–BLAIRE'S POV—
"R.V.O.D?" nagtatakang tanong ni Yaya nang banggitin ang apat na letrang nakasulat sa likurang banda ng bracelet na hawak ko.
Nakatitig pa rin ako sa bracelet na hawak. Tila nahihiwagaan at animo ay hinahalungkat ang bawat parte nito, iniiisip ang nakaraang mayroon ako rito.
"Sa 'yo ba iyan, Gold?"
"Y-yes. Galing ito sa una't huling naging kaibigan ni Silver." Bahagya kong tinaas ang bracelet, tila tinititigan lahat ng mga maliit na ukit dito.
"Sino?"
"Venom." You never failed to me feel like you're a mystery. Something in me that urge to know you more. Everything about you. Your past. The real you.
"Ate Gold, maganda na ba ang ayos ko?" nakangiting saad ni Silver.
"Anong maganda riyan, Silver? Halos hindi naman makita 'yong buong katawan mo, pati mukha mo. Para kang muslim. At saka 'wag na lang kaya tayo tumuloy, baka may mangyaring hind—"
"Gold!" Agad akong napatigil sa pagsasalita nang marinig ang boses ng aming ina.
"You know, what my instinct tell me makes sense, Mom. Malalagot tayo kay Dad pag nalaman niya ito," depensa kong sabat.
"You know your sister badly wanted to experience going outside 'di ba? I know you also want it too. I'll talk to your dad when we get back. At kung nag aalala ka, I assure you na walang mangyayaring masama. Trust me, Gold. Nandito naman ako para sa inyo. Hinding-hindi ko kayo mapapabayaan.
Napangiti na lang kaming dalawa ni Silver sa sinabi ni Mom. It's true, we badly want to experience going outside without this feeling of like a prison. Hindi namin 'yon magawa dahil pinagbabawalan kami lalong-lalo na si Silver dahil nga sa masakitin siya at delikado para sa aming dalawa. Maraming kalaban sa paligid na handang sumalakay.
Hindi na ako nag atubili pang makipag bangayan kay Mom dahil nga sa totoo ang sinabi niya, gusto ko ring maramdaman na parang malaya ako kasama silang dalawa. Pagkatapos namin mag-ayos ay pumunta na kami sa park.
"WOWWW!" parang di makapaniwalang wika ni Silver.
"Gold, look oh! Ang daming flowers tapos marami rin mga tao! At saka may mga rides pa. Can we ride that one, mom!" masiglang wika niya at tinuro-turo pa ang ferris wheel at ibang rides na nandito. Hindi naman napigilang mapangiti ni Mommy. Looks like her plans is kind of success.
"Yes naman baby, we'll gonna ride all of it!"
"YIIEEEEYYY!" masiglang saad ulit ng aking kakambal.
MAGTATANGHALI na rin nang matapos naming libutin ang park at sakyan ang lahat ng rides. The 3 of us really did enjoy the time we spent with each other. Ngunit may isang bagay na hindi ko talaga maiwasang mangamba, siguro sa mga posibleng mangyari sa amin pag tumagal kami sa labas.
"Mommmyyy! I'm hungry na po!"
Natawa naman si Mom sa inasta ni Silver. Si Silver ay nakaupo na ngayon sa damuhan habang hawak-hawak ang tiyan.
I will miss this. Surely. When Dad found this out, for sure I'll get grounded for months.
"Sige, bibili muna ako ng pagkain, babalik agad ako. Gold, bantayan mo muna ang kambal mo, dito lang kayo ah. 'Wag kayong aalis." Paalala ng ni Mommy bago ito siya umalis.
"Sige mom, balik ka agad. You know we're in danger as long as we're not in the mansion."
Sa aming dalawa ni Silver, ako ang mas mature mag-isip. Sa murang edad ay ipinamulat na nila Daddy ang totoong mundo na kinagagalawan namin. At sa aming dalawa rin, ako ang may mas alam sa estado namin sa buhay. Kung ano kami talaga, kung ano ang mga magulang namin at kung sino kami talaga.
"I'll be back. Promise me na rito lang kayo."
"Promise!" sabay naming sambit.
Alam kong malaki ang tiwala ni Mom sa 'kin dahil marunong ako sa mga self defenses. May mga kaalaman na rin akong p'wede kong magamit kung sakali. Bata pa lang ay sinanay na ako ni Dad at Tito Irill para kaya kong protektahan ang sarili at ang kakambal ko sa mga 'di inaasahan na sitwasyon. Sabi pa ni Dad na, kakailangan ko rin ang matinding training para maumpisahan ko nang gawin ang mga mission sa Clan.
Tinignan ko lang ang pigura ni Mom habang naglalakad papalayo para bumili ng pagkain, baka sa store na nasa harap ng park kung saan kami nandito siya bibili. Wala pang halos dalawang minuto nang makaalis si Mommy ay may sumulpot sa harap namin.
"Hi!" rinig kong boses. Nilingon ko ito at bumungad sa akin ang isang batang lalaki. Maaliwalas ang mukha niya dahil siguro sa nakangiti siya.
"Hellooo!" agad na wika naman ni Silver. Tumayo ito at iginaya sa inuupuan naming damuhan.
"What's your name?"
Sino naman 'to? Is he a spy?
"Call me Venom, you are?"
Argh, where's Mom? We need to go home.
"I'm Disley Glaire Silver Ilth—"
"Call me Gold and she's Silver." I cutted off Silver's words.
"Are you twins? How old are you?"
"Yes, we are twins. How did you know, Venom? And we are 12 years old? How about you?"
"I'm 13 years old," nangiting wika niya.
"Halata naman kasi, Gold. Magkamukha tayo, remember?" sarkastikong sabi. Inalis kasi namin ang takip sa mukha ni Silver ngayon dahil naiinitan siya, hindi na ako nakipagtalo dahil baka himatayin ito bigla dahil sa init.
"What else do you want?" mataray na tanong ko kay Venom.
"I just want to make new friends." Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin. Tila hindi alintana ang pagtataray ko.
"Nice! We also want to! You see, we don't have one."
"Why?"
"It's none of your business, you can go now if you want," mataray ko ulit na sambit.
"Gold stop it! Yes, venom we can be friends." Hindi na ako nag-abala pang sumabat dahil alam kong hindi magpapatalo sa akin si Silver.
Ilang minuto rin kaming nakaupo at naghihintay sa aming ina. Wala silang ginawa ni Venom at Silver kung 'di makipagkwentuhan. Habang ako, heto nagmamatyag sa palagid. It's better to be sure, Mom is still not here.
"You like my sister,' no?" biglang rinig kong wika ni Silver.
"Eh? A-ahmm hi-hindi ahh..." nauutal na sabat ni Venom, bakas pa ang pamumula ng kaniyang mukha.
Saglit ko silang nilingon at pinakatitigan ang mukha niya, bigla itong nag-iwas ng tingin, ngayon ay buong mukha niya na ang namumula, pati ang kaniyang dalawang tainga.
"I'm back babies! Opss—who's this? New friend?" sabat na tanong ni Mom. May bitbit siyang dalawang supot ng plastic.
"Yes, mommy! This is Venom!"
"Oh hi, Venom."
"Mommy, mommy you know what, he likes Gold." Saka mahinang bumingingis, tila kinikilig pa.
"Shut up, Silver!"
"Hi po. I'm Renz Venom Oprido Dyrelso—"
Mabilis kong hinigit si Silver papunta sa likod ko at inihanda ang sarili
"WHAT?! YOU ARE A DYRELSO?!" pasigaw na kong sabi.
No way!
Natigilan naman si Mommy. Parang kaming nakakita ng multo dalawa. Habang si Silver ay walang ka alam-alam, nasa likod ko. Hindi niya kailangan malaman at wala siyang dapat malaman.
"Let's go home," ani ko.
"WHAT? YOU'RE BEING KJ AGAIN GOLD! MOMMYY OHH SI GOLD!"
Tinignan naman naming tatlo si Mommy. Naghihintay sa sasabihin nito.
"We have to go, Silver. Don't be stubborn."
"If you want to go, just go home. You're kj talaga!"
I looked at Mom, hoping she'll agree with me but I was wrong.
"We're staying." Akmang tututol na ako nang magsalita ulit siya.
"No buts, Gold, tulad mo ay bata rin siya. He doesn't have any idea of what's happening. I'm here, don't worry!"
Agad kong inirapan si Venom nang mahuli ko itong nakatingin sa akin, ang mas malala ay nakangiti pa rin ito.
'Kung p'wede lang masapak 'to. Kanina pa siya natumba.'
Pagkatapos naming kumain kasama si Venom ay muli kaming namasyal sa park. Nawala sa isip naming apat ang oras. Mag aalas-syete na nga maisipan nilang umuwi.
"Ah-hmm G-gold.. I w-want to give you this... It's a s-special bracelet from someone special to me. For y-you."
Isang maliit na box, pagkabukas ko ay nakita ko ang isang kulay abong bracelet. Medyo maluwag sa hindi katamtaman laki ng wrist ko. May tatlo itong hugis puso, it's more like a pendant. A heart shape pendant. Na may isang dragon ang naka-ukit sa harapan nito tapos may R.V.OD nakasulat sa likurang bahagi.
Why is he giving me this?
"R.V.O.D stands for my fullname." Naguguluhan man ay kinuha ko na lang.
"Sabi ko na eh! You like my twin sister! Yiee! Haha don't worry, Venom I vote for you, 'di ba mom?" Napako ang tingin namin sa kay Mommy na ngayon ay nakangiti ng pagkalawak-lawak.
"Nagdadalaga na talaga ang mga anak ko!" Umakto pa itong nammunas ng kaniyang luha.
"MOM!" Padabog akong umalis papunta sa kinaroroonan ng aming sasakyan.
"I'm still young. I don't like the feeling of being old, like duh! Kainis naman kasing Venom 'yon. Sarap sapakin!"
Dagdag pa si Silver. Ang bata-bata pa eh. Kung kaibigan nga lang, parang ayaw na ni Dad 'yan pa kayang pinagsasabi ni Silver.
"GOLD!" rinig na rinig ko ang pagtawag ng kakambal ko ngunit hindi ako lumingon. Ayaw kong tinutukso ako kay Venom. Ayaw ko lang talagang ganoon.
Kung kaibigan niya si Venom, edi kaibigan niya, 'wag nila akong idamay. Tsk!
*BAANNNGG!*
Natigil ako sa paglakad. Ilang segundo pa bago ako mapalingon sa gawi nila Mom nang marinig ang isang putok ng baril. Tila huminto ang aking mundo nang tumambad sa paningin ko ang ngayon ay nakahandusay na katawan ng aking ina.
Kahit dumidilim na ang paligid ay bakas ang nagsikalat na dugo sa sahig. Hindi pa ako nakakalayo sa kanila kaya tanaw na tanaw ko kung paano dumami ang dugo na nagkalat sa sahig.
Hindi ako makagalaw dahil sa gulat at takot. Parang natutop lang ang katawan ko rito. Tila sinadyang ipako at matigalgal ako sa nakikita. Lots of blood and it is all came from Mom.
"Mom..."
Nahagip nang paningin kong umiiyak na ngayon ang dalawa—sina Silver at Venom. Dumarami na rin ang mga taong lumalapit sa kanila.
"MOMMYYY!!! HUHUHU GUMISING KAA POOO.... GOLD, ANONG NANGYAYARI KAY MOMMY! BAKIT MAY DUGO? HUHU MOMMYYYY BANGON KANA PO!"
Naramdaman kong nag-umpisa nang maglakad ang mga paa ko—tinatakbo ang distansyang kinaroroonan nila Silver. Bago pa rumehistro sa utak ko ang ginagawa, hinayaan ko munang kusang gumalaw ang mga paa ko patakbong nilapitan sila Mom.
"Act as me, Silver. No matter what ACT. AS. ME. I'LL BE BACK!"
Parang wala ako sa sarili, hindi kayang iproseso ng utak ko ang nangyayari. Lakad, takbo ang ginawa ko para sundan ang taong nakita ko sa 'di kalayuan na may hawak na baril. Sigurado akong baril ang hawak nito. I already saw many of it. At ito ang maaring bumaril sa aming ina.
"I'm sorry if I failed on protecting you, Mom." Mas binilisan ko pa lalo ang pagtakbo.
"I'm sorry but I have to do this. I have to kill. For your justice, Mom."
Hindi pa ako nakakalayo ay nahagip ng mga mata ko ang paparating na ambulance. Sana hindi huli para kay Mom.
"Hold on, Mom. Please hold on," I murmured to myself, and run as fast as I can.