A head-turner stood right in front of her. Literal na gwapo, matangkad, matipuno and that killer smile on his face. Tila sandata para manlinlang ng mga babae. He was also ruggedly handsome like Grant. Nakasuot lang ng simpleng itim na t-shirt at kupasing pantalon pero nagmumukha pa ring presko at gwapo. “Hey, Rebecca, care to accept my brother’s hand?” nakangiting agaw-atensyon ni Gabby sa kanya. Kanina pa nakalahad ang palad ni Kevin ngunit nanatiling nagpapalit-palit ang mga mata niya sa pagitan niyon at ng mukha nito. Hindi naman ito arogante pero umaapaw ang confidence. A little bit cocky, but not too much. Minsan na niya itong nakita noon sa isang pagtitipon pero hindi sila nabigyan ng pagkakataong magkausap. Kadarating lang nito, papaalis naman siya. He was surrounded by women.

