Mira Sam POV
Hayst ang presko talaga dito sa Light Forest, wag kayong maingay guys tumakas lang ako, si Master Lie na ang mag training sakin, tinatamad pa ko no ang sakit pa ng katawan ko.
Kayo na turuan ba naman ako makipag one on one, si Miss Quisel kababaeng tao s*****a, matapos akong pagawain ng chaco, nako ang hirap nag ka sugat sugat pa ako nun, kaya ito ako takas bahay, sigurado dun ako pupuntahan ni Head Master Lie. Hindi nga rin alam nila Alisha na nandito ako, mahirap na baka ituro pa nila ko no naninigurado lang
"Hayyy ang aliwalas ng panahon"
Nakasandal lamang ako dito sa Tree of Portal habang nakapikit. Pero may naramdaman akong kakaiba banabalewala ko nalang sana ito, baka si Mlessean lang ganun naman yun e kabuti pati si Lilibieus.
"Prinsesa ng Crystal Light"
Agad akong napamulat dahil sa nag salita
"Sino ka?"
Isang lalaki ang nasa harap ko naka ngisi sya. Napatayo ako para maging handa dahil iba ang pakiramdam ko sa lalaking to e.
"Kamusta din Miracle Ashtrid Samantha!"
Aba loko to ah kailan pa nag karoon ng kamusta din ang pangalan ko, may toyo ba sa utak magulang nito.
Teka paano nyang nalaman ang pangalan ko?
"Sino kang kulto ka huh paanong nalaman mo ang pangalan ko? Anong pakay mo."
Lakas loob kong pag tatanong, natatakot ako sa totoo lang pero pinapakita ko na matapang ako.
Pero nagulat ako ng bigla syang nag labas ng itim na inerhiya sa kanyang kamay, napaatras ako ng bahagya
"AKO ANG PAPASLANG SAYO
PRINSESA NG CRYSTAL LIGHT KINGDOM"
Pag kasabi nya ng mga salitang iyon agad nyang itinapon sa akin ang itim na runes nya, mabuti na lamang kaagad ako nakagawa ng Wind sheild
BLUGS
Dinepensahan ko ang sarilin ko, agad akong gumawa ng mga leaf boomerang, matatalas ito, itinira ko ito pa punta sa kanya mahirap na no baka Black Knight to no
Pero kung minamalas ka nga naman naiwasan nya ito
"Akala mo ba basta basta mo lamang akong mapipinsala? Nag kakamali ka hunghang mahina ka"
Sunod sunod nya akong tinira ng mga black runes nya madami ito.
Waaaa hindi ako nakaumang paano ko to iiwasan agad.
Ang dami, gumawa ako muli ng wind shield
BLAAGGG
BOOOGGGSSSHH
BOOOGGGSHHH
Masyado itong malalakas
"AHHHH!"
Napaupo ako nawasak nya ang shield na ginawa ko
"WAHAHAHAHAHA MAHINA KA"
Tsk naiinis ako sa tawa nya, kaagad akong tumayo kahit medyo nahihirapan na ako.
Hindi pa ako masyadong bihasa sa pag gamit ng runes bakit kasi pasaway ako.
Gumawa ako ng wind blade. Hindi pa ako masyadong magaling dito pero wala rin namang masama, kung itatry di ba nakuha ko pang mag try nasa panganib na ako engot engot engot bahala na si barbie
"Waaaa! Ang panget mo. Hindi ako mag papatalo sayo bleeee."
Agad ko sa kanyang itinapon ang mga wind blade na gawa ko, nasugatan pa ang kamay ko ansakit ayst.
Madami ang ginawa ko dumudugo na ang kamay ko pero nakaka susot, ngumisi lamang sya at hindi iniwasan ang atake ko.
"Yan lang ba ang kaya mo? Wala kang kwenta"
Pag ka sabi nya nun itinaas nya ang kamay nya at isang kumpas lang biglang tumigil ang mga wind blade na ginawa ko, nanlaki ang mga mata ko mabilis itong bumalik sa direksyon ko, waaa anong gagawin ko
Natatarantang iniwasan ko ang blade
"AAHHHH, OUCHHH, AYSST, AAHHHHH"
Nagawa kong maiwasan ang iba pero hindi ako nakaligtas sa mas maraming wind blade, muli akong napa upo dahil sa ataking iyon, tatayo sana akong muli ayaw ko pang ma dedo no.
Muli syang nag salita.
"YAAN ANG NARARAPAT SA IYO."
Napatingin ako sa kanya, namumuro na tong kultong to puno lang ako ng sugat pero hindi ako bingi para sumigaw sya ng sumigaw no .
Nanlaki ang mga mata ko gumawa sya ng malaking black runes nya parang may bumabalot na kuryente sa mga ito mabilis pa sa mabilis itong itinapon sa akin dala ng pag ka gulat hindi agad ako naka galaw
"AAAHHHHHHHHHHHHHH"
Ramdam ko ang pag tama nito saakin napasigaw nalang ako sa sakit
"WAHAHAHAHAHAHAHAHA ISA KANG WALANG SILBI YAAN ANG KATAPUSAN MO"
Yun ang mga salitang huli kong narinig, pero naaninag ko pa na lumapit sya sa akin at my hawak na patalim.
Acer POV
Kanina pa akong kinakabahan hindi ko alam kung bakit kakaibang kaba ang nararamdaman ko, naandito lamang kami sa bahay pero napansin ko wala si Mira, yung mga kasama ko parang mga hindi mapakali nakapag tataka
TOKK TOKK TOKK TOKK
Nag katinginan kaming lima dahil sa may kumatok sa pinto ng bahay, malamang alangang sa sahig tsk .
"Lex buksan mo na baka importante yun"
"Aba Alisha ano ka sinuswerte? Makapag utos wagas ikaw nalang, ay hindi ikaw nalang pala Fleus buksan mo"
"Aba loko to ah, Athena buksan mo na daw yung pinto"
"Anong ako ayoko nga!"
TOKK TOKK TOKK TOKK .
Tsk
"Ako nalang mga tamad"
Cold kong sabi at tumayo na.
Mga loko tong mga to nakasunod naman sa akin tsk. Nagulat ako si Master Lie pala
"Master baki.."
"Si Samantha asaan sya? Kanina ko pa sya inaantay sa training room"
Nag katinginan kaming lima lalo ata akong kinabahan wala si Mira
"Master wala po si Sam dito"
"Ano saan nanaman sya nag punta?
Hanapin nyo sya ngayon na kailangan nyang maging seryoso sa ginagawa nya!"
"Opo Head Master!"
Sabay sabay naming sabi, agad ding umalis si Head Master.
Saan naman kaya nag punta ang babaeng yun napaka gala nya isip bata, basta basta nalang umaalis hindi kaya kasama nanaman nya yung lalaking yun tsk .
"Hoy kayong tatlong lalaki sama sama kayong mag hanap kay Mira sa kabilang banda ng academy, at kami ni Athena magkasama kaming mag hahanap sa kabilang parte ng academy mag pasabog kayo sa ere kung sino ang unang makahanap Kay Sam. Yung babae kasi na yun kung saan saan nasuot parang surot"
Nakapamaywang pa nyan si Alisha, makapag salita to parehas lang naman sila ni Mira parang bata
Tsk
Nag mamadali kaming umalis nila Lex
"Saan kaya natin unang hahanapin si Sam? Saan ba yun napunta kapag tumatakas sa atin? Hay pasaway na babae yun"
Tinatamad na sabi ni Lex tsk.
"Tara Light Forest tayo! Malakas ang kutob ko na naroon sya!"
Agad kaming nag tungo roon malapit na kami sa Tree of Portal ng may narinig kaming sigaw
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH."
Nag katinginan kaming tatlo boses yon ni Mira ah.
Nag mamadali akong tumakbo, wala na akong paki alam dun sa dalawa kong kasama, si Mira lang nasa isip ko ng mga oras na iyon
"MIRA!"
Malakas kong sigaw, isang lalaki ang nasa harap nya wala ng malay si Mira, nag aapoy ang mga kamay ko, may hawak na patalim ang lalaki humarap ito sa amin ngumiti sya ng nakakaloko
"ANONG GINAWA MO KAY MIRA HUH SINO KA?"
Sunod sunod kong tanong pero agad ko syang tinira ng fire ball ko
BOOOGGGSSSSSSHHHHHH
BOOOOGGGGGSSSSHHHH
BOOOGGGGGSSSSHHHH
Sunod sunod na tira ko pero, nakadepensa sya agad. Nanggigigil ako sa galit sa kanya
"WAHAHAHAHAHAHA HULI NA KAYO MGA WALANG KWENTANG ITINAKDA WAHAHAHA."
Dahil sa sinabi nya nakaramdam ako ng sobrang galit sa puso ko.
Tumakbo ako palapit sa kanya, nag aapoy ang mga kamay ko sa sobrang galit na nararamdaman ko.
"Pag babayaran mo kung ano man ang ginawa mo kay Mira!"
Pero laking gulat ko gumawa sya ng malaking black ball isa syang black night.
"BLACK KNIGHT KA HUMANDA KA ITO ANG KATAPUSAN MO"
Tumakbo palapit sa akin si Lex at Fleus, umaapaw na rin sila sa galit, sobra ang galit ng mga to sa mga black Knight kaya ganto din sila
"MAHIHINANG LIGHT RUNER HINDI NYO KO MAPUPUKSA MAHINA KAYO WAHAHAHA!"
Pag ka bigkas nya ng mga salitang iyon agad nyang itinapon sa amin ang ginawa nyang black rune, pero nagawa agad naming madepensahan ang sarili namin, kaagad akong gumawa ng
Fire tornado patungo sa lalaki, sinabayan ito ng rain stone at sinamahan pa ito ni Lex ng kanyang 100 dancing sword, nag combine ang mga runes namin, pero hindi na tinag ang lalaki muli syang gumawa ng malaking itim na inerhiya, may kasamang kuryente ang bumabalot dito at sinalubong ang ginawa naming atake. Napatingin ako sa gawi ni Mira dahil sa takot na baka mapinsala sya nito, pero mabuti nalang gumawa si Fleus ng malaking wall shield para sa aming apat bago pa tuluyang mag tama ang mga atake namin
BBBBOOOGGSSSSSHHHH
Isang napakalakas na pag sabog ang halos yumanig sa paligid, halos matumba kami sa kinatatayuan namin dahil sa pagyanig ng lupa
"Ayst...."
Umusok ang paligid! Napakakapal halos wala ng makita sa paligid, pero isang nakakaadwang tawa ang nag parindi sa aking pandinig
"WAHAHAHAHAHAHA.
HULI NA KAYO MGA NAKATAKDA WAHAHAHAHA"
Agad inalis ni Fleus ang harang na ginawa nya, unti unting nawala ang usok, pero wala na din ang black Knight na iyon.
"AYST nakakainis"
Napasabunot ako sa aking buhok.
Nawala na ng tuloyan ang usok kaagad akong napatingin sa parte na kinalalagyan ni Mira pero laking gulat ko wala sya.
Napatakbo ako roon.
"MIRA"
Malakas kong tawag sa pangalan nya wala sya ..
Asan sya napalingon ako sa paligid, binabalot ng kaba at takot ang puso ko.
Nag aalala na rin sila Lex, halata sa kanilang mukha.
Nakita ko rin ang mga humahangos na mukha nila Alisha kasama ang mga Head Master. Pero hindi ko iyon pinansin, tumakbo ako sa bawat parte ng Light Forest
"MIRA NASAAN KA! MIRA WAG KA NG MAGTAGO MIRA!"
Nag aalalang sigaw ko natatakot na ako wala si Mira sa kahit saan.
"AHHHHYYYYYYSSSSSSTTTTT."
Napasigaw nalang ako dahil sa ibat ibang emosyon ang nararamdaman ko!
Nang hihina ang tuhod ko na napa upo
"Nasaan ka Mira?"
Napasabunot nalamang ako sa buhok ko.
Lex POV
Napatingin ako kay Alisha na humahangos pa kasama ang mga Head Master
"Nawawala si Sam at isang Black Knight ang nakaharap namin!"
Halata ang pag aalala sa pag sasalita ni Fleus.
"ANO SI SAM? HINDI MAARI YUN.!"
gulat na napasigaw si Athena at Alisha, nabalot din sila ng pag katakot at pag aalala.
"Hindi maaring mawala basta si Samantha kailangan nating kumalma at makasigurado. Kami na muna ng mga Head Master ang bahala dito umuwi kayo at mag pahinga muna."
Biglang sangat ni Head Master Zeor. Pero agad naagaw ng pansin namin ang biglang pag sigaw in Acer.
"AAAAYYYYSSSSSTTTT.."
Kaagad namin syang nilapitan labag man sa loob namin na umalis kaya lang kailangan naming mapakalma si Acer dahil baka lumalala lalo ang sitwasyon.
Hindi ka maaring basta mawala Sam nasabi ko na lamang sa isip ko .