Hindi madrawing ang mga mukha nina Vencel, Raegan at Eomund nang nakaharap namin sila dito sa Throne Room. Hindi matanggal ang malapad at matamis kong ngiti. Alam ko rin kasi kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga ito. Sa mga tingin palang nila, nag-iisip na sila kung anong klaseng pagpaslang ang gagawin nila sa kasama namin. Pinagitnaan ako nina Cederic at Houstin. Sabay kaming nagbigay-pugay sa mga kaharap namin. "Binabati po namin ang mga kamahalan." sabay naming bati sa kanila. "Sino ang inong kasama, Prinsesa Styriniana, Prinsipe Cederic?" si Vencel ang unang nagtanong, gamit ang malamig niyang tono. Nilahad ko ang aking palad kay Houstin na nasa kaliwa ko. "Siya po si Ginoong Houstin, aming mahal na Emperador. Siya po ang tinutukoy ko na magiging parte ng aming pangkat sa darati

