat dahil hindi na yan mag tatagal. Someone's POV Pinag mamasdan ko lamang si Miracle Ashtrid Samantha habang na tutulog sa gitna ng kadiliman, puno pa rin ng galos ang kanyang mga braso at sa iba pang parte ng kanyang katawan mahina ka pa Samantha. Mira Sam POV Nagising ako sa sakit ng katawan, naalala ko ang nangyari sa akin, nakakaramdam nanaman ako ng inis ayst. Anong klaseng parusa ito sa akin? Anak ng tatlong puting tupa oras lang na makaalis ako dito. Kakatayin ko sya, sasakalin ko ang leeg nya, gagayatin ko ang lamang loob nya, ilulublub ko sya sa pinaka malalim na parte ng dagat sa kahit saang sulok ng mundo, ipapakain ko sya sa mga kanibal, gagamitan ko sya ng armalite sa ulo nya, dila lang walang latay ipapachugi ko sya sa lahat ng gangster sa buong mundo, tapos lahat ng lamang loob nya ipapakain ko sa mga pating, oras lang talaga na makaalis ako sa madilim na lugar na ito humanda talaga sa akin ang may kagagawan nito. "PAPASABUGIN KO ANG MUKHA MOOOOOOOOOOOOOOOOOO" . "AAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD