chapter 16

1693 Words

Kinabukasan ay pinakikiramdaman ko si Don Lario at baka tinutoo nga ni Farah ang bantang magsusumbong dito. Anong panama ko sa ina ng apo, 'di ba? Ganda lang meron ako pero isa pa ring saling pusa sa pamilyang ito! Mas matimbang talaga iyong si Farah kahit pagbalik-baliktarin man ang mundo. Buong durasyon ng byahe namin papuntang hospital upang dalawin si Ate Weng ay aligaga ako at hindi mapakali kahit wala naman akong napapansing indikasyon na malapit na akong sesantihin sa trabaho. Inaalala ko na hindi pa nga ako nagsisimula ay tiyak doon din ang bagsak ko kapag kakampihan ni Don Lario iyong Farah na iyon! Pagkarating namin sa hospital ay unting-unti na akong nakahinga nang maluwag at nawala na iyong pangamba kong matanggal o mapagalitan sa unang araw ng opisyal kong pagtatrabaho bi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD