"Isa, dalawa, isa, dalawa... Ikot!" Hindi ko na mabilang kung ilang buntong-hininga na ang pinakawala ko habang patuloy ako pinaikot at inuugoy sa pamamagitan ng pagsayaw ng waltz. Hindi ko mapigilang tumingin sa aking paanan. "Huwag tumingin paibaba!" Kusang mabilis umangat ang aking tingin saka diretso ako tumingin sa aking kasayaw---si Caldwell. Tulad ko ay nakangiwi na siya. Marahil ay alam na niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Lihim ko kinagat ang aking labi. Pinipigilan ang sarili kong maiyak. Walangya, sa buong buhay ko, ngayon lang ako pinagalitan ng ganito. Iba na kasi ang instructor ko ngayon. Nagretired na kasi ang dating nagtuturo sa akin dahil sa katandaan. Mas gusto ko pa 'yon, eh. Hindi mahigpit at malumanay siya magturo. Kapag may napuna siya, itatama niya 'yon

