Chapter 5

1629 Words
NAGLAKAD si Kyler patungo sa kinatatayuan ko at nagulat ako noong akbayan ako at hapitin palapit sa katawan nito. Kaagad kong tiningnan nang masama si Kyler at pilit akong kumawala. “V-Vice! A-Ano ba?!” Ngunit sadyang malakas ang katawan ni Kyler at lalo pa niya akong hinapit at nakadikit na ako nang tuluyan sa kaniyang katawan at hindi ako mapakali. Ang bilis ng t***k sa puso ko at tila ang bigat na rin ng aking paghinga. Doon ko na rin napansin ang matalim na titig sa akin ni Jacob kaya lalong sumama ang mukha ko. Ano ba ang mga problema ng mga ‘to sa ‘kin. Mukhang ako ang gusto nilang paglaruan ngayon. “Relax, wala naman akong gagawing masama sa ‘yo,” ngingisi-ngising sabi ni Kyler at lumapad pa ang ngiti nito sa akin. Baliw ba ang lalaking ‘to, kanina ay parang nagsusungit sa akin at wala sa mood. Pinagbabantaan pa ako. Nabaling muli ang tingin ko kay Jacob at hindi niya inaalis ang titig sa mga mata ko. Napatda ako nang tumayo siya at inilang hakbang ang kinanatayuan ko sa tabi ni Kyler. “A-Ano ba ang kasalanan ko—” Naputol na ang sinabi ko nang bigla na lamang kunin ni Jacob ang kaliwang kamay ko at hatakin ako papunta sa kaniya. Maging si Kyler ay nagulat sa ginawa niya. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakasubsob ang mukha ko sa mabango niyag dibdib. “Teka, Jacob!” saway ni Kyler at naramdaman ko ang kamay ni Jacob sa aking uluhan habang ang isa niyang kamay ay yumakap na sa aking likuran at lalo pa akong napasubsob sa dibdib niya. Hindi ko magawang iangat ang mukha ko dahil ang kamay niya ay nasa uluhan ko. “Stay still. Kyler, leave us alone. She’s mine!” direktang sabi niya kay Kyler. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon ko lang naranasan ang mapadikit sa lalaki at ganito pa kalapit. No boyfriend since birth kaya ako at hanggang crush lang ako dahil alam kong wala naman akong mapapala kung aamin ako. Hindi ako kagandahan at simple lang akong tao. Hindi rin ako mayaman, morena lang ako at hindi kaputian. “Alright… I’m just kidding.” Lumapit si Kyler sa aking likuran at napaigtad ako nang ilapit nito ang lab isa kanang tainga ko. Tumama kasi ang mainit niyang hininga sa balat ko. “I’ll see you, then, Miss Ariana.” Nang ibaling ko ang tingin ko sa mukha ni Kyler at ngumiti na naman ito at kumindat. Umalis din siya kaagad at nanatili kaming gano’n ni Jacob hanggang sa makalabas si Kyler ng student council room. Nang iangat ko ang mukha ko ay nagtama ang mga mata namin ni Jacob at seryoso itong nakatitig sa akin at nakayakap pa rin habang hawak ang uluhan ko. Nag-init ang magkabilang pisngi ko at pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko. Nakakahiya at kung may makakakita sa aming iba ay baka kung ano ang isipin sa amin ni Jacob. P-Para kaming magkasintahan! Bigla na lamang niya akong tinulak kaya napaatras ako at napaupo nang pabagsak sa sofa. Ang tindi ng kaba sa dibdib ko at kasabay noon ang inis na nararamdaman ko para itulak niya ako. Ngayon ay para bang diring-diri siya sa akin at lumapit sa mesa at kumuha ng alcohol upang ilagay sa kamay niya. “Hoy, ang artemo, ha! Wala kang galang sa babae!” Tumayo ako at nilapitan siya. Gusto ko na siyang suntukin sa mukha niya dahil sa kabastusan nito at hindi ako makapaniwala. Nang humarap siya sa ‘kin ay hindi na naman ako nakagalaw na para bang kusang humihinto ang katawan ko sa pagkilos. Nagkatitigan kami at walang kurap. Hindi ako nagpapatalo at gano’n din siya. “Ikaw ba ang nagpatawag sa akin? Bakit ka narito? Nasaan si President Jairo? S-Saka ba’t mo ginawa ‘yon, ha?! Niyakap mo ‘ko. Saka isa pa— hindi moa ko pagmamay-ari ah! Ano’ng she’s mine, she’s mine sinasabi mo?! Hindi ako katulad ng ibang babae riyan na patay na patay sa ‘yo, ah!” banta ko. Napabuntong-hininga siya at muling sumeryoso ang mukha at humalukipkip ng mga braso at sumandal sa mesa ng president. “Are you done talking, Miss Beltran?” tanong niya. Nagkasalubong ang magkabilang kamay ko at napaawang ang labi ko. “A-Ano? ‘Yan lang ang sasabihin mo sa dami ng mga sinabi ko?” Umalis siya sa harapan ko at umupo sa swivel chair at sumandal. Tila patay malisya siya at hindi ako tinitingnan. “Ano ba’ng gusto mo? Gusto ko nang umalis dahil may next subject pa ako.” “You know, ang daldal mo, noh? Hindi ka ba nauubusan ng mga sasabihin, Miss Beltran?” Hindi ako nakapagsalita at sa halip ay lumapit ako sa mesa at pabagsak na nilapat ang mga palad ko sa mesa at bahagyang yumuko palapit sa kaniya. “Kung wala kang sasabihin ay aalis na ako!” “I just want to let you know that talking wrong about me comes with a punishment.” Lalong kumunot ang noo ko at tinitigan siya ng mata sa mata niya. “Ano’ng pinagsasabi mo?” “Botanical Garden, remember? Kailangan ko pa bang ipaalala sa ‘yo?” Napanganga ako at natawa nang bahagya sabay suklay paitaas ng buhok ko. Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. “Iyon lang ba? ‘Yong sinabihan kitang mayabang?” “You really don’t know who I am, aren’t you?” aniya’t tumayo na naman papunta sa akin. Hindi ako nagpatinag sa halip ay namaywang ako upang ipakit sa kaniya na hindi ako natatakot sa kaniya. “Ikaw ang kinababaliwan ng mga babae rito sa university, but it doesn’t mean na kasama ako roon,” sabat ko. Tumawa siya nang bahagya at humalikipkip ang magkabilang braso at tumayo nang tuwid habang hindi pa ring maiwasang matawa. Ano ba ang nakakatawa?! “Pagbibigyan kita ngayon. Kapag narinig pa kita ulit na magsalit ng kung anu-ano tungkol sa akin ay may kalalagyan ka. “You are a scholar here, aren't you? As far as I know, you can't afford to study here at the university because you are not rich.” Napakurap ako ng ilang beses at napalunok ng aking laway dahil may bumabara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. “A-Ako nga, bakit? May problema ba kung hindi ako mayaman?” matapan kong sagot. “I can remove you from the scholarship if you continue what you are doing. Also, avoid fighting with the three angels.” Bagsak ang panga ko sa sinabi niya dahil tama nga ako at kinakampihan niya ang mga bruhang ‘yon! “Sino ka ba para pagsalitaan ako at takutin mo ako ng ganyan.” “I am the son of the real owner of this school. Karylle is my cousin.” Tumawa lang ako at napahawak ako sa tiyan ko dahil sa sakit nito. Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. “S-Sigurado ka ba d’yan? Ha-ha-ha! Pinagloloko mo naman ako, Jacob… si Karylle, pinsan mo? Lolo ni Karylle ang founder ng university!” “Sige kung ayaw mong maniwala, it’s up to you. I'm just reminding you. Avoid fighting with Karylle.” “Bakit naman kita susundin? Ni hindi ka parte ng student council? Kung si President Jairo ang nagsabi sa akin ay susundin ko, pero ikaw? Malabo,” iiling-iling kong sagot. Bago pa siya magsalitang muli ay tinalikuran ko siya. “Aalis na ako at may susunod pa akong klase. Isa lang ang sasabihin ko sa ‘yo, hindi lahat ng babae o katulad ko na mahirap lang ay matatakot mo dahil lang mayaman ka o anak ka ng may-ari ng university na ‘to.” Hinakbang ko na ang paa ko at hindi ko na siya nilingon pa at nagmamadali akong umalis. Tinungo ko ang Botanical Garden upang doon magpalipas ng sama ng loob. Sa totoo lang ay nasaktan ako sa sinabi niya at natatakot ako sa banta niya. Napaupo ako sa bench at napasandal sabay pikit ng mga mata ko. “Hay… ano’ng nangyayari sa araw ko,” usal ko. Kung totoo man ang banta niya ay kailangan kong mag-ingat na huwag magsalita ng kung ano’ng bagay kay Jacob. Ayaw kong maalis sa scholarship dahil ito lang ang tanging pag-asa ko. Nagpalipas lang ako ng ilang sandali at nagpasyang pumunta sa next subject ko. Pagpasok ko ay nakita kaagad ako ni Myra, ang bestfriend ko. Scholar din siya rito sa university. Tumakbo siya papunta sa akin at nag-aalala ang mukha nito. “BFF! Saan ka galing?! Kanina pa kita hinahanap?” Umupo kami sa silya at inayos ang bag ko. Kinuha ko rin ang notebook ko at ballpen. “Hindi ako pinapasok ni Sir Miranda.” “Kasi naman, lagi kang late. Dapat kasi hindi ka na—” Tinakpan ko ang bibig ni Myra dahil nakatingin sa amin ang mga kaklase namin. Hindi naming close ang mga iyon dahil mayayaman nga sila at mababa ang tingin sa amin ni Myra. Bihira lang makakita rito ng mabait katulad ni Trixie. May mababait naman dito pero hindi ko masasabi ng lubusan dahil hindi naming kayang makipagsabayan dahil mayaman sila, langit sila, kami naman ay mahirap lang— lupa lang kami ni Myra. “Huwag kang maingay… sabi ko naman sa ‘yo, sikreto lang natin!” Mayamaya pa ay dumating na ang adviser namin na si Prof. Alexa Montenegro. Dalaga pa ito ngunit malapit nang ikasal. Maganda at sexy siya, majoy in Psychology professor namin siya. Nagsiupo ang lahat nang makita ng mga kaklase ko na nasa harapan na siya. Tipid na ngumiti ako at umupo na rin si Myra sa tabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD