—GOLD'S POV—
It's now friday. Our Intramurals. Wala sana akong planong pumasok dahil wala naman klase at kailangan ko pang gawin ang pinag-uutos ni Dad sa akin, 'yon ang hanapin si Venom. Ilang araw na rin ang lumipas nang sabihin ni Dad 'yong tungkol doon, siguro nga at napaka-busy ko kaya nawala sa isip ko 'yon. Nagpatulong naman na ako sa kay Rio, sana nga lang tutulungan niya talaga ako. May inaautupag pa kasi hanggang ngayon iyon.
So, balik sa instramurals, wala talaga sana akong balak bumalik dito pero required ang attendance namin. Damn their policy, really! Halos isang linggo na rin ang lumipas pagkatapos nang performance ng poem at sa loob ng one week ay naka-close ko sila.
Close? Wtf? We're not close, it's just, I don't know how to properly explain. Gosh, whatever reasons or explanation, I am breaking my rules already—rule not to get close with new people and letting them be good to you and vice versa. Siguradong pagsisisihan ko ang pagsama-sama ko sa kanila o kahit kanino man. Pero bahala na. To be honest, nagugustuhan ko rin minsan ang accompany nilang dalawa.
"WOW BLAIIREE!" Natatawa silang pumunta sa kinaroroonan ko.
"You came, binibining Iltrov!"
Sa loob ng one week ay hindi niya pa rin ako tinatantanan sa endearment na 'yan. Letse sarap patayin eh. Nakakairita pa rin.
"So, where are we going now?"
"May program daw sa gym. Punta muna siguro tayo roon," sagot ni Ash.
Pareho kaming naka p.e tatlo. Si Ash may laro raw mamayang 3pm sa basketball. Hamakin mo rin naman na ang isang mokong ay magaling magbasketball.
"Bili muna ako ng drinks, bilinan mo na lang ako ng upuan," saad ni Nerd.
Kami naman ni Ash pumunta na sa gym. Pagdating ay medyo marami-rami na rin ang mga estudyante sa loob. Nakahanap kami ng pwesto hindi kalayuan sa pintuan ng gym. You know in case of emergency, makalabas agad kami.
"Manonood ka naman mamaya ng laro ko 'di ba, Blaire?" kapagkuwan ay tanong ni Ash.
"Bakit?"
"Well, I just want to know.
"I'm busy later, I don't know if I go and wat—"
"Please watch, Blaire. Hope to see you there later hehe!"
"Eh?"
"Please... I'll do your 3 wishes just watch it... for me."
Natawa ako sa inaakto niya. Okay ang OA ah. Wala naman sa akin ang bola. Bakit parang hindi siya makakalaro kung wala ako?
"Okay, fine. I'll try to be there later. Don't worry."
"Promise 'yan?"
"Oo."
Hindi naman nagtagal at nagsimula na rin ang program. Wala namang kahit anong importante sa program. They just welcome the players and the visitors. And then blaah blaahh blahh.
"Guys, CR muna ako," paalam ko sa kanila, nasa cafeteria kasi kami at kumakain ng lunch.
"Okay ka lang ba?"
"Oo naman, CR lang naman ako pupunta?" sagot ko.
These past few days Ash became sweet. I hate it pero hindi na lang ako umaalma, tulad ni Nerd hindi ko na rin pinapansin 'yong pagtawag niya sa 'kin ng Binibining Ilthrov. Ayokong bigyan ng malisya ang inaasta nila. Since I'm getting used with their accompany, then I see nothing wrong with their actions towards me.
Malayo-layo pa ako sa CR ay rinig ko ang sigawan sa loob. Hindi ko na lang pinansin 'yon at nagpatuloy sa paglalakad. Malapit na ako sa pintuan ng CR nang marinig ko ang malakas na pagbagsak ng isang bagay.
"AMIN NA SABI!"
Hindi naman sa chismosa ako pero talagang naiihi na ako. Pagkabukas ko ng pinto tumambad sa 'kin ang tatlong babae na hawak-hawak sa buhok ang isa pang babae. She's a freshman. Base on her badge. May kaniya–kaniyang badge ang bawat grade levels. For freshman is color green. Hindi ko naman naaninag nang maayos ang kawawang babae. Halos magisi ang uniform niya sa pagkakahawak sa kaniya.
Nagderetso ako sa isang cubicle, bahala na sila magpatayan. Iihi ako at walang makakapigil sa 'kin. Nang matapos ay agad akong lumabas sa cubicle. Akala ko ay umalis na sila dahil tumahimik ang paligid. Pero nagkamali ako.
"ANONG GINAGAWA MO RITO?!"
I blankly stare them. Seriously? What kind of question was that?
"ANO NGANG GINAGAWA MO RITO?!" ulit niyang tanong, taas noo pang tumingin sa akin.
Mas matangkad ako sa kaniya kaya bahagya akong yumuko para magtagpo mata namin. I guess siya 'yong leader nila, she act as one.
"Baka nakakalimutan mo kung nasaan tayo?" malamig kong tanong.
"GET HER GIRLS!" utos niya sa mga alipores na kasama.
Akmang hahawakan na sana ako ng isa niyang alipores nang marinig ko ang boses ng kawawang babae.
"Ano ba, Chesza! Walang ginagawa sa iyo 'yong tao. 'Wag ka na mangdamay!" the poor little girl said.
Now I can clearly see her face. A very familiar innocent face.
Small world.
O sadyang pinaliit na naman niya ang mundo ko. Tsk! Dad will always be Dad.
"Let's go, Ritch."
Kinuha ko si Ritch sa kamay ng tatlong bruha sa harapan ko. Pinigilan pa ako ng leader nila kuno.
"Hindi mo ba kilala ang nasa harap mo? Ang bastos mo naman, kinakausap pa nga namin itong si Ritch kukunin mo naman." Ambobo naman, ako 'yong kinakausap niya kani-kanina lang tapos si Ritch daw kausap.
"By the way I'm Chesza, the leader of Pink 3."
Teka?
Wait—What?
Pink 3?
"BWHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Hindi ko na napigila pang mapatawa. HAHAHAHAHA SERIOUSLY? PINK 3? OKAY LAUGH TRIP HAHAHAHAHA!
Teka ang lakas ng topak ng isang 'to, sino makaasta mas matanda naman ako sa kaniya. Mas bagay 'yong salitang bastos sa kaniya.
"WHY ARE YOU LAUGHING, b***h?!"
Agad kong binalibag ang kamay ng isa sa kanila nang maglakas loob na sampalin sana ako. Mabilis pa sa alas-kwatro kong hinablot at pinaikot ito.
"ARGHHHHHHH, BITAWAAN MO KO... ARAAYY ANG SAKIT!"
"Bibitawan niyo si Ritch o babaliin ko ang kamay nitong kasama niyo?" Bumakas ang takot at sakit sa mukha nila, hawak ko pa rin ang kamay niya.
Walang nagawa si Chesza kung 'di bitawan si Ritch. Halos masubsub si Ritch nang itulak ito ng bruha. Agad ko naman binitawan ang kamay ng kung sino man siya. Baka mabali ko pa.
"First of all, bastos ako sa taong mas bastos sa akin. Based on your badge, you're only a grade 10 and just to inform you I'm ahead of 2 years from you. Second don't you dare call me bitch." I looked at them and smirked. "'Cause I am more than that." I winked and drag Ritch out from that comfort room.
Kinaladkad ko siya papunta sa malapit na garden. Sinicure ko muna ang paligid bago siya tanungin.
"Ritch Erethyl Castro."
She's the daughter of Irill Castro. I didn't expect that we're in same school. Akala ko ba, home schooling siya.
Why are you here? Kahit itanong ko ito sa kanya alam kong hindi pa rin niya ito sasabihin. Her loyalty belongs to someone who's higher than me.
"Ate Gold..."
Hindi kami ganoon ka close ni Ritch pero tinuring ko na rin siyang nakababatang kapatid. Palagi kaming magkasama sa training ground especially noong mga panahon na nagt-training pa ako.
"What was that, Ritch? Bakit hinahayaan mo lang sila?!" inis kong singhal sa kaniya.
"Mabuti ng gan'on, Ate. Baka magduda pa sila masyado." Magduda saan? Kanino?
"What do you mean?"
"Nagseselos si Chesza sa akin, dahil may binigay raw na kwintas si Topher. Boyfriend ni Chesza ang anak ng Tropesa Clan na si Topher." pagpapaliwanag niya. "Alam mo naman ang sitwasyon ko 'di ba?"
Natahimik ako. Sabagay, hindi kami makakasigurado sa sitwasyon ngayon. Ang ina ni Ritch ay ang matagal nang nawawalang Heiress ng Tropesa Clan. Hindi naman sa nawawala pero mas malapit sa umalis at kumalas sa Clan nila. Walang nakakaalam maliban sa 'ming mga Ilthrov sa katauhan na dinadala ngayon ni Tita Cessy.
"Tsk! Sa susunod huwag mo pa rin silang hayaan na saktan ka. Kung hindi, malalagot ka sa akin."
"Sige, ate Gold. Salamat!"
Lumabas na kami ng garden na parang walang nangyari. Okay na rin 'yon, walang makakaalam sa ugnayan namin. Bumalik ako sa cafeteria at ang tanging nadatnan ay si Ash lang.
"Nasaan si Nerd?"
"Sinundan ka sa CR. Ang tagal mo kasing bumalik. Hayaan mo babalik din 'yon."
I sat and drink my lemon juice.
"Teka Blaire, kailangan ko nang umalis. Hinahanap na ako ng mga kasama ko."
"Sige."
"Pupunta ka ah." Agad niyang sabi saka nagmadaling mag-ayos.
"I-text mo si Nerd na hihintayin ko siya rito at sabay kami pupunta sa laro mo."
Ngumiti naman ito at tumango. Tumayo ako at pumunta sa counter para mag-order ulit. Ginugutom pa ako eh.
"Isang spaghetti at lemon juice nga, Miss."
Siguro nga tama sabi nila Ash na addict na ako sa lemon juice. Everytime kasi mag oorder ako sa cafeteria na 'to hindi mawala wala ang lemon juice. Ang sarap kasi.
"245 po lahat."
Binigay ko sa kaniya ang 500 na bill at hinintay ang sukli. Kinuha ko ang order ko at saka bumalik sa p'westo ko kanina. Pagkalapag na pagkalapag ko ng tray na dala ay agad akong napatingin kay Nerd na ngayon ay seryosong nakaupo sa table namin kanina.
"Sa'n ka galing?" nag-aalala niyang tanong.
"Sa CR tapos bumalik a—"
"Wala ka kanina sa CR."
"Nandoon ako." Kanina.
"Wala ka r'on," tipid niyang sambit.
"So pumunta ka nga talaga—"
"Saan ka galing? Sabi mo mag-Cr ka pero sobrang tagal mong bumalik."
"Teka nga, bakit ganyan ka kung umasta? Tsk! Kainin ko lang ito at saka pupunta na tayo sa gym."
Good thing he didn't uttered any word again. But bad thing, cause his gaze settled on me. This is what I hate when I'm eating. 'Yong may nakatingin sa 'kin habang kumakain. Tinignan ko ng masama si Nerd na ngayon ay suot-suot ang poker face niya. Ang weird din nito eh, bigla-bigla makikitawa sa 'min tapos bigla bigla ring tatahimik. Hindi nagtagal parang naintindihan niya ang nais kong sabihin nang iniwas niya rin sa wakas ang kaniyang tingin.
"Saka nga pala.." Ipinagpatuloy ko lang ang pag-ubos ng pagkain ko ng muli siyang magsalita.
"Do you have plans attending the Senior's night? Can I a-ask if... can... y-you b-be.."
"Can what?"
Medyo wala na ring estudyante ang naririto sa cafeteria. Baka nanonood sa mga kaniya kaniyang sports na gusto nila.
"Can you b-be m-my.. D-date?"