Mahigit dalawang buwan nang nakalipas buhat ipinadiwang ang social debut ko. Ngayong nasa legal na edad na ako. Magagawa ko na ang gusto ko. Makakarating na ako kung saan-saan pero may limitasyon pa rin. Hanggang Kapitolyo lang ako at kailangan may kasama ako tulad ng usapan namin ni Vencel. Hindi na ako tumanggi, atleast nag-level up na. Hindi na ako mabobored sa loob ng Palasyo. Kinagat ko ang cookies na gawa ni Nesta, nakatuon ang aking mga mata sa binabasa kong libro, may pagsusulit ako mamaya kaya todo review ako ngayon. Kasama ko dito sa Ceola na kasalukuyang abala sa mga experiment niya. Gumagawa siya ng mga magic potions na tulad ng nakaugalian niya. Hinahayaan ko lang siya, kung biglang may pagsabog man dahil sa failed experiment niya ay madali din rin namin maayos ito dahil din

