Bigla ako pinatawag ni Vencel sa kaniyang Opisina. Hindi nga lang sa Throne Room. May importante daw kaming pag-uusapan. Kung ano 'yon? Hindi ko rin alam. Ngayon ko palang ito malalaman. Kung kaya agad ko siya pinuntahan kung nasaan ang kaniyang Opisina. Wala akong ideya kung may nagawa ba akong kalokohan o dahilan upang magalit sa akin ang mga teacher ko, sa totoo lang ay nagpapakabait na ako. Binawasan ko na ang pagiging pasaway ko nitong mga nakaraang linggo. Siguro ay dahil masyado na akong focus sa pagpapraktis. Halos hindi ko na nagagawang sagutin ang mga telegrama na ipinadala nina Calevi, Dilston at Otis. Kapag nakahanap ako ng oras, saka ko sila masusulatan pabalik. Malapit na ako sa pinto kung nasaan ang Opisina ni Vencel ay tumigil ako sa paglalakad nang matanaw ko si Cederic

