Eksaherada akong tumikhim upang kahit papaano ay matinag itong nanay ni Cruix mula sa matalim nitong paninitig sa'kin na para bang kasalanan ko pa kung bakit parang ayaw ni Drioz sa presensya niya. Dapat kasi kapag hindi pinapatawag ay huwag nang umepal. "Drioz, pinapapunta mo raw ako." Sinadya kong diinan iyong pinapapunta para naman malinaw na marinig nitong ex niya. Baka isipin nito na umieksena lang ang kagandahan ko rito sa family reunion nila. "Yes... I just want to personally thank you for saving me." Gusto kong mapa-double take kasi first time kong narinig na mabait iyong tono ni Drioz habang kinakausap ako. Hindi agad ako sumagot dahil hinihintay ko pang idugtong niya iyong 'it's a prank'. Hindi kasi ang katulad ni Drioz ang marunong magpasalamat dahil entitled ang isang it

