Nag-umpisa na ang social debut ko. Hindi lang pala ako ang magkakaroon ng social debut, mayroon ding grupo ng mga dalagahan at kabinataan na makakasabayan ko sa selebrasyon na ito. Dahil sila ang kaedaran ko sa katawan na ito ay sa kanila ako nakihalubilo. Isa-isa sila nagpakilala sa akin at bumati. Masaya ko din sila binati pabalik. Ang iba pa sa kanila ay gusto nilang mag-organize daw ng tea party na kasama ako. Speaking of tea party, parang nag-aalangan na ako dahil sa unang tea party na nangyari sa akin. Ayaw kong maulit ang nangyari pero matagal na din nangyari 'yon so why not? Ang problema nga lang, hindi ako sigurado kung papayagan pa ba ako ni Vencel na magdaos ng tea party sa loob ng Palasyo dahil kadala-dala naman talaga. Hindi bale, susubukan ko siyang tanungin o magsuggest. M

