chapter 17

1984 Words

Isang malaking session hall ang pinagdalhan sa'kin ni Don Lario. Agad tumutok sa direksiyon namin ang atensiyon ng lahat ng mga naroon pagkabukas na pagkabukas ng pintuan at paghakbang naming magkasunod papasok sa loob. Isang hakbang lang ang pagitan naming dalawa ni Don Lario at saglit pa siyang huminto upang magkapantay kami. Parang gusto ko tuloy umatras nang konti nang sabay-sabay na nagsitayuan ang mga naabutan naming corporate people sa loob upang batiin si Don Lario. Randam ko ang nagtatanong nilang mga sulyapan dahil sa presensya ko. "Good morning, ladies and gentlemen. Did everyone read the memo I've sent?" pormal na usisa ni Don Lario sa mga naroon habang iminuwestrang sumunod ako sa kanya. Tahimik lang akong sumunod habang binabalewala ang mga sumusunod na tingin sa'kin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD