—ASH'S POV—
"MY MOM wouldn't mind," I said, assuring him.
"Okay. I'm on my way. Dalawang oras lang itatagal ko riyan, may mga bagay pa akong aasikasuhin pagkatapos eh."
"Mga anong oras ka makakarating?"
"10-15 mins, Ash. Dala ko naman motor ko."
"Sige, sige. Ingat ka. Salamat ulit, Reiz."
Reiz is coming here in my house for he'll be teaching s***h tutoring me. Dad isn't here, he went out for a business trip, so I'll be from now on 'til next week. Hindi kasi alam ni Dad na may tutor ako, may pagkastrikto kasi siya. Baka isiping nakikipagbarkadahan lang ako kaya napapabayaan ang studies ko. Si Mom naman, wala naman problema sa kaniya iyon. Kung saan ako sasaya ay roon din siya.
"Mom! Reiz will be here 10-15 mins from now on." I shouted as I informed Mom, who is in the kitchen.
Sabi niya kasi kanina sabihan ko siya kung anong oras dadating si Reiz. Para maka-prepare raw siya ng snacks namin. She met Reiz once, but they never had an interaction. We just saw him outside of a bookstore while we were driving home and so I told Mom that he'll be the one to tutor me.
"Okay, baby Ash. I'll open the door later when he arrived," I heard Mom said. Kita kong bahagya pa siyang nakatingala, suot ang apron at hair net. Nandito kasi ako sa second floor ng bahay namin, nasa first floor naman ang kitchen kung nasaan siya ngayon.
"Okay!"
Pumasok na ako sa kwarto ko, nag earphones at saka sumampa sa kama ko. Habang naghihintay ay napag isipan kong mag open ng gallery. Agad kong hinanap ang album na sinadya kong gawin.
"DBRI" stands for Dissey Blaire Reyes Ilthrov.
The album contains her pictures, mostly are epic. Patago ko kumbaga pinipicturan. Minsan tulog siya, minsan naman pag wala sa mood o 'di kaya nagsusulat, may iba ring kumakain siya. I wonder if she knew that I'm taking a picture of her. Minsan niya na akong nahuli pero wala naman akong narinig sa kaniya. Nang mga oras na kasi iyon ay parang wala siya sa sarili.
"So cute," I uttered as I gently touch the screen of my phone, with her picture on it.
She was standing right beside Reiz, holding a cup of lemon juice while sipping it. Animo ay pasimple silang nag uusap dahil parehong bahagyang nakabuka ang mga bibig nila. Sakto n'ong nag picture ako. Mala-kayumaggi ang balat niya, may pagkamorena na makinis ang balat. Halatang galing sa mayamang pamilya.
She's really a cutie. In a way that her hair we re always braided, showing her tiny figures. Parang ang linis niyang tignan pag ganoon eh. Sakto lang din ang taas niya, pati ang katawan niya parang physical fit siya na nag te-training simula bata pa. She is also not that girly with her actions, which amazed me. Tipong ang simple lang niya pero ang angas ng dating. Kulang na lang iisipin kong parang secret agent ang galawan niya minsan.
"Blaire... Shet, you're giving me this unexplainable feelings. Baka hindi ko mapanindigan 'to pag lalong lumala—AY TANGINANG KABAYO!" Bahagya akong napatalon sa gulat nang may isang daliri ang nakipindot sa screen ng phone ko at iniscroll-scroll ang mga pictures ni Blaire. Abot kaba kong nabitawan ang cellphone ko, na buti na lang ay sa kama ko lang nalaglag at mabilis na lumingon sa may ari ng daliri. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Reiz. Nasa gilid ko siyang nakatayo at seryosong naka-crossed arms pa.
"Nakakagulat ka naman, Reiz! Bakit hindi ka kumatok bago pumasok sa kwarto ko!" pasinghal kong sabi, pinipilit umayos ng upo sa kama at tinago ang cellphone sa likuran ko.
"Kanina pa ako kumakatok. Sabi ng Mama mo ay pumasok na lang ako, kaya ginawa ko. Tapos nakita kitang naka-earphones kaya hindi mo ako naririnig na kumakatok sakamukhang busy kang pagnasaan si Blair—"
"I'm not! Hindi ko siya pinagsasaan ha!" depensa ko.
Imbes na makipagtalo siya ay nilapag niya sa study table ko ang dalang textbooks na pang accounting. Saglit pang nilibot ang kaniyang mga mata sa buong kwarto ko.
"Nice room," he complimented and then rerouted his stares again to mine.
"Shall we proceed to our tutorial?"
Nakakanganga akong tumango. Ganoon lang iyon? Hindi siya magtatanong ng kung ano ano?
"AS YOU can see here, all the transactions—inflows and outflows of cash, will be seen here in the Statement of Cash Flow. The end product or the total of this financial statement will be equal to the final balance of the cash in the general ledger," he explained.
"Paano kung hindi pareho?"
"Then there's an error, it might be in your cash balance or in your statement of cash flow. You need to classify it based on its activities—which are operating, investing and financing and also, you really need to know if it's an outflow or inflow. Pag outflow 'yan ang perang lumabas o ginastos ng business. Pag inflow 'yan naman ang pumasok ko kinita ng business. Just simple as that."
Okay, okay. I get it now. This is much more simple than adjustments.
"In which part of the cycle do you always have problems?" Reiz asked.
Nandito kami ngayon sa study table ko, magkatabing nakaupo sa kani-kaniyang bangko at nakatuon ang atensyon sa account book.
"Well... Adjustments. Sa adjusting entries talaga ako palaging pumapalya," sagot ko sa tanong niya.
Sinundan ko lang siya ng tingin nang saglit siyang tumingin sa akin saka inilipat ang pahina ng libro. Pinasadahan pa ito ng tingin at patipang-tipa ng ballpen ng hawak ng dalawang daliri niya.
"Adjustment is somehow the critical part of accounting cycle. All you have to do is focus, then know its different classification. You have to understand it very well. Madalas kasing nakakalito kung sa deferral ba ito at accruals, may mga sub functions pa ito—"
Hindi natapos ni Reiz ang sinasabi nang maagaw ang atensyon namin pareho nang kumatok si Mom. Walang ano-ano ay nakasilip na ito sa pintuan.
"Have your lunch muna. Continue your study later."
I looked back at Reiz who is now looking at his wrist watch. I give him an inviting looks. It's as if asking him to join us.
"Reiz, jiho, dito ka na mag-lunch. I cook lunch good enough for the 3 of us."
"Thank you, Ma'am pero nakakahiya naman. You already served us snacks—"
"No, it's okay, jiho. I'm happy that you are helping my son with his study. It's my pleasure to give back the kindness."
"Okay. We'll continue our discussion tomorrow, Ash. May kailangan akong asikasuhin mamaya."
WALA NANG nagawa si Reiz kung 'di ang um-oo kay Mom. Sabay kaming tatlo nananghalian. Habang kumakain, maya-maya ay nagtatanong si Mom kay Reiz na siyang tipid na sinasagot nito. Ang iba ay tungkol sa pamilya, ang iba naman ay tungkol sa school at sa akin.
I found out that Reiz lost his brothers and mother years ago and he's only living with his Dad. He is also a scholar in our school and having a part time job in that bookstore where we saw him before.
My offer for him to tutor me and in exchange, I'll treat him lunch for a month was actually a blessing in disguise. Nakatulong pa raw nga ito sa budget and for his medication, which I certainly don't know yet.
"Thank you so much, Reiz. You really helped me a lot with this."
"No problem. You can ask my help anytime."
"By the way, about those pictures earlier... Uhmm... Can make it a secret?"
"What pictures?—ah, pictures of Blaire? Okay, no problem."
Buti naman! Baka sabihin niya kay Blaire, nakakahiya pa naman. Baka sabihing stalker ako at literal na iwasan ako n'on. Nitong mga nakaraang araw, umiiwas na iyon sa amin. Hindi lang talaga namin ginagawang big deal ni Reiz.
"Do you like her, Ash?"
Do I like Blaire?
"I don't know. I'm not yet sure. Basta, hinahangaan ko siya. She's so cool."
"Well, I agree."
"Blaire is cool. So cool that I think I like the feeling of being with her." Mismo. Iyong feeling nakaka-intimidate ang awra niya tapos pag naumpisahan mo na siyang kausapin parang nakakagaan na nakakakaba.
"Nga pala, Reiz, dadalo ka Senior's Night, 'di ba? Sino nilagay mong partner? Si Hanieza ba?" tanong ko, pasadya kong pang sinama ang huling tanong, animo ay inaasar siya.
Tumango naman siya saka muling binalingan ang wrist watch niya at binaling muli sa akin ang tingin.
"Oo at hindi si Hanieza ang partner ko."
"Kung hindi siya, edi sino?"
Si Blaire. Tinanong ko siya no'ng intrams pa. Sige kailangan ko nang maunang umalis, Ash."
Nagmamadali itong sumakay sa kaniyang motor. Habang ako ay naiwang nakanganga. Magkahalong gulat, inis at tawa ang nararamdaman nang banggitin niya ang pangalan ni Blaire.
What the actual f**k?!
"Blaire is also my partner." Unlike him, I never asked Blaire to be my partner. Ni hindi pa nga siguro alam ni Blaire na siya partner ko sa Senior's Night. Basta sinulat ko na lang ang pangalan namin. May maisulat lang talaga roon at masigurong may partner ako sa event.
"s**t. We are all dead to Blaire," I said and chuckled.