Chapter 4

1418 Words
MATINDI ang kabog ng aking dibdib habang naglalakad sa hallway patungo sa student council room. May malaking pintuan iyon na para kang nasa mayamang mansion. Bakit ba kasi dito ko piniling pumasok sa university na ‘to. Flashback… “Anak, ano’ng balita sa entrance exam mo?” Nakangiti ako at excited akong ibalita kay mama ang result. Bukod doon ay nakakuha rin ako ng scholarship program sa university na aking pinagkuhanan ng entrance exam. Iyon kasi ang nirekomenda ng aking adviser teacher noong makapagtapos ako ng high school. Kahit sino ay pinangarap na makapasok sa Shepherds University. Maraming nag-aaral doon na mayayaman, ang iba ay modelo pa at sikat sa larangan ng mga sports. Ang habol ko lang ay makapagtapos ako sa paaralang ‘yon upang makakuha ng magandang trabaho pagdating ng araw. Inakay ko si mama upang umupo sa silya kaharap ng mesa. Inilapag ko sa harapan niya ang isang puting sobre na naglalaman ng result. Hindi pa niya alam na pumasa rin ako sa scholarship program. Isang tingin muna ang ginawad ni mama sa akin at tila kabado siya bago kinuha ang puting sobre. Binuksan niya ito at marahang binasa ng kaniyang mga mata. Hanggang sa gumuhit na ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. “Totoo ba ‘to, anak? Nakapasa ka?!” magiliw niyang tanong. Tumango-tango ako ng ilang beses at tumayo si mama upang yakapin ako nang mahigpit habang nagtatalon pa sa labis na kasiyahan. Maging ako rin ay hindi ko napigilan ang mapangiti. “Ma, hindi ako makahinga...” Bumitaw si Mama sa pagkakayakap sa ‘kin at hinalikan ako sa aking kanang pisngi. “Ang galing-galing mo naman anak! Ang galing mo talaga! Sinasabi ko na nga ba! Makakapasa ka!” “Sabi ko naman sa ‘yo, e! Tiwala lang, Ma. Ako pa ba?” “Ang yabang talaga ng ate ko, o!” tatawa-tawang singit ni Lloyd na lumabas sa banyo. Bagong ligo at aalis siya dahil may practice sila ng basketball para sa liga ngayong bakasyon. “Ang baho naman. Parang ilang araw kang hindi nagbabawas, ah!” biro ko. “Kapal mo naman, Ate! Ang bango ko kaya! Saka hindi ako tum*e!” Nagtawanan kami ni mama dahil mabilis kasing mapikon si Lloyd. Mabait si Lloyd at masipag din sa gawaing bahay. Close kami at hanggang sa paglaki ay hindi iyon nagbago. Umupo ako sa silya at napatunghay kay Mama na hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi. Kalaunan ay napawi iyon at napalitan ng pag-aalala. “Anak, paano kaya ito? Ngayon ay nakapasa ka na sa entrance exam sa Shepherds University, ang laki ng tuition nila.” “Hmmm… may hindi pa ako sinasabi, Ma…” Inilabas ko ang isa pang sobre sa bag ko at ibinigay iyon. Nadako naman ang tingin ni Lloyd sa hawak ni Mama na sobre at lumapit sa akin sabay akbay. “Ano ‘yan, Ate?” Ang ngiti sa labi ni Mama ay umabot na hanggang tainga. Hindi makapaniwala sa resultang kaniyang binabasa. “N-Nakapasa ka rin sa scholarship program?!” bulalas niya. “Opo, kaya wala na, po, kayong poproblemahin, Ma! Balak ko rin kasing mag-working student para makatulong sa pag-aaral ko.” “Bakit naman anak? Kami na ng ‘yong ama ang bahala sa iba…” “Hindi, Ma… hindi ninyo kakayanin, lalo na’t magka-college na rin si Lloyd.” Mahirap lang kami at ang trabaho ni Papa ay isang construction worker sa isang sikat na kompanya sa Manila. Sa Caloocam kami nakatira at si mama naman ay nagluluto sa simpleng restaurant malapit sa amin. Minsan ay nauutusan akong mag-deliver ng pagkain nila gamit ang bike. Pinoy rin kasi ang may-ari at nakaraang taon ay malaki ang nalugi sa kanilang negosyo. Umalis ang cook nila dahil gusto nito ng mataas na suweldo. Nahirapan silang maghanap ng chef at Mabuti na lang ay nakilala ng may-ari na si Aling Mercy si Mama. Magaling kasing magluto si Mama, namana niya kay Lola Pas ang galing sa pagluluto. “Nasaan nga pala si Cath?” usisa ko. “Andoon sa kaibigan niya, nakikipaglaro.” End of Flashback… Bumalik ako sa aking ulirat nang bumukas bigla ang pintuan. Marahan lang ang pagbukas niyon at unti-unting tumambad sa akin ang magarang itsura ng loob ng student council room. Pagpasok mo ay may red carpet patungo sa isang mesa. Mesa iyon ni President Jairo. Sa tabi niyon may mga bookshelves, mayroon ding sofa at glass table. May nakalatag pang chessboard at mga chess piece. Pero walang tao sa loob at may chandelier pa sa loob niyon. Nakakamangha at napanganga ako sa ganda ng mga furniture, sculpture at iba pang display. Ang sosyal at yayamanin dahil may sarili pang banyo at locker. “Sana all…” mahina kong bulong. Tumikhim mula sa aking likuran ang isang lalaki at kaagad naman akong napalingon. Ang akala ko ay si Jairo na President ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Kyler Fernandez. Ang Vice President ng Student Council. Ang ultimate crush ko sa campus. Siya ang bukod tanging kumuha ng aking atensyon sa buong campus dahil kilalang mabait si Kyler. “V-Vice President…” nahihiya kong sabi. Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahilan upang mamula iyon. Napayuko ako at hindi ako makatingin kay Kyler. Ang gwapo niya pala sa malapitan at ang bango pa. Napakatangkap pa niya kay halos nanliit ako nang iangat ko ang tingin ko sa kaniya. “What are you doing here?” direkta niyang tanong. Mukhang wala sa magandang mood si kyler ngayon at ramdam ko iyon sa tono ng kaniyang pananalita. Bigla namang nagsarado ang pinto ng sudent council room at bahagya akong nagulat. “P-Pinatawag, po, ako ni President…” sagot ko at yumukong muli habang pinagsalikop ko ang mga kamay ko na tila nagdadasal. Bakit nagkataon pang narito siya. Malalaman niya ang ginawa ko at nakakahiya iyon. Sabagay, hindi niya naman ako kilala kaya bakit ako mahihiya. Isang beses lang niya akong makikita rito. Laking gulat ko nang hawakan niya ang baba ko at iangat ang mukha ko. Nang mapagtanto ko ay ang lapit na ng mukha naming dalawa. Para bang hahalikan na niya ako sa pagkakalapit ng kaniyang mukha at napapikit na lamang ako nang ilapit niya pa mismo ang kaniyang labi. Sa hindi malaman na dahilan ay ngumuso ako at naghintay na gawaran ng halik. Ilang sandal akong naghintay ngunit walang nangyari at narinig ko na lamang ang bahagyang pagtawa ni Kyler sa tabi ng aking kanang tainga. “Prepare yourself because you do not know what you are up against.” Mabilis ko na idinilat ang mga mata ko at lumayo na si Kyler at tumayo sa aking harapan nang tuwid. Sumeryoso ang mukha nito at nawala ang pagiging amo ng kaniyang mukha dahil sa ginawa niya. Bakit sa labas ang bait-bait niya, pero ngayon ay ibang Kyler ang nakita ko. “He’s waiting for you,” dagdag pa niya at napalingon ako sa aing likuran kung nasaan ang mesa ng President. Ngayon ko lang napansin na nakatalikod ang swivel chair at may nakaupo pala roon. Napalunok ako ng aking laway dahil natutuyuan ako ng aking lalamunan. Lumapit ako sa mesa at wala akong ibang gagawin kun ‘di ang magmakaawa dahil bawal ako magkaroon ng violation or bad record lalo na sa Student Council dahil baka mapatalsik ako sa University. Ayaw kong mangyari iyon at umaasa sa akin ang pamilya ko. “President, pasensya na, po, kayo sa ginawa ko kanina… hindi ko, po, uulitin. Hindi na rin ako magsasalita ng masama sa ‘Three Angels’…” pakiusap ko. Umikot ang swivel chair at tila bumagal na naman ang oras noong sandaling iyon. Hindi ko nagawang kumurap nang mahagip ng mata ko ang kaniyang mga mata. Nakangiti siya at bakas ang kasiyahan sa kaniyang mga mata. “I-Ikaw?! Akala ko si President ang nakaupo?!” Nagtaas ng kaniyang kanang kilay si Jacob habang naka-de kwatro pa ng upo. Habang ang kamay niya ay nakapangalumbaba sa kaniyang kanang pisngi at titig sa ‘kin. “Mas gusto mo bang makita si President Jairo kaysa sa ‘kin?” ngingisi-ngising sabi niya. Napakunot-noo ako at inirapan ko siya. Alam ko ang ipinaparating niya pero gusto kong ipamukha sa kaniya na hindi ko siya type at inis na inis ako sa kayabangan niya. Hindi naman siya parte ng student council pero bakit siya narito. “Isa pa, bakit ka nakaupo sa upuang ‘yan na dapat kay Jairo— este kay President Jairo lang!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD