—MIKE'S POV—
"These tastes good," he said as he tasted the drugs I brought here.
"It is a high quality, Mr. Miller."
"Oh I see, I'm pretty sure my babies will like this."
My eyes rerouted on his bodyguards who compares to mine, were just useless stupids.
"20 million for this," sabi niya sabay turo sa attache case.
"We agreed that 30 million per one attache case full of cocaine, Mr. Miller," matigas kong sabi.
"Can't I have a discount? I will order 50M next—"
"The deal is a deal, Mr. Miller. If you can't pay it then let's just end this transaction. You see, my time is more precious than your life. Take it or leave it."
"Okay okay, you're too serious, Mr. Ilthrov. Well, I guess that's the effect of being a business man?" aniya.
"No more chi-chat, Mr. Miller. Give me the money and I'll give you the drugs." He's consuming my time.
"You sure no discount giv—fine."
Hindi niya na tinuloy ang sasabihin nang mapansin ang matalim kong titig sa kaniya. Pinakuha niya sa isang bodyguard niya ang may kalakihan na itim na bag at nilapag sa lamesa sa harap namin. Binuksan niya ito at nakita namin pareho ang tambak-tambak na pera.
"I'm looking forward for our next transaction, Mr. Ilthrov."
"Okay. Hoping that would happen again."
Umasa ka na lang. Kuripot siyang tao at ayokong dumating sa oras na magkabulilyaso lahat sa pagiging kuripot niya. He gave me a fake smile as well as I gave him what he deserves, a fake smile also.
I took his hand for a shake hand and seconds passed, we bid our goodbyes. Sila ang unang umalis kasama ang lahat ng tauhan niya. Naramdaman ko namang nag-vibrate yung phone ko sa jacket na suot ko. Sinagot ko 'yong tawag at natiligan ako nang marinig ang sinabi ni Bebang.
"Mike si Amethyst nasa ospital. Tinawagan ko na rin si Aldren pero hindi siya makakauwi galing Macao. Nandito na rin naman si Gold."
"Okay, send me the address. I'll be there for a minutes." I hang up the call and rush going to the hospital.
—REIZ'S POV—
Pagkatapos ng klase ay mabilis akong nag-ayos. Naka-usap ko naman si Baby Amethyst, alam kong hindi naman ganoon ka seryoso ang sakit niya, gusto ko pa rin siyang madalaw.
"Bakit nagmamadali ka, Reiz?"
"May pupuntahan lang, Ash."
"O-okay. Sige, ingat."
Malapit na sana ako sa parking lot nang may humarang sa akin. Kung kailan nagmamadali, doon talaga siya sumusulpot. Tsk!
Hanieza...
"Can we talk, Love?"
"P'wede ba Hanieza 'wag ngayon."
"Then when? What time? Where? Please, talk to me!"
"Get lost, Hanieza. We have nothing to talk about. Nagmamadali ako kaya umalis ka na sa dinadaanan ko," saad ko saka iniwasan siya.
"Bakit? Pupuntahan mo 'yong Ilthrov na 'yon?" Tinignan ko lang siya ng blanko. Ayoko ng tumagal ang pag-uusap namin baka ano pa masabi ko sa kaniya. Pati si Blaire, dinadamay niya na.
"You know what, Reiz, you look so desperate to have her. Why? Halata naman na hindi ka niya gusto pero bakit ka pa rin dumidikit?"
What the actual f**k?
"Seriously, Hanieza? Sa 'yo pa talaga nanggaling ang desperate na word? Sa ating dalawa mas bagay sa 'yo ang salitang 'yan."
Natigilan siya sa sinabi ko kaya kinuha ko 'yong pagkakataon para makalampas sa kaniya. Nagiging bata isip na naman siya. Matagal na kaming tapos, ano ba ang mahirap intindihin doon? At saka siya 'yong nagbigay ng rason para masira ang kung anong meron kami.
"Babalik din tayo sa dati, love." Huling mga salita na narinig ko sa kaniya matapos akong umalis sa lugar na 'yon.
Bumili ako ng ilang prutas para kay Amethyst at dumeritso sa hospital gamit ang motor ko. Doctor's Hospital, ang pangalan ng hospital. It's a private though. Pumasok na ako at tinanong ang isang nurse sa nurse station kung anong kwarto si Amethyst.
"What surname po?"
Shit! I don't know what's baby Amethyst's surname.
"Ilthrov?"
"I'm asking you sir, don't ask me back."
Siguro naman Ilthrov rin 'yong Surname ni Amethyst. Magpinsan lang din naman sila.
"Amethyst Ilthrov," wika ko. Binigyan niya muna ako ng isang nagtatakang tingin bago ulit magsalita.
"Room 327, sir."
"Thank you."
"You're welcome, Sir."
Agad na akong pumunta sa room na 'yon. Only to find out na nasa 3rd floor kaya naisipan ko na lang mag elevator para mas mapadali. Habang hawak ang binili kong prutas; oranges at apples, bumukas ang elevator kaya pumasok na ako. The door was about to close when a man in middle age enter the elevator, with his 3 body guards. Sandali pa niya akong pinasadahan ng tingin bago senyasan ang kasama na pindutin papuntang 3rd floor.
From his posture, I think he's a business man. He looks so sophisticated and respected person. Also, his aura shows that he's a dangerous person. Binalewala ko na ang lahat ng nasa isip ko nang may tumunog, hudyat na nasa 3rd na kami.
Dahil nga nasa likuran ko nila ay ako ang huling lumabas. Palabas na sana ako nang mapunit ang plastic na bitbit ko. Nahagip pa ng paningin ko si Blaire na nasa hallway. Dali-dali kong pinulot ang mga nahulog na orange saka tuluyang lumabas sa elevator.
'Nasaan na sila?'
Teka, si Blaire naman 'yong nakita kanina, nasaan na rin 'yon?
Ang bilis naman nilang maglakad ah. Hindi sa pakialamero ako pero parang may something sa lalaking 'yon. Ipinagsawalang bahala ko na lang ulit ang lalaking nakita at nagsimulang hanapin ang Room 327.
May kahabaan ang hallway at maraming kwarto rin.
"318, 319,320, 321, 323, 324—"
Napabuntong hininga ako nang mapagtantong nasa kabaling side pa ang Room 327 dahil ang 324 and pinakahuling dulo sa kaliwang side.
Mabilis kong nilingon ang sa kanang bahagi at 'yon nga! Nakita ko sa wakas.
"Room 327!"
Sa wakas, nahanap rin.
Bago pa makalapit ay isang marahas na paghablot sa akin ang naramdaman ko. Dinala niya ako malapit sa tagong pader. Handa na akong manglaban pero agad na mapatigil nang mapagtanto kung sino 'to.
"Binibining Ilthrov..."
Isang matalim at seryosong titig ang agad na binigay niya sa 'kin. Tila binabasa niya pa muna ang nasa isip ko bago ko maramdaman ang pagluwag ng hawak niya sa 'kin.
"Bakit ka nandito?" seryoso niyang tanong habang nakatingin sa pinanggalingan namin.
Lilingon na rin sana ako ng hawakan niya ulit ang polo ko para bahagyang masakal ako. Hindi naman ito kasing higpit ng kanina pero tama lang na mapatigil ako at mapatitig sa mga mata niya.
When our eyes met and when our gaze interlocked, magic started to appear. Unti-unting bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatitig sa mga mata niya. Parang tambol na sa lakas ng pagtibok nito. Bumibilis lalo nang bumibilis na parang may karera ng kabayo sa loob ng puso ko.
's**t!'
Beautiful.
Her eyes is so beautiful.
Her dark brown eyes. Hypnotic. Tantalizing. Breathe taking
"Bakit ka nandito?"
I blinked many times as I heard her voice. I felt like I came back to life after hearing her voice again. The heck, what was just happened? I felt awkward when I realized our position.
So close.
Especially our faces, it's too close that I could feel her breath—I could even hear and smell her breathing.
"A-ahmm p'wedeng l-lumayo ka nang k-konti?" utal kong saad na agad niyang ginawa.
"Gusto ko lang naman sana dumalaw kay Baby Ame-"
"Hindi mo naman kailangan gawin 'yan. Isa pa, sana nagsabi ka, 'wag kang biglang-biglang pumunta rito—eojejeiwowofdndnaj"
Hindi ko na narinig pa ang huling sinabi niya dahil sa sinadya niya itong ibulong. Pansin kong parang nabalisa siyang nakatingin sa likuran ko. Ano ba problema nito?
"Bukas ka na lang dumalaw."
"Bakit?"
Muling nagtagpo ang mga mata namin. Heto na naman. Bakit ang ganda ng mga mata niya sa malapitan? Ngunit parang namang isang patibong, malula ang lalim ng mga ito. Nakakatakot.
"Saka nga pala, sasali ka ba sa Senior's Night? May sagot ka na ba sa tanong ko no'ng nakaraan?"
Gumuhit ang pagtataka sa kaniya. Nakahinga na ako nang maayos nang magkaroon ng sapat na distansya sa pagitan namin.
"Anong tanong?"
Isang mahinang tawa ang ginawa ko, sabi ko nga ba at malilimutan niya.
"Inaaya kita no'ng Intrams, 'di ba. Na maging partner ko sa Senior's Night Party. So?"
"Baka hindi ako makakapunta. Alam mo naman nasa Hospit—"
"If you can't come then I won't come too. Pangalan natin ang nilagay ko roon kaya nakakahiya kung ako lang pupunta."
"Sino ba kasi nagsabi na ilagay mo pangalan ko as partner mo?" Napakamot lang ako sa batok ko. Tama nga naman, sino ba nagsabi?
"Kanina na kasi ang deadline ng mga partners at 'di ako sure kung sasali ka kaya nilagay ko na lang doon para sigurado. Pero kung ayaw mo, ipapaalis ko na lang kay P—"
"Pag-iisipan ko. Pero hindi ako mangangako. Umuwi ka na. I-chat na lang kita kung anong oras p'wede dalawin si Ame," saad niya at inayos ang sarili para umalis na.
"Ayokong umasa ka pero titignan ko kung makakadalo ako." Dagdag niya pa saka tinulak ako paalis, palayo kung saan ang room ni Baby Ame.
Sayang naman pagpunta ko, ni hindi ko nakita ulit si Baby Amethyst. Hays, Binibining Ilthrov.