—GOLD'S POV—
Pagkarating ko kanina ay lamang ang kalaban nila ng halos bente puntos at nasa bench lang nakaupo si Ash. Pero hindi nagtagal ay naglaro si Ash at nabawi ang lamang. Dikit ang labanan nila pero sa huli ay sila pa rin ang nanalo Pagkatapos ng laro ni Ash ay agad akong umalis. Tumawag kasi si Yaya Bebang na dumating na raw si Amethyst. Ang pinsan ko sa ama. Anak siya ni Tito Aldren, ang nakababatang kapatid ni Dad.
Dahil napagkasunduan namin ni Yaya na mamasyal na lang para makapag-celebrate kami ng birthday niya. Sinama na rin namin si Amethyst. Ibinilin kasi ni Tito na roon muna sa mansyon si Amethyst mag-stay ng iilang araw hanggang sa matapos niya ang misyon na binigay sa kaniya ni Dad.
"Mommy Gold, kilala mo po ba si Kuya Reiz." That nerd.
"Bakit mo naman natanong, Ame?"
"Kasi narinig ko siyang tinawag ka niya sa surname natin. Wala naman po akong sinabi na 'yon surname natin eh," nagtatakang tanong niya habang kinakain ang ice cream niya.
Si yaya naman ay bumili pa ulit ng ice cream. Kukulangin kay Amethyst ang tatlo. Ang takaw ng batang 'to sa ice cream.
"Binibining Ilthrov... H-hi?"
Naramdaman kong tumulo ang pawis sa noo ko nang magtagpo ang mga mata namin. Parang saglit akong naubusan ng dugo at tila napipi.
Shit! Bakit nandito siya?
Tahimik at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Tila nakikipagtalo pa sa kaniyang sarili kung magsasalita ba ulit o hindi. Classmate ko lang naman siya, wala na siguro siya pakialam sa buhay ko. Sana. Lalo na at tinawag akong Gold ni Amethyst. Sana hindi niya na pansinin iyon.
"May anak ka na pala," natatawang wika niya.
Anong sabi niya? Ako may anak? Huh? Kailan pa?
"Mommy Gold, when did you have a child?" naguguluhan ding tanong ni Amethyst.
She used to call me Mommy, kasi namatay ang totoong mommy niya pagkapanganak pa lang sa kaniya. Ang sabi niya ka-look alike ko raw mommy niya. Kahit alam kong hindi niya pa iyon nakita sa personal at tanging sa picture niya lang ito nakita.
"Ikaw ang anak niya Baby Amethyst, hindi ba?"
I see. Haha, pathetic.
"Let's go, Ame."
"Wait po. I want to buy this," sabi niya sabay pakita ng libro.
Kinuha ko iyon saka binayaran sa kay Nerd. Mukhang siya naman ang cashier dito. Wala ng ibang taong nandito and he's wearing a shirt that has printed
"How much is this?"
"149 pesos."
Kinuha ko na ang wallet ko at binayaran ang libro na gusto ni Amethyst.
"I didn't expect that you already had a ch—"
"None of your business, Nerd."
"Why? Hahaha so is this your secret huh?"
I stopped, looked at him intently.
"I didn't know you have this attitude, ahmm... Like gossiping—"
"Just confirming the not-that-news I found today, Binibining Ilthrov."
"Ganoon pa rin 'yon."
"It's not like that, i was jus—"
"She's my cousin."
Ewan ko pero parang kailangan kong mag-explain sa kaniya. Nevermind. I would never do that tp anyone.
"Here." Inabot niya sa akin ang libro na ngayon ay nakalagay na sa maliit na paper bag.
"Bye bye, Kuya! I'll see you when I see you."
"Bye, Baby Amethyst. Ingat kayo ng mommy mo."
Inirapan ko lang siya at kinaladkad si Amethyst palabas ng store. Pagkalabas ng store ay agad kong tinanong.
"What did I told you before we left the mansion, Ame?"
"Sorry po, mommy Gold. Babalik din naman sana ako eh kaso natagalan ako kasi si kuya Reiz.... Sabi niya may multo raw."
"Multo?"
"Yes mommy. Kuya said mayroon daw multo"
"Nak ng!"
"Mommy?"
Nako, aba! Kalalaking tao, takot ba sa multo 'yon? Pati bata tinakot. Kung sinong matapang na inisin ako tapos natatakot lang naman pala sa multo.
"Nothing, Ame. Let's go back there. Okay?"
"Okay po, I want ice cream hehehe."
"We'll buy when we get back."
"Punta ulit tayo roon mommy ah. Is he your friend? He's cute mommy, like me. I'm wondering what he would look like if he doesn't wear his eyeglass, Mommy."
"Not cute, Ame—"
"He's cute, Mom—"
"We have different definition of cute, Ame."
"Hep hep hep! sinong cute?" agaw tanong ni yaya. At last bumalik na rin siya. Kumain lang kami kanina sa isang restaurant at saka naglaro sa Quantum. Ngayon nandito kami sa park naka-upo.
"Iyong friend ni Mommy, Yaya!"
"Friend?"
Here we again. Puno ng malisya akong tinignan ni Yaya. Saka lumapit sa amin, ang tingin ay nasa akin pa rin.
"Puntahan po natin mamaya, ya!"
I didn't bother to stare back at Yaya. Tulad kanina, siguradong hindi na ako titigilan niyan. Lalo na sinabi ni Ame na kaibigan ko raw. Nako naman!
"He even knew our surname. So he's Mommy Gold's friend, Ya!"
"Sige ba. Gusto ko rin puntaha—"
"No! Wala tayong pupuntahan." Baka ano pa isipin ng Nerd na iyon.
He's not my friend. He's just my classmate.
"Okay lang yan, Gold. Gusto ko rin makilala mga kaibigan mo."
"But he is not my friend," I protest and crossed my arms.
"Mommy, can we see him again?"
With her free right hand, she reached my hands and slightly massaged it. She almost finished her ice cream and was about to throw the stick of it.
"Please, mommy?" she said, showing that 'paawa' face to me.
"Matitiis mo ba si Ame, Gold?" sabat naman ni Yaya.
Wala akong nagawa nang magpumilit si Amethyst bumalik sa store. Alas-singko na rin nang makabalik kami roon. Pagkadating namin ay kasalukuyan namang naka-upo si Nerd sa parang cashier desk. Kung saan siya namin iniwan kanina but this time, he's now reading a book.
Masyado pang seryoso ang kaniyang mukha at nakatuon ang halos lahat ng atensyon dito. Mas sumeryoso siya tignan dahil sa eyeglass na suot. At p'westong nakasandal sa mataas niyang silya.
"What do you expect from a nerd?" I murmured.
"Mommy? May sinasabi ka po?"
"Nothing, Ame."
Nang matapos marinig ang paghuni ng chime ay napalingon ito sa amin. Still wearing his poker face. Ngayon ko lang napansin na naka jeans at white t-shirt lang siya. Mukhang nagpalit siya ng damit dahil naka-gray pa siya na t-shirt kanina.
"Kuyaaa Reizzzzzz!" sigaw ni Ame at patakbong nilapitan si Nerd.
Kanina lang naman sila unang nagkita, bakit parang ang close na nila agad?
"Baby Amethyst?"
"Hi, Kuya! We're back! Kasama namin si Yaya. This is Yaya Bebang pala!" Ame said as she introduced Yaya to Nerd. Si Yaya naman ay nakangiti pang lumapit sa kanila ni Ame.
"Aba jiho, ikaw ba ang kaibigan ni Gol—este Blaire?"
"Tsk!" Hindi ko nga kasi kaibigan!
"Ahmm... Eh—"
"Kamusta naman si Blaire kaibigan?" Tumingin si Yaya sa akin. "Inaaway ka ba niyang alaga ko?"
Seriously yaya?
Pinandilatan ko lang sila ng mata saka padabog silang tinalikuran. Naghanap-hanap na lang ako nang mababasa habang sila ay ayon, nakipagkwentuhan kay Nerd. Ayokong i-entertainin sila.
Hinayaan ko lang sila na magkwentuhan habang nagbabasa ako. Ni hindi ko na sinubukan pang makinig sa pinag uusap nila kahit ilang metro lang naman ang layo ng kinauupuan ko. Baka lalo lang akong mainis pag nakinig pa ako. Nakakalahati ko na ang librong binabasa nang magsabi si Yaya na uuwi na raw kami.
"Oh siya jiho, kailangan na naming umalis at mag-gagabi na rin."
"Sigee po, yaya Bebang. Masaya po akong nakilala ko kayo yaya at si Baby Ame."
"Mas masaya akong nakilala ang kaibigan ni Blaire."
"Tss."
Siguradong hindi ako titigilan ni Yaya.
"Kuya, can we take a picture po. Remembrance lang po," nakangiting wika ni Amethyst.
"Oo naman, baby."
Sa murang edad; anim na taon, binigyan na si Amethyst ng phone ni Tito.Ang bata niya pa para magkaroon ng phone pero sabi ni Tito in case of emergency lang daw.
"Yaya, pwedeng ikaw mag-picture sa amin?"
Tahimik lang akong nanonood sa kanila, pinagkatitigan ang hindi matapos-matapos nilang ginagawa. Bigla naman akong sinenyasan ni Yaya and I just gave her my "ano na naman yaya?" look na agad niyang naintindihan.
"Sumama ka sa kanila."
"Huh?"
"Mag picture."
"What?"
"Mag picture nga, Blaire."
This time, their attention brought to mine. Animo silang tatlo ay naghihintay sa susunod na galaw ko. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at pinandilatan ng mata si Yaya.
"No! I won't," mariin kong sagot.
"Mommy, please."
"No."
"Mommy..." she said with a puppy eyes.
Tsk!
Lumapit ako sa kanila habang si yaya naman ay inihanda ang phone ni Ame. Lumapit na rin si Nerd sa pwesto namin.
"1 2 3 Smile." I tried my best to smile even if it looks fake.
"Teka nga, isa pa. jiho, smile ka naman. Ikaw Blaire, smile naturally. At saka lumapit nga kayo sa isa't isa, parang p'wede pang sayawang ang distansya niyo oh." Lumapit ako ng konti. Napapagitnaan namin ni Nerd si Ame.
"Ayan lapit pa," utos ni Yaya.
Muli ay pilit ulit akong ngumiti.
"Blaire, parang nang-aaway ka. Hijo, p'wede mo bang kunin 'yang eyeglasses mo—"
Hindi naman photographer si yaya pero makasuggest, ay nako naman!
Napalingon ako sa kaniya nang sinunod niya ang sinabi ni Yaya na alisin ang eyeglasses niya. Ito ang ikalawang beses na nakita ko siyang walang eyeglasses, though nakaside view siya sa akin. Halata ang makapal niyang kilay at mahahabang pilik, sabayan pa ng matangos niyang ilong.
I was caught off guard when his gaze diverted on me. It was like a slow motion, we stared at each other like there's no Amethyst and Yaya around us. He look at me like as if asking me why I was staring at him. And out of the blue, miracles happened, his lips slowly curved and formed into a genuine smile. A hypnotic smile that anyone feel at peace with it. There's something in his eyes—something like happiness. This is the first time seeing him smiling—naturally and very genuine.
I admit, he looks cute.
Umiwas na ako ng tingin at pinakalma ang puso ko na ngayon ay parang nagiging abnormal sa pagtibok. Wala lang 'yon, wala lang dapat. Nagulat lang akong makita siyang walang eyeglasses at ngumiti. Iyon lang.
Nang dumako ang tingin ko kay Yaya, nahuli ko pa 'tong todo kung ngumisi. Hindi ko na lang iyon binigyang pansin at ginawa na lang sinabi niya, ang ngumiti ako ng natural.
"Perfect! Para kayong pamilya—"
"Yaya!" agad kong saway.
"Sige na! 1 2 3, smile!"