CHAPTER 15

2012 Words
—YAYA BEBANG's POV— "Yaya, what happened yesterday? Bakit po nagalit si Tito Mike?" inosenteng tanong ni Amethyst habang sumasabay sa paglalakad dito sa hallway ng Mansion. "Wag mo nang intindihin 'yon, Amethyst. Away matanda lang iyon kaya hayaan mo na sila ha. Magiging okay rin sila." "Dahil po ba kay Kuya Reiz?" ulit ay tanong niya. Bata nga naman, tumigil muna ako sa paglalakad saka bahagyang itinabi muna ang pamunas na panlinis ko bago siya muling sagutin. "Walang kasalanan ang kuya Reiz mo. 'Wag ka mag-alala, maayos rin nila Tito Mike at mommy Gold mo ang problema nila." Maglilinis ako ngayon ng mga kwarto sa ika-tatlong palapag ng masyon. At itong batang ito ay hindi nagpapigil na tumulong. Gusto niya raw tumulong dahil wala rin naman siyang gagawin. Sa murang edad ay makikita talaga ang disiplina sa sarili. Kinuha ko na ulit ang pamunas at sa kanang kamay ko ay hawak ang vacuum cleaner. "Tara na Amethyst, doon tayo sa kabilang kwarto. Huli na 'yong kwarto na 'yon." Sa totoo lang, hindi naman talaga ako natutulungan ng bata ito. Tinitignan niya lang ang ginagawa ko at kung may iuutos ay agad na sinusunod. Tahimik lang itong nagmamatyag sa ginagawa ko. Kung hindi uupo ay magtatanong nang magtatanong ng mga bagay-bagay. Ang huling kwarto na lilinisan ko ay ang kwarto ng kakambal ni Gold. Wala naman masyadong dumi ang mga kwarto sapagkat lingo-lingo ay nililinisan ko ito. At ako lang ang pinagkakatiwalaan na maglinis dito. Mahigpit na pinagbabawal sa mga maids at tauhan ang pag-akyat dito, kung hindi makikita nila si kamatayan. Lahat ng mga tauhan na nagtatrabaho ay alam kung ano ang mayroon sa pamilyang ito. May ideya sa kademonyohan ng mga taong nandito. At lahat ng mga sikretong p'wede sumira sa pamilyang 'to ah nandito lang sa bahay. Sumunod lang sa 'kin si Amethyst habang tinutulak ko ang vacuum. Huminto kami sa isang kwarto. Kinuha ko na ang susi at binuksan ito. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto agad na bumati sa 'kin ang malamig na hangin. Hindi pa ako nakapasok ay inunahan na ako ni Amethyst. "Wow! Kaninong kwarto ito, yaya?" Tinulak ko na ang vacuum papasok ng kwarto. Umakyat naman si Amethyst sa ibabaw ng kama at nagtatalon-talon. "Kwarto po ba ito ni Mommy Gold noon, 'no?" "Bakit mo naman nasabi, Amethyst?" Inihanda ko ang vacuum at nag umpisang linisin ang kilid ng kama. Puro alikabok lang naman ang nandirito, kung hindi man ay iilang spider web. "Eh kasi po may picture ni Mommy Gold. Ayon oh!" Bumaba ito sa kama at lumapit sa parang study table sa tabi nito. Sinundan ko lang tingin si Amethyst, tinitignan niya ang mga picture frames na naka-display rito. Naisipan kong ipagpatuloy ang paglilinis. Medyo marami-rami rin ang alikabok sa sahig. Hindi ko na muna pinansin si Amethyst. Marami pa akong kailangan linisin sa baba. "Yaya! Yaya! Yaya!" Mabilis kong tinignan si Amethyst na ngayon ay may hawak na picture frame. Ang maamong mukha niya ay may gulat na nakapinta. Ang kaliitan na mga mata niya ay halatang lumaki at ang maninipis na labi ay pumurma na may pagkabilog. "Yaya, 'di ba si mommy Gold 'to?! Bakit dalawa? Bakit pareho silang mukha? Halaa may mumu na katabi si Mommy Gold oh!" Sunod-sunod nitong tanong. Parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig nang napagtanto ang sinabi. Patakbo akong pinuntuhan ni Amethyst. May kalawakan rin kasi itong kwarto ngunit mababakas talaga na walang gumagamit. Simula ng pumanaw ang gumagamit ng kwartong ito ay hindi hinayaan ni Mike na mabulok ito. Mahigpit niyang ipinagbilin na 'wag papabayaan ang kwarto sapagkat ito na lang ang natitirang alaala sa kaniyang anak na si Silver. "Look yaya oh! Hindi ba si Mommy Gold ito? Eh sino naman ito?" Turo niya sa kay Gold. Ang una niya kasing tinuro ay si Silver. Parehong-pareho kasi ang mga mukha nila. Carbon Copy ika nga. Inilapag ko muna ang pamunas na hawak ko sa gilid ng study table at iginaya si Amethyst papunta sa malapit na kama para umupo. Kinuha ko ang picture frame sa kamay niya at napabuntong hininga. Heto na naman ang pakiramdam na parang may isang malaking kutsilyo ang tumarak sa mga puso namin. Masyadong masakit ang nangyari sa pamilyang ito. "Ito si Mommy Gold mo." Turo ko sa mukha ni Gold na nasa kanang bahagi ng litrato. "At ito naman si Silver, ang kakambal ng Mommy Gold mo." "Halaa yaya! May kakambal si Mommy Gold? So tatlo po pala Mommy ko?" naguguluhang tanong niya. Simula nang bumisita sila ng kaniyang ama noong nakaraang taon ay tinawag na ni Amethyst si Gold na mommy kesyo kamukha raw ng ina niya. Hinayaan naman ito ni Gold at sabi na wala naman daw problema. "Nasaan na po si Mommy Silver, yaya?" Nakaramdam naman ulit ako ng lungkot dahil sa tanong niya. Lampas dalawang taon na rin simula nang mawala ang isang alaga ko. "Nasa heaven na siya, Amethyst," simpleng sagot ko sa kaniyang tanong. "Ay ganoon po, katulad rin pala ni Mommy Sandra," malungkot na wika niya. Si Sandra ang kaniyang ina na namatay pagkapanganak pa lang sa kaniya. "Amethyst jiha, pwede bang 'wag mo itong sabihin kahit kanino? Ang tungkol kay mommy Silver mo." "Bakit naman po, yaya?" Masasabi mo talagang inosente siya, base sa mga galaw at pananalitang walang kamuwang-muwang sa karahasan ng mundo. Napaka-inosenteng bata, sana hindi siya madamay sa gulong nasimulan ng pamilyang ito. "Dahil nasa heaven na siya. Pag maalala nila si Mommy Silver mo ay siguradomg malulungkot sila. Gusto mo ba silang malungkot?" Umiling lang ito at saka binalik ulit ang tingin niya sa picture frame. "Kaya 'wag mo nang sabihin sa kanila ah." "Opo, yaya. Tapos ka na po ba? Gutom na po ako hehe," saad niya habang kinakamot ang batok niya. "Patapos na rin si yaya, ang ilalim na lang ng kama ang lilinisin ko." "Okay po, yaya!" Umalis na ako sa pagkaka-upo sa kama at nilinis ang ilalim nito. Nahirapan akong linisin ang mga alikabok sapagkat dala na rin ng katandaan ay mahirap ng yumuko. Habang nakayuko ay narinig kong malakas na napasinghap si Amethyst. Hindi ko muna siya pinansin para matapos ako at makakain na rin siya. "Yaya! Yaya!" Ano naman kaya ang nakita nito? Sana nga talaga ay hindi ko siya dinala rito. Ako malalagot kay Mike. "May box po oh! Buksan natin yaya." Patapos na rin ako sa paglinis ng ilalim ng kama. Mamaya na lang 'yan. "Teka lang Amethyst tatapusin lang ni yaya ang ginagawa." Ilang sandali rin ay natapos na. Tumayo na ako at nagagpag pa ng damit. "Wow!" Iniayos ko ang vacuum at nag inat-inat pa. Natahimik naman si Amethyst, nakatalikod ito kaya hindi ko masyado nakikita ang kaniyang mukha. Bigla itong humarap sa 'kin. Hawak hawak ang maliit na kahon at isang bracelet. Bracelet? "Ano 'yan, Amethyst?" Pinunasan ko muna ang pawis ko na kanina pa pala tumutulo at saka nilapitan siya ulit. Ako na ang lumapit sa bata na ngayon ay nahihiwagaan pa rin sa hawak hawak nitong bracelet. "Ang cute po yaya, kanino kaya ito?" "Patingin nga, jiha." Agad niya naman itong binigay. Sigurado akong kay Gold ang bagay na 'to. Kung hindi ako nagkakamali ito ang bracelet na suot-suot niya noong araw na namatay si Desiree. "Kay mommy Gold mo ito, Amethyst." "Hala! Saan po siya nakabili niyan yaya?" "Bakit mo natanong?" tanong ko habang ang mga mata ay nakapako sa bracelet na hawak. Napakaganda. "I want to buy like that!" "Wala akong ideya kung saan, Amethyst. Ako na magbibigay sa kay Mommy mo nito ha." Lumabas na kami at bumaba para kumain. Walang kabusugan si Amethyst, kakatapos lang kumain, biglang magugutom na naman ulit. Hindi naman tumataba. Dahil sa hapon na rin ay naisipan kong magluto ng hapunan. Ako ang mayor doma at madalas ako ang nagluluto ng pagkain ng pamilyang ito. Sa katandaan ko naman ay nakakaya ko pa rin gumawa ng mabibigat na gawain tulad nang paglalaba ngunit hindi ko na pinipilit pa na gawin dahil marami rin ang maids na pwede gumawa. Nagluto lang ako ng sinigang ng paborito ng alaga ko at kare-kare rin na paborito ni Mike at Amethyst. Habang nagluluto ay napansin kong dumating na si Gold. Pinagmasdan ko siya sandali habang papaakyat siya papunta ng kwarto niya. Animo ay hindi napansin ang presensya namin ni Amethyst dito sa kusina. "Yaya, pwede po akong patikim?" Nako! Kakain lang eh gutom na naman agad? Binigyan ko siya ng konting kare-kare sa platito niya at hindi nagtagal ay kinain ito. "Ang saraaaaap poo yaya, isa pa po!" "Isa na lang ah." Natatawa kong sabi at binigyan siya ng konting kare-kare. Isinubo niya agad ito at tumingin sakin. Ay alam ko na yan. "Yaya, pwedeng isa pa? Hehehe." "Hay, Amethyst. Konting hintay na lang at maghahapunan na kayo." Hindi na nagpumilit na humingi ang bata. Sinabihan ko siya na ayain si mommy niya na kumain, walang pag-alinlangan niya itong sinunod. Natapos ko ang pagluluto mga bandang alas-osto na rin. Tinulungan ako ni Stella at Ella sa pag-ayos ng mahabang lamesa. Ilang saglit rin ay natapos ang paghahanda at bumalik ako sa kusina para mag hugas. —GOLD'S POV— *KNOCK KNOCK KNOCK!* Kakalabas ko lang ng shower nang marinig kong may kumakatok. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay bumungad sa akin ang nakangiting si Ame. "Mommy Gold, kakain na raw tayo maya-maya." Inaya ko siyang pumasok muna sa loob. Pumasok naman ito at agad na dumeritso sa kama ko at nagtatalon-talon. Mahilig siya mag ganyan. Bumalik ako sa banyo at nagbihis ng pantulog. Pagkabalik ko ay nakahiga na si Ame sa kama. "Tapusin ko lang ang pagreview ko at bababa na ak—" "Sabay po tayong bumaba mommy ah!" I nodded and bring my attention back to the book I am reading since this afternoon. It's all about accounting and my brain starts to hate accounting. We'll have a summative test tommorow morning. Ame just stayed quietly, watching me study. Hindi nagtagal ay natapos ko na rin ang pag-re-review. Niyaya ko na si Amethyst na bumababa para kumain. Hawak-hawak ko sa kamay si Ame, pagkadating sa dining room ay naka-upo na rin si Dad. Ame kissed his cheeks while I just nod at him. I'm not that sweet like Ame though. "Yiieeyy! My favorite kare-kare!" "Yaya, sumabay ka na po sa amin," pag-aya ko. "Ay nako, wag na Go—" "Sumabay ka na Bebang," rinig kong sabi ni Dad. Wala nang nagawa si Yaya kung 'di umupo. Nasa kaliwang bahagi ako ng mesa habang nasa harapan ko sila Ame at yaya, si Dad naman ay nasa kilid namin pareho. Simula kagabi ay hindi kami nagkausap ulit ni Dad. Ni hindi rin kami nagkibuan. Kami ni Yaya ay hindi rin nagkausap matapos ng nangyari. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita si Ame. "I had so much fun today! I helped yaya plant those roses outside." "Wow, that's very good, Amethyst," Dad praised her. "Thank you, tito. I also helped Yayaclean the rooms in third floor. "Kaya nga nilutuan kita ng paborito mo, Ame—" "And I saw mommy Silver!" masiglang sabi ni Ame. I felt a bang in my chest as I heard the name she mentioned. My gaze immediately went to Amethyst, as well as Dad. Tila agad niyang na-realized ang sinabi kaya agad na tinakpan ng kaniyang mga maliliit na kamay ang kaniyang bibig nito. Silver... Nakita ko sa peripheral vision ko na sinenyasan ni Dad ang mga maids at tauhan na lumabas muna at agad silang sumunod. Tanging kaming apat lamang ang natira sa dining room. "Bebang." Tension starts to arise as well as my longingnes to her. Not the first time hearing her name from other people's mouth after the day she was killed, but the feeling of both hurt and anger is still very vivid to me. Silver... I'll surely kill your killer. I promised you that. I promised that when the time comes that I met and know who it is, I'll surely give your justice. Using my hands. I will kill him using my own hands.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD