—GOLD'S POV—
"Mike pero—"
Dad gave Yaya Bebang a deadly glare, that even scare the hell out of me.
"MAHIGPIT KONG PINAGBIBILIN NA WALANG IBANG TAO ANG P'WEDENG TUMUNTONG SA IKA-TATLONG PALAPAG NG MANSYON LALONG-LALO NA SA KWARTO NI SILVER!" pasigaw na wika ni Dad. Uh-oh.
"Pasensya na Mike nawala sa isip ko at nagpumilit si Amethyst na tulungan ako."
"WAG KA NANG MAG DAHILAN, BEBANG!"
Bakit ba sa tuwing napag uusapan si Silver ay galit na galit si Dad. I can't blame him, I know he also suffered from the pain of Silver's loss. It was unbearable. The nightmare and pain I experienced from that day is torturous.
"Hindi ako nagdadahilan, Mike."
"Ikaw, Amethyst, you shouldn't have help her! Did I required you to help Bebang?!"
This time, ang atensyon ni Dad ay nalipat kay Amethyst, na ngayon ay naguguluhan pa rin kung ano ang problema.
"Wag mong idamay ang bata, Mike. Kasalanan ko at sa akin mo ibuntong ang inis mo-"
"Bebang, you know my rules. You know what happened to Silver when you tried to expose her in the public. I lost not just one person—"
"Amethyst is a family member and she's still a child. You don't have to shout," seryong sabat ko sa kay Dad nang mapansing umiiyak si Ame.
Oo, mali ang malaman niya ang tungkol kay Silver. Lahat ng nakaka-alam at nakakakilala kay Silver ay tanging pamilya maliban na roon ay pinapatay. Why? I don't f*****g know and understand why Dad wants Silver to be unknown. I don't know why Silver has to be just my shadow before. She died without me knowing why.
"Alam mo, Gold ang p'wedeng mangyari pag may nakaalam tungkol sa kaniya." Alam? Ang tangina sinabi niya ay para sa ikakabuti ng lahat, pero namatay lang si Silver na hindi naranasan maging masaya mundo.
"Alam ko, Dad pero matagal na rin namatay si Silver. Kaya ano pa ikinagagalit mo? Malaman man nila wala na akong pakealam. Hanggang ngayon nagsisi ako na pumayag sa mungkahi mo na itago siya. Baka sakaling buhay pa rin siya ngayon kung hindi kita sinunod. Parte na rin si Ame ng pamilyang 'to kaya 'wag mong ipagkait sa kaniya na makilala si Silver. Kahit ngayon lang Dad. Kahit ngayon lang, huwag mong iparamdam sa akin na parang may wala akong alam tungkol kay Silver—sa pagkatao man niya o kahit sa pagkamatay niya."
"HUHUHUHU SORRY POO TITO.... SORRY RIN MOMMY AT YAYA," saad ni Ame habang pinapahid ang mga luha niya. Tumayo na ako saka nilapitan siya at binuhat. Hindi naman siya ganoon ka bigat.
"I may not know your reasons behind these shits, Dad but I hope, when time comes that you have the courage to tell me, I just... I just hope it's still not too late for you to say it. My patience has limits too, Dad and my trust to you wouldn't last any longer. Mas gugustuhin kong sa iyo manggaling lahat ng 'yon, hindi sa kahit kanino man. Hindi sa kalaban natin o kahit sinong kakampi pa iyan.
Umakyat na kami sa kwarto ni Ame na karga-karga ko pa rin siya. Kahit papano ay tumahan ito sa pag-iyak. Pinahiga ko na siya sa kaniyang kama para matulog.
"Did I messed things, Mommy?" Umiling ako saka ngumiti.
"It's okay, Ame. Your Mommy Silver is happy because you knew her now." She hugged me. "I'm happy too. Don't worry ha, hindi galit si mommy."
Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya at inayos ang kumot niya.
"Mommy, can you tell me a bed time story first?" Not with that puppy eyes, Ame.
"Pleaseeee!" I look at her with my world almost collided. I'm not into fairytale stories. Arghh!
"Sige."
"Yiieeyy!"
"Once upon a time.." Paninimula ko. Bahagya akong humiga sa kama. Ano ba p'wede i-kwento ko rito. Anyways, gayahin ko na lang iyong mga cliche plot ng mga fairy tale stories.
"There was princess living in high castle. A beautiful, smart and young maiden princess. Her name is b—"
"Can we name her Gold, mommy?" Nagdadalawang isip man ay sinunod ko na lang siya.
"Her name is Gold. The king, her Dad, ordered her not to go out the castle but Gold disobeyed her Dad."
Tutok na tutok sa pakikinig si Ame.
"Isang gabi, tumakas si Gold sa palasyo. Namasyal siya nang namasyal sa gubat hanggang sa hindi niya na maalala ang daan pabalik sa palasyo."
"Tapos po?"
"Nakilala niya ang isang prinsipe, ang pangalan niya ay—"
"Can we name him kuya Reiz?"
"Okay. His name is Prince Reiz. Then, they fell inlove with each other. First love at first sight. They became close as time goes by. The prince always secretly visit Princess Gold in the castle. Until one day, the King found out the relationship that princess Gold and the prince of their mortal enemy, Prince Reiz have."
"Halaa magkaaway sila Mommy?!"
Tumango ako.
"Pinaputol ng kanilang mga ama ang relasyon na mayroon ang kanilang anak. Pero pinaglaban nila princess Gold at prince Reiz ang kanilang pagmamahalan hanggang sa wala nang nagawa ang kanilang mga ama para tumutol at nagpakasal sila."
"And they lived happily ever after," sabay naming wika ni Ame. Natawa pa siya dahil sa pagsasabay namin.
"Goodnight, Ame."
"Goodnight rin po, mommy gold.... Goodnight rin Mommy Sandra and Mommy Silver." Kinumutan ko na siya at lumabas na rin ng kwarto niya at natulog.
"Goodnight, Silver..."
NAGISING AKO NANG may maramdamang ibang presensta sa kwarto ko. Kahit ramdam ko pa rin ang antok ay pilit pa rin akong nakiramdam sa paligid.
"Mommy Gold, gising na po. May klase ka pa po, 'di ba?" I heard Ame's voice—wait!
Napabangon naman ako nang mapagtantong totoo ang narinig ko. Nandito si Ame sa kwarto ko.
"Ame? Why are you here?"
"Hiniram ko po ang susi ng kwarto mo kay Tito, kanina pa kasing 7 am pero hindi ka pa rin gising kaya ako na gumising sa 'yo hehe," she said with her still innocent tone.
Tinignan ko naman ang wall clock at 20 mins na lang at mag-8 na. Patay! May test kami ngayon sa accounting. Mabilis akong naligo at nag-ayos. Mabuti na lang at naplantsa na ang uniform ko. Yes, I wear uniform now baka harangan naman ako ng letseng SSG Vice President na 'yon. Ilang beses niya rin ulit akong hinarang. Sa anong dahilan? Kesyo ganito ganyan. Konti na lang iisipin kong may gusto siya sa 'kin kaya ini-stalk niya ako. Ewan ko ba pero kumukulo ang dugo ko pag nandiyan siya.
Pero hindi pa rin nawawala sakin ang pagkadisgusto ko sa uniform namin. It's too girly, imagine 2 inches above the knee ang kulay abo na palda tapos yung blouse ay kulay pink tapos may pa black jacket pang dala. Tapos 'yong medyas ay halos umabot na sa tuhod ko. Hindi na ako nagtataka kong bakit may kamahalan ang tuition sa school na 'yon. Sa uniform pa lang kasi marami ng arte. Hindi naman sa nagrereklamo ako sa gastos, may pera rin naman kami. Ang sa akin lang ay masyadong maarte ang dating ng uniform.
"Bye muna, Ame. Enjoy your day." I kissed her forehead. "YAYA KAYO NA PO BAHALA KAY AME!"
Sinadya kong isigaw ang huling sinabi ko dahil nasa loob ng mansion si yaya mahirap na at baka hindi niya ako marinig. Dali-dali kong minaneho si Siyann. Kahit nakapalda ay nagagawa ko pa rin gamitin ang bike, buti na lang at hindi kaikliian itong palda. Kung 'di lilipat talaga ako ng school pag nagkataon. Hinding-hindi ko ipagpapalit si Siyann sa isang school lang.
Tinignan ko ang relo ko at may limang minuto na lang akong natitira bago mag time. Binilisan ko pa ang pagpadyak. Sanay na akong gamitin si Siyann kaya hindi ako nahihirapan kontrolin ito pag mabilisan. It's a mountain bike though.
Tamang-tama naman pagkadating sa parking lot ko ay tumunog ang bell. Agad kong nilagyan ng lock si Siyann, mahirap na pag manakaw ito. Mapapatay ko talaga ang magtangkang kumuha sa 'kin kay Siyann, ito na lang ang tanging alaala ko kay Mom.
Tinakbo ko ang room namin mula sa parking lot. May kalayuan kaya kailangan ko talagang takbuhin. Pagkadating ko sa room ay napatingin lahat sakin. Oh-uh!
"You are 5 mins late, Ms. Ilthrov!." I heard Mrs. Grandees said.
"Get your test paper and start your test now."
Kinuha ko naman ang test paper sa table niya at bumalik sa desk ko. It's our last test in accounting for this grading. Next week na nga siguro 'yong exam. Nakapagreview naman ako kagabi kaya easy na lang ito. Muli kong tinignan ang test paper at inumpisahan itong sagutan.
QUARTER to 12 na nang matapos ang klase namin sa pang-umaga at heto ako ngayon sa cafeteria para kumuha ulit ng energy para sa isang test namin mamayang hapon. Sa kakamadali ko kanina ay nalimutan kong magbaon ng lunch.
"Can we sit here?"
I looked up, seeing these two—Ash and Nerd. I didn't say anything, I continued eating. Umupo sila pareho sa table na inuukupa ko, hindi na hinintay pa ang sagot ko. May kaniya-kaniya silang dalang tray ni Ash at Nerf. Dahil na rin siguro sa tatlong sunod-sunod na test ay hindi ko napansin ang dalawang mokong.
"Grabe 'yong test. Parang mauubos na brain cells ko," nakangusong reklamo ni Ash. Hindi lang ako umimik.
I was already warned by Dad. No friends.
'Was warned but you didn't say no when they asked you.' Just wow, Gold.
"Sinabi mo pa. Isang subject na lang ang may test mamaya, 'di ba?"
"Oo. At saka next week na raw ang exam. Hindi pa ako ready—teka ang tahimik mo yata, Blaire?
I didn't mind him. I pretended that I didn't hear Ash. Pinagpatuloy ko ang kung ano mang business ko at nanatiling bingi sa pagtawag nila.
"Blaire?" Nerd's voice was calm yet cold. I could feel it. But so? The real Gold Ilthrov wouldn't be affected with people around her—no matter how cold or dangerous they maybe
Hindi pa rin ako nagpatinag, hindi ko sila pinansin dalawa. Tila pinili na lang din naman nilang tumahimik at pinagpatuloy ang pagkain. Natapos ang lunch namin na sila ni Ash at Nerd lang ang nag-uusap. Pagkatapos namin kumain ay bumalik kami sa room at nagsagot ng naiwang mga test.