Ang dami kong alam na kasabihan na nakaukit sa lumang tipan pero nakaligtaan ko iyong pinakaimportante na 'ang baha ay pwedeng agapan pero hindi ang karupukan'. At isa akong marupok na nilalang kaya gusto kong pagsisihan kung bakit pumayag akong kay Drioz sumama pauwi dahil ngayon ay ramdam ko ang unti-unting pagkagising ng angkin kong kapokpokan kahit wala pa ngang ginagawa itong kasama ko. Tulad ng ama niya ay may sarili ring driver at bodyguard itong si Drioz at nakasara din ang partition barrier para sa privacy naming dito sa likuran ng sasakyan. Ang kaibahan lang ng experience ko ngayon sa pagsakay ng mga mamahaling sasakyan ay nakaka-distract itong tahimik kong katabi. May pa-privacy-privacy pa pero ilang minuto na kami rito ay wala pa ring ganap! Nakikiramdam lang ako rito sa k

