—GOLD'S POV—
Habang nasa daan papauwi naisipan kong huminto sa isang ice cream store. Sigurado akong sasaya si Amethyst pag nabilhan ko siya. Tuwing katapusan kasi naggogrocery si Yaya kaya siguradong wala nang stock ng ice cream sa Ref. Pumasok m ako at bumili ng favorite ice cream niya.
"Isang galloon, Miss."
"What flavor, Ma'am?"
"Cookies n cream."
"499 pesos Ma'am."
"Gawin mong lang dalawa. And can I have extra spoons? Put it in different plastic. Thanks."
"Same flavor, ma'am?"
Tumango ako at nagbayad na sa kaniya. Kinuha ko ang dalawang plastic at lumabas na rin. Inilagay ko sa maliit na lalagyan ng bike ang isang plastic at binitbit ang isa papunta sa dalawang batang babae na sa tingin ko ay pulibi.
"Hi!"
I saw their expressions change, from not so innocent poker face to a scared little girls. Nakatayo lang sila rito sa tapat ng ice cream store at mukhang gustong kumain ng ice creame.
"Ako pala si Ate Gold niyo. May regalo ako sa inyo. Ito oh," sabi ko sabay abot sa kanila ng plastic na may laman ng binili kong ice cream.
Akmang kukunin ng mas maliit na babae ang inabot ko nang pigilan ito ng kasama niya. Mas matangkad sa kaniya, tingin ko ay siya ring matanda sa kanila. Mas malaki rin kasi siya kumpara sa isang bata. Pareho silang babae, kaedaran lang ni Ame. Kapagkuwan ay naalala ko si Silver. Nakikita ko ang sarili namin ni Silver sa kanila. Kung gaano ka protective ang mas matanda sa kapatid niya ay ganoon din ako noon kay Silver. Kung gaano naman ka inosente at amo ng mukha ng mas bata ay ganoon din si Silver.
Me and Silver are actually an identical twins. I don't know what got into Mom and Dad that they gave us such name, though Gold and Silver are more likely just our nicknames inside the house. Silver's real full name is Disley Glaire (Silver) Reyes Ilthrov. Based on Yaya, it was me who got out first in my Mom's womb, that's why I acted and stand as like the older sister to Silver.
Ngumiti ako at parang naging go signal iyon sa kanila para kunin ang binibigay ko.
"Salamat po!" sabay nilang sabi.
Pagkatapos ay nagpaalam lang ako sa kanila at umalis na rin. Pagka-uwi ko ay wala akong nadatnan na Amethyst. Hinanap ko sila ni yaya pero wala. Saan sila nagpunta?
"Manang, nakita mo ba sila Ame?"
"Ay mam Gold, hindi pa po sila nakakauwi galing sa paaralan."
"Aws sige manang. Pakilagay na lang po nito sa Ref at sabihan mo na lang si Ame na may ice cream diyan mamaya pagkarating nila."
Hindi ko na hinintay na sumagot si manang at umakyat na sa kwarto. I need to rest. Medyo sumasakit na ang ulo ko. Nagbihis lang ako ng pangtulog at humiga sa kama.
NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman kong may umupo sa kama ko. Handa na akong sipain ito nang maalala na baka si Ame lang at tama nga ako, siya nga. Bitbit niya ang binili kong ice cream kanina. Tumingin ako sa wall clock at alas-onse na nang gabi at hindi pa tulog batang ito.
"Mommy Gold, I can't sleep po. Yaya Andy said you bought me Ice Cream so I eat this hehe."
Nakakalahati niya na ang isang galloon ng ice cream nang tumingin siya sa 'kin at nag alok, aba ang takaw talagang bata. Pinanood ko lang siyang kumain nito nang bigla naman siyang magsalita.
"Mommy Gold, do you sing? Can you sing a song for me? My dad used to sing when I can't sleep."
Sing? Yes, I sing. Silver and I used to sing too, when Silver was still alive. Naubos niya na ang ice cream, tumayo ako at kumuha ng tubig sa mini ref na nandito sa kwarto ko. Nilagyan ko ang isang baso ng tubig at pina-inom ito sa kaniya. Habang umiinom siya ay kinuha ko ang aking guitar sa ilalim ng kama. It's been years since I last used this.
Pinagpagan ko pa ang lalagyan nito para maalis ang alikabok. Bumalik na kami sa pagkaka-upo ni Ame sa ibabaw ng kama ko.
As I strummed the guitar once, the melancholy hugged every bit my skin. Gosh I missed those times. Times that I, Silver and Mommy would go on the third floor then would jamming until we both sleep. I wish I could bring back the time. Hays.
"Anong gusto mong kantahin?"
"Your favorite song po."
Favorite? One song that I like the most is...
"Sige. Kami nag-compose ni Silver ng kantang 'to. Kaya makinig kang mabuti."
Tumango siya ng ilang ulit. Hindi na ako nangamba na baka may makarinig sa amin ng hating gabi dahil soundproof naman ang kwarto ko. Kahit ga'non pa man, maids or other people here in this wouldn't mind me singing if they hear me. Kumbaga, just mind your own business.
"Oh kay gandang hindi kailanman dapat pagdudahan,
Kabutihan sa puso mo'y, 'di maikakaila.
Bagay tignan palagi ang ngiti sa mga labi mo,
Tanggapin mo sana ang lahat ng puri,
Bukas sa loob itong sinasambit~~"
Nakita ko naman pa'no nagningning ang mga mata ni Ame sa kinanta ko. Siguro ay nahimigan ang ganda ng mensahe ng kanta
"Wow! Mommy sobrang ganda ng boses mo. Promise!" Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang kanta.
"Oh, ikaw ay tinatangi,
Mga matang ganda ay hindi sapat,
Para purihin ang katangiang ito.
Ikaw ay marikit,
Ikaw ay aking paraluman~~"
Ame became silent. She just watching me silently, like admiring and feeling my voice. She keeps on swaying her tiny upper body. Sinasabayan niya sa pag-sway ang ritmo ng kanta.
"Lahat tayo ay may angking katangian,
Mga sugat sa puso'y hindi basehan.
Oh ikaw ay tinatangi,
Sa iyo ay hindi magsasawang sabihin,
Marikit ka, ano man sabihin ng iba~~"
Yes, we are beautiful. No matter what scars we have, physically or mentally or even emotionally. We are all unique. God made us unique. We can't see it because we are all blinded by the insecurities that built in ourselves. Every person—every girls and even boys out there has its own unique and rare beauty, it might be seen through physical appearance or in our inside.
"Kaya sana, 'wag mawala sa isip mo 'tong kanta,
Sa tuwing isip mo' y nagdududa,
Tandaan mong nandito lang ako,
Humahanga't umiibig sa gandang taglay mo
Labis ka pa sa labis,
Dahil ikaw ay aking tinatangi~~"
*CLAP CLAP CLAP CLAP*
Abot tainga ang ngiti niya habang masiglang pumalakpak nang matapos ko ang kanta. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano ba. Pero matapos ang ilang taon, pakiramdam ko ay gumaan ang lahat. Gumagaan palagi ang lahat sa tuwing maiisip kong may isa akong Silver sa buhay ko.
"Ang galing, mommy!"
"Bolahin mo pa ako eh. Matulog ka na kaya."
"Hehehehe!" tanging nasabi niya pagkatapos niyang humikab.
"Let's go to your room and you need to sleep," I said as I hold her hand. Binalik ko muna ang guitar ko sa pinagkakalagyan niya.
'Surely I will miss playing this' I thought to myself.
Hinatid ko na si Ame sa kwarto niya saka iniayos ang higaan at pinatulog na siya. Nasa hallway na ako pabalik nang makita ko si Dad. I was about to change my direction but he saw me, so I stopped and faced him.
"Can we talk, Gold?"
"It's almost midnight, Dad—"
"In my office," he commanded.
"But—"
"No buts. We'll talk in my office, Gold."
Wala akong nagawa. Tsk, anong oras ns antok na antok na talaga ako. Labag man sa loob ay sumunod na lang ako. When Dad ordered to do it, I need to follow it.
We arrived at his office. He quietly sat in his chair, put his arms over the table and looked at me. I can see no emotions at his face. No hints of information nor feelings to it. He's really good in that technique, huh?
One thing that I like in Dad's dark aura is everyone arounds him automatically got silent, like a kitten who got its tongue cut down. Everyone gets intimidated and feel fear with just his stares.
"May tatlo akong sasabihin—ipapaliwanag sa 'yo."
I remained standing, meeting his gaze. Fighting the urge to speak out my curiosity nor ask him about it. There are times that I managed to fight back with his stare but yeah, there's always times that I surrendered because it's really too much to handle. No wonder why a lot of people sees superiority in him. Tingin pa lang niya, nakaka-intimidate na talaga.
"First, about Ritch going to your school too. Second, your supposed to be mission—Venom and their Clan. Lastly, I know you have already idea about Anderson Dyrelso." Oh, I almost forgot that man.
"But before that, sit down."