CHAPTER 29

1278 Words
—REIZ'S POV— Parang nagpapatitintero kami ni Blaire rito sa room niya. Pagkatapos ko kasi sabihin na mayroon si Dad ng dragon sa leeg nito ay pahubarin ba naman ako. Lalaki ako pero tae hindi ako sanay maghubad lalo na pag may babae at si Blaire pa. "Just take off your clothes now, Nerd." "The heck, Blaire!" saad ko sa kaniya saka sumiksik sa pader, mukhang na-corner ako. "Hindi ka makakalabas hanggang hindi mo hinubad ya—" "I admit that I like you Blaire, pero..." She stopped and cross her arms in front of me. What's her problem? Does she like me too? But no, this is not right. Hindi tama na maghubad ako dahil lang sa gusto namin ang isa't isa. Babae siya at malaki ang respeto ko sa kaniya. "Gagawin mo o 'di ka makakalabas ng buhay rito sa Mansion?!' "Tangina, malaki respeto ko sa 'yo, Blaire. Kung ano man gusto mo, hindi p'wede. Bata pa tayo. Gusto kong makapagtapos muna tayo, hindi kita minamadali. May plano pa akong magtapos para hindi rin mahirapan ang magiging pamilya ko sa hinaharap. Makakapaghintay ako sa 'yo, Blaire. Hihintayin kita." Seryoso lang ang mukha niya. "Gusto ko munang ikasal tayo bago may mangyari." Ang seryoso niyang mukha ay napalitan nang pagkalito. Hindi ko na nakayanan ang mga tingin niya kaya umiwas ako ng tingin. Ako ang lalaki ba't ako ang nakakaramdam ng pagka-awkward dito. Sandali lang ay nabasag ang katahimikan ng hagalpak na tawa niya. What? "HAHAHHAHAHAHAHA WHAT THE f**k HAHAHAHAHA!" I looked at her unbelievably. "TEKA HAHAHAHAHAAHAH YOU'RE—HAHAHAHAHAHA!" May nakakatawa ba sa pagiging ganito ko? Tama naman ako ah, makakapaghintay ako. Gusto ko siya pero mas matimbang ang respeto ko sa kaniya. "Hindi nakakatuwa, Binibining Ilthrov." So, I'm back to binibining Ilthrov. Nakakapikon kasi, seryoso ako at tatawa siya. "What were you thinking? AHAHAHAHAHA you thought, I'm HAHAHAHA,—wait, wait." Tumigil siya kakatawa saka lumapit sa isang mini ref. Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya. Kumuha siya ng isang baso saka uminom ng tubig. 'Yan, ang bilis ng karma. Pagkatapos ay maingat niyang binalik ito sa ref at lumingon sa akin. Bakas pa rin ang ngisi sa mukha niya. "I never knew you are a green minded." Ako pa? Siya nga 'tong pinapahubad ako. Siya nga 'tong namimilit. "Huwag kasi masyadong assuming, I don't have any desire or lust on you. Gusto ko lang naman makita kung mayroon kang tattoo na dragon rin sa likuran mo," seryoso niyang paliwanag. "Kung ano-ano agad nasa isip mo. Mga lalaki nga naman ngayon." What the? So gusto niya akong maghubad para makita ang likod ko kung may tattoo ba?what the f**k! Akala ko kasi, shet nakakahiya. Tangina ka, Reiz, ano bang pinag-iisip mo? Ayts. "So, can I see your back now?" pagbasag niya sa katahimikan unti-unting bumalot sa amin. Tumango lang ako saka tumalikod sa gawi niya, suot ko pa rin ang tuxedo ko kaya inunti-unti ko lang ang pag-alis ng butones. Tahimik ang paligid. Napagpasyahan kong ipokus na lang atensyon sa butones ng polo. Pagkahubad ko nito'y naramdamn ko agad ang pagdampi ng daliri ni Blaire sa likod ko. May kalamigan pa 'to dahilan para makaramdam ako ng kaba. Hindi maipaliwanag na kaba na umabot sa puso ko. Ramdam ko pa rin ang kamay ni Blaire, unti-unting bumilis ang t***k ng puso ko ganoon rin ang lamig na dulot ng daliri niya. "s**t!" Akmang lilingon na ako nang pigilin ako ni Blaire. "Bakit? Nakita mo ba—" "You are a Dyrelso, Reiz?!" I don't know if it's a question or not but I felt my heart skipped a beat. Not because she said that I am a Dyrelso but because for the first time, I heard my name coming from Blaire's mouth. —BLAIRE'S POV— DALAWANG araw matapos ang Senior's Night heto ako ngayon nagd-drive papuntang airport. Ginamit ko ang isa sa mga kotse ni Dad, can't use my Siyann, reklamador pa naman siya. Susunduin ko si Rio. Uuwi na raw siya, this time totoo na. Pag hindi, ako na mismo susugod sa kaniya sa states para mapadali ko ang buhay niya. Rio is my best friend, the only friend I have except for Silver. We've been best friends for almost 5 years, just months after the death of Mom. Dad actually adopted him. Dad said that he's an orphan and his parents are his very good friend of him. Hindi naman naging maging mahirap na pakisamahan siya, actually n'ong time na dinala siya sa mansion, naging close agad kami. Siguro dahil marami kaming pagkakapareho, lalo na sa ugali at mga gusto sa buhay. I parked the car, when I saw him standing right in the entrance of the airport. Wearing a turtle neck, brown jacket, black jeans and a sunglasses on. "Rio!" I called him, he immediately saw me. Along with his trolly bag he crossed his arms. Bakas sa maamo niyang mukha ang pagod at inis. "Why took you so long, Gold!. I've been here for almost 10 mins already—" "Duh, I'm schooling, you know?" I cutted off his words. Pagkalapit ko ay hinalikan niya pa ako sa noo saka bumalik kami sa sasakyan. Prente siyang sumalampak sa upuan ng sasakyan at akmang magpapaka-komportable nang agawin ko ang pansin niya. "Ikaw mag-drive ha," wika ko saka iniabot ang susi ng kotse. "Wow, Blaire, can't you be considerate? I'm having a jet lag. It took hours to arrived here and you'll gonna tell me drive?" "Excuse me, ikaw magd-drive o 'di ka uuwi sa mansion?" "You serious?" I nodded. Umiling-iling lang ito. He has no choice haha. As expected he drove us home. Besides, 'di niya ako matitiis. Sa lahat, siya 'yong tipong strikto pero ang totoo. Ang totoo niyan, spoiled ako ni Rio sa halos lahat ng bagay. Lahat ng sinasabi ko pinagbibigyan niya ako. Kita mo pati paghahanap ng impormasyon kay Venom ginawa niya. Siya 'yong tinawagan ko noon para tulungan ako pero siguro nga at hindi basta-basta si Venom kaya pati siya hindi makahanap ibang impormasyong p'wede kong magamit." NANDITO KAMI ngayon sa dining table at kumakain. Tatlo lang kami ni Dad at Rio. Magkaharap kami ni Rio habang si Dad naman ay nasa left side namin. Our meal was filled with silence. No one dare to speak. I'm used to it, ever since I was young this were always our set up. Dining table were very silent not unless Mom would open a topic and starts to talk. Patapos na ako nang magsalita si Dad. "So, how's your trip, Rio?" "Boring, Dad." Yes, Dad din ang tawag niya kay Dad, after all he's adopted so he's part of our family. He even used our surname Ilthrov. I slowly sipped the lemon juice, watching them talked. After the Senior's Night, Dad fulfilled what he said to me. Be a father to me. It's kind of weird because I've never felt it but yeah, we're both adjusting. We were trying. "Kailan ba hindi naging boring ang isang bagay sa 'yo?" sabat ko pa. "Nagsalita ang hindi bored sa mga bagay-bagay?" pabalik niyang tanong sa akin. "Well? Kanino pa ba magmamana?" dagdag ko saka nilingon namin pareho ni Rio si Dad at bigla na lang akong natawa. Ang hirap o let say, bihira ko lang makita si Dad na nagkakainteres sa isang bagay. Bagay na minana ko sa kaniya. I saw confusion in Rio's face when Dad laugh with me. He literally stopped eating and his mouth left opened seeing Dad laugh. "We're okay." I genuinely smiled at him. Siguro naninibago rin siya, the old Dad would never laugh with what I said, kung nagalit siya siguro, p'wede pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD