—GOLD'S POV—
Shoot! I'm right.
Tsk, that Hanieza girl. She's so immature.
Well, Hanieza is indeed a beautiful lady and Nerd is ahmmm... yeah, well he's a nerd.
"Are you serious?!" Ash exclaimed.
Nerd is kind and smart but knowing that Hanieza, I doubt it. Siya 'yong tipo na makikisabayan sa mga ka-uri niya lang. Maganda at halatang may kaya ang pamilya, nakakapagtaka paanong naging sila. Is love really that blind?
"That was before. I don't want to talk about it, Ash."
It's shocking to know what relation they had before. Kahit sino sigurong tanungin ay hindi maniniwala na pumatol siya sa isang nerd. It's too blur to think. But then, I'm quite curious if why did they broke up. What happened? It seems like Hanieza haven't moved on yet. Yet I'm pretty sure it wasn't Nerd's fault. He's something who can't even cheat.
And why do I even care? Argh! Never mind.
Nang matapos ang time namin sa accounting ay ginugol lang namin ang buong araw sa kung ano-ano. Second to the last subject na namin nang dumating ang isang subject teacher namin at nagklase. Wala kaming nagawa at nakinig na lang. Habang nasa klase, kapagkuwan ay nakaramdam ako nang masamang kutob. Parang may kung anong nangyari na hindi ko maipaliwanag. Hindi ako mapakali kaya kinuha ko ang phone ko sa bag ko, tamang-tama naman at tapos na ang klase. Kinalkal ko ang bag ko para hanapin ang phone ko.
"Sasama ka ba sa cafeteria, Blaire? Bilhan ka na lang namin?" rinig kong sabi ni Ash. May 15 minutes break pa kami bago magklase ulit.
Hindi ko sila pinansin hanggang sa makita ko na rin sa wakas ang phone ko. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang 15 missed calls at lahat ng 'yon ay galing kay Yaya Bebang, Gosh! Mabilis kong denial ang numero ni yaya. Ilang ring bago pa niya ito sagutin.
"Yaya? Bakit ka napatawag?" bungad kong tanong.
"Nandito ako sa ospital... Si Amethyst..."
"Saang Hospital, Ya? Anong nangyari kay Ame?"
Kabado man ay mabilis akong tumayo para umalis. Isang subject na lang din naman ang natitira, saka bukas na ang gate mga ganitong oras. Hindi pa ako nakakalayo ay may pumigil sa braso ko. Marahang hinablot ang kaliwang braso na nakapagpatigil sa akin sa pag alis. It was Nerd.
"What happened to baby Amethyst?" His voice filled with concern and curiosity, as his eyes look at me with wary expression.
"I don't know. Let go."
Hindi niya ako sinunod. Tinignan ko siya nang masama pero parang wala lang. Hindi niya inalintana ang tingin kong halos butasin na siya.
"What happened—"
"I said, let go of my hand." I warned him. "I have to go to the hospital. Just tell our subject teacher that I have emergency to do."
"What hospital? What happened? Binibining Ilthrov, I won't let go of your hand if you won't—" Marahas at mabilis kong kinuha ang braso ko sa pagkakahawak niya, hindi na hinintay pang sumagot siya saka mabilis na kumaripas ng takbo.
I hurriedly went to the hospital that Yaya Bebang texted me. Ame is part of our family and I treated her like how I treated Silver, like a sister. Hindi ko mapapatawad sarili ko kung may nangyari sa kaniyang masama at dahil 'yon sa akin. Isa pa, Tito Aldren wouldn't like if he knew that Ame was rushed in the hospital. Sa amin pa naman binili iyon. Abot-abot ang kaba ko habang tinatahak ang daan pa hospital. Hindi naman nabanggit ni Yaya kung sa anong dahil bakit isinugod si Ame sa hospital. Kung ano man iyon, kailangan ko makarating doon agad.
—REIZ'S POV—
Pagkaalis ni Blaire ay hindi ako mapalagay. Narinig ko ang usapan nilang dalawa ni Yaya Bebang. Ano kaya ang nangyari kay baby Amethyst? Bakit nasa ospital siya? Kamusta siya?
"By the way, who is baby Amethyst?" rinig kong tanong ni Ash.
Natigilan ako sa tanong ni Ash. Saglit pang lumingon sa kaniya at saka agad na umiwas ng tingin. Binalik ko ulit ang atensyon sa kawalan at nag isip ng mga posibleng nangyari kung bakit nasa hospital si Baby Amethyst?
"Anak mo ba 'yon? Teka, anak ba ni Blaire? Ayts nalilito ako sa inyo. Tinatawag mo siyang baby tapos si Blaire umalis para puntahan siya—teka?!"
Baka nagkasakit siya, ewan kinakabahan ako para kay baby Amethyst. Baka nahulog sa hagdan? Baka na-aksidente? Ayts! Ano ba 'to! Para tuloy akong nag-mi-mind guessing sa nangyari kay Baby Ame—
"HOY, REIZ!"
Nandito kami ngayon sa cafeteria inuubos ang minutes break namin bago mag last subject. Inumpisahan na ni Ash ang libre niya sa akin—lunch at kahit sa snacks ay libre rin. Sa totoo lang malaking tulong ito sa akin. Mas makakapag-ipon ako at mabibigyan ng allowance ang gamot ko.
"DON'T TELL ME, MAY ANAK KA, REIZ!"
Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Ash. Kalalaking taoa peroa bakit ang daldal nito? Kung hindi ko 'to tinuturing na kaibigan baka sabihin kong napakachismoso itong si Ash. Nagpumiglas pa siya sa pagtatakip ko sa kaniyang bibig, sandali rin ay binitawan ko na.
"Ano nga?!"
"Can you just shut your mouth, Ash?! You're acting like chismoso—"
"Nagtatanong lang naman eh. Parang timang ka riyan kung mag isip. Pati ako tuloy na-cu-curious. Tapos ayaw mo pang sagutin tanong ko."
"Still the same with chismoso. Tatanong nang tatanong, tsk!"
"I'm not chismoso, Riez! Nagtatanong lang naman, makachismoso ka naman. Nako, may baby ka lang eh kaya ka naggaganyan. Pero sinong ina? Si Hanieza ba?.... Hmmm?"
Blankong mukha ko siyang tinignan. Hindi nga siya chismoso, note the sarcasm.
"Amethyst is Blaire's cousin. So shut your mouth, habang lumilipas ay dumudumi eh." Napakamot lang siya sa kaniyang batok.
"Weh? Then... Why are you calling her baby?"
Bakit nga ba? I just feel to call her. She's still a baby.
"It's a long story, A—"
"Then make it short!"
"Akala ko ba hindi ka chismoso?"
Bakit napakadaldal ni Ash? Babae ba 'to sa past life niya?
"We have to go baka ma-late tayo."
Hindi na siya umangal pa dahil nakita niya na rin ang oras sa relo nito. Bumalik kami sa room at hindi nag tagal ay nag umpisa ulit ang klase. Siguro dadalaw na lang ako pagka-uwian.
'I miss baby Amethyst.'
—BLAIRE'S POV—
"Ayan kasi, kung ano-ano na lang kinakain mo, Ame." Sumandal ako sa couch na nandito sa loob ng kwarto ni Amethyst, dito sa hospital.
Nandito siya ngayon dahil namilipit raw siya sa sakit ng kaniyang tiyan. Ang sabi ng doctor ay nabigla ang kaniyang tiyan sa mga kinakain nito. Ang takaw-takaw kasi, tsk.
"Hayaan mo na, Gold. Bata 'yan, natural lang na kumain siya."
"Yeah, pero 'yong walang kabusugan? Ipatingin na rin kaya natin tiyan niyan baka madami ng alagang bulate 'yan eh."
"What's bulate, Mommy?"
Nagkatinginan kami ni yaya na nasa tabi niya lang at nakaupo sa silya.
"A small snake."
"What?! There's a snake in my tummy?" Her eyes grew bigger and her right hand immediately landed on her tummy while her left hand covered her open mouth.
"Yes and if you eat a lot of snacks they will grow bigger."
"Gold!... Wag kang makinig kay Mommy mo, Amethyst jiha.."
"And when they grow, they will eat your tummy and they explode—"
"Hoy, Gold! Tama na 'yan. Tinatakot mo ang bata." Saway ni Yaya nang mapansin na parang nababahala si Ame.
Napangisi naman ako. Ganito pala feeling nang mang-asar ng bata hihi. Felt contented ika nga.
"And you know what's scary, Ame." Kita kong konti na lang ay maiiyak na si Ame. "That small snake will go out to your," I pointed my nose, "Diyan siya lalabas, then here," I again pointed my index finger in my ear. Hindi ko natuloy pa ang sunod sana na gagawin nang mapuno ng mumunting atungal ni Ame ang kwarto.
Humagalpak lang ako sa tawa.
Agad na pinatahan ni yaya si Ame at ako naman ay tumatawa pa rin nang tumatawa. Nadedemonyo tuloy ako, bakit kasi kung ano-ano kinakain niya, 'yan tuloy sumakit tiyan niya. Kinabahan pa ako dahil diyan. Akala ko kung ano na nangyari.
"Tahan na, Ame. Nagbibiro lang si Mommy mo."
"Huhuhu, hindi na lang po ako kakain, ya." Nagpunas siya ng luha habang patuloy pa rin ang paghikbi.
Napagpasyahan ko namang buksan ang cellphone ko at mag online. Bumungad sa akin ang chat ni Nerd, nagtatanong kung anong nangyari kay Ame at saang hospital siya ina-admit.
Bakit ba nag-aalala siya kay Ame? Isang beses lang naman sila nagkita ah—dalawa pala, noong bumalik kami sa bookstore.
"Hindi naman sa ganoon, kailangan mo pa rin kumain, Amethyst. Ang sinasabi ni Mommy mo ay bawas-bawasan mo lang ang pagiging matakaw mo," rinig kong pagka-usap ni yaya kay Ame. "Masama rin sa kasulugan ang kumakain ka ng mga chichirya, pati na rin iyong mga hindi nutritious na pagkain."
I stare at the screen of my cellphone. Sasabihin ko ba o hindi? Nerd is not part of our family, what's the point of going here. It wasn't long when I felt my fingers starts to type.
'She's fine, we're here—" I didn't bothered to finish it and deleted the text and then retype again.
'Why are you worrying—' No, that's rude. I deleted and retype again
Pabalik-balik lang ako sa pag type at delete. Ano bang ginagawa ko? Myghad!
"Okay po, but if I lessen eating, small snakes won't grow, yaya?"
I could still hear their voice.
"Yes, you have to eat nutritious foods too. We'll lessen eating junk foods. Small snakes will not grow in that way."
Sandali akong natulala sa screen ng cellphone ko nang biglang mag popped out ang pangalan ni Nerd sa messenger ko.
'Reiz is calling..'
Parang may sariling isip ang mga daliri ko at pinindot ang answer. His face quickly be seen on my screen, though it's quite blurred.
"Where's baby Amethyst? How is she? Nasaang hospital kayo ngayon?"
"Is that Kuya Reiz, Mommy?" Napalingon ako kay Ame, na nakatingin rin sa akin.
Tumango ako at tumayo, nagtungo sa hospital bed na kinahihigaan niya. Inabot ko sa kaniya ang cellphone ko. Sinundan ko lang ng tingin si Ame nang kumaway siya sa harap ng cellphone ko.
They are both weird. Parang ang tagal na nilang magkakilala eh dalawang beses pa lang naman sila nagkikita.
Kapagkuwan ay napako ang atensyon ko kay Yaya, na animo ay sinisenyasan akong lumabas.
"Sa labas."
Iniwan namin pareho si Ame sa loob habang kausap niya si Nerd.
"Ano 'yon, ya?" Saglit pa niyang kinapa ang bulsa ng suot niyang damit pang-maid at hinarap ako.
"N'ong naglinis kami sa kwarto ni Silver nakita 'to ni Amethyst sa ilalim ng drawer niya," Iniabot niya sa akin ang isang maliit na square box. "Baka kay Silver 'yan na naitago niya, bago siya mawala. Naisip ko na sa 'yo ibigay imbes na kay Mike."
Dahan-dahan ko itong binuksan. Bumungad sa akin ang isang napakapamilyar na bracelet. Naalala ko 'to. Nanggaling ito sa isang taojg tinuring na kaibigan ni Silver. Sa taong alam kong may kinalaman sa pagkamatay ni Mom. Tinago pa pala 'to ni Silver, pero bakit?
Nang masilayan kong muli ang bracelet, agad na napakuyom ang kamao ko. Biglang nag init ang ulo ko, na halos lahat dugo ko ay unti-unti nang kumulo at umaakyat sa ulo ko. Hindi lang dahil sa galit, kung 'di sa pagsisisi.
Simple lang ang bracelet. Kulay abo, may tatlong hugis puso sa gitna na parang pendant. Sa harapang bahagi ay may isang dragon at may maliit na mga letra sa likod ng pendant.
Naalala na naman kita.
Bakit?
Akin 'to.
Binigay niya noong araw na mawala si Mom.
Bakit tinago ni Silver, ang alam ko ay tinapon ko na 'to pagkatapos ilibing si Mom.
After years, there is still onr question that really bothered me. That is, why giving me their almost symbols? It is very important especially to know what Clan you belong. It is something like their mark.
"R.V.O.D." Iyan ang letrang nakakurba sa likod ng pendant.