Mabilisan siyang nag-shower. Nakakahiya namang nangangamoy siya. She was then faced with the predicament on what to wear. Faded jeans at white sando ang napili niyang isuot. Papatungan niya na lang ng button-down polo. Wala siyang ibang dalang damit na aakma sa gagawin nilang activity. Ang karaniwang bitbit niya ay mga pambahay lang, mga pajama at t-shirts, housedresses at ilang pirasong pangsimba. Wala siyang rubber shoes na bitbit kaya sinuot na lang niya ang flip flops. Pinasadhaan niya ng tingin ang sarili sa salamin.Ang mahaba niyang buhok ay malinis niyang ipinusod. Nakaramdam siya ng consciousness nang makitang exposed ang leeg at batok. Hindi naman masyadong hapit ang pang-itaas na t-in-uck-in niya sa pang-ibaba. Lumitaw pa ang kanyang hipbone pati na ang collar bone. Masyadong mal

