Nanatili ang tingin ko sa kanilang tatlo. Dahil sa pagkabigla ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung tatanggapin ko ba? Sino ang pipiliin na isasayaw ko? O huwag nalang para wala nang madidismaya? Gustuhin ko man tumanggi ay hindi ko rin magawa, parang may nakabara na kung ano sa aking lalamunan, ayaw ako pagsalitain. Dangg, ano na ang gagawin ko? Ayaw ko rin mabastos ang mga ito. Bigla may sumulpot na isa pang kamay sa aking gilid. Tiningnan ko kung sino ang nagmamay-ari n'on. Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na si Vencel pala ang nagmamay-ari ng kamay na 'yon! Hindi ko maitanggi na mas lalo siya nagiging guwapo sa paningin ko nang inaaya niya ako ng sayaw ngayon. Parang naiimagine ko na bumalik siya sa pagiging prinsipe sa hitsura niyang 'yan. "K-kamahalan... Ang

