CHAPTER 5

3227 Words
"A-ANONG... i-ibig sabihin nito?" Halos madurog ang puso ko habang nakatingin sa dalawa na abot pa ang mga ngiti sa tenga nila. Magkahawak ng kamay at naglalambingan. Tila walang pakealam kahit pa nandirito ako sa harapan nila na halos mabali na ang mga buto sa sobrang panginginig ng mga kalamnan. Parang mga walang pakealam sa mararamdaman ko. "J-Jake..b-bakit nandito si H-Honey Kate?" Nilakasan ko ng bahagya ang boses ko nang sa gano'n ay maagaw ko ang atensyon nila. Subalit, imbes na sagutin ako ni Jake ay tiningnan niya lamang ako ng masama at saka niya iginiya si Kate papalapit sa mesa. Tila naman ako isang tuod na nilampasan nila. At para akong isang robot na nakasunod ang tingin sa kanila. Ang hitad na babae naman ay nakangising nakatingin sa akin habang inaalalayan siyang makaupo sa katabing upuan ni Jake. "Mukhang masipag magluto ang maid mo, love, hmm? Super dami ng pagkain! Mauubos ba natin 'to?" Ani Kate kay Jake Xander na ang tingin ay nananatili pa sa akin. Naroon ang nakakaasar na ngiti. "Uh.. Nevermind. Ipapakain na lang natin sa maid mo ang tira natin," anito pa. "M-Maid?" Hindi makapaniwalang sabat ko. Masyado na akong naguguluhan. Tila ako mababaliw sa nasasaksihan. "Ako ba ang tinutukoy mong maid, Kate?? Tumatango namang sangayon ni Jake Xander imbes na ang babae ang sasagot sa katanungan ko. Nakadulog na rin siya sa mesa at tinitingnan isa-isa ang mga pagkain na nakahain sa mesa. "What do you want to eat love?" Na kay Kate ang paningin niya. At siguradong ito ang tinatanong niya. "Do you want to eat something except for these foods? Do you want to go to bed first?" Bulong pa niya dito. Kunwari namang napasinghap ang babae at tinutop pa kunwari ang isang kamay sa bibig. At pagkuway hinalikan nito ang asawa ko na buong puso namang tinugon ni Jake. Para akong sinakluban ng langit at lupa sa nakikita. Para akong sinasakal at hindi na makahinga. Nanlalambot na ang mga tuhod ko at gusto ko na lamang maglulupasay sa sahig. Hindi ko na alam ang gagawin. "Leave us alone, Attarah. We need some privacy. We don't need you here," Ani Jake nang lingunin ako. Tuluyan ng tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko. Sobrang sakit.. 'Yong inakala ko pa naman na okay na kami kagabi at umasang tuloy-tuloy na 'yon.. Hanggang akala lang pala ang lahat.. Kaya ba sinabi niyang pagsisisihan ko ang nangyari kagabi? Dahil ito ang susunod na gagawin niya? Ang dalhin dito sa bahay namin si Honey Kate at ipamukha sa akin na ang babae ang totoong gusto niyang makasama? Gano'n ba iyon? Umiiyak akong napatingin sa mesa. Kung saan nakikita kong ini-enjoy nilang dalawa ang pagkain na dapat ay sa aming dalawa ni Jake. Sobrang tanga ko dahil inakala kong kami ang magkasabay na kakain. Napahagulhol na ako at napaupo sa sahig. Hindi ko na kayang tumayo. Nanginginig na ang buong katawan ko. "Uhh.. She's so dramatic again, love. You know, ayoko ng madrama sa loob ng house natin. Gosh! Bakit ka pa ba kasi nagpatira ng ibang tao dito?" Rinig kong saad ni Kate. Kusa namang tumigil ang pagiyak ko. Natigilan ako at deretso kong itinutok ang paningin kay Honey Kate habang nagpapaulit-ulit sa utak ko ang mga lumabas sa mismong bibig nito. "Get up there, Attarah! You look like a brat kid!" Utos ni Jake Xander ngunit hindi ko siya pinansin sapagkat na kay Kate ang paningin ko. "What do you mean?? Bakit sinabi mong bahay niyo 'to? Ako ang asawa ni Jake Xander at bahay namin 'to! Kaya papaano mong nasabi na bahay niyo 'to? Sino ka pa ba sa buhay niya?! At bakit ang lakas ng loob mong pumunta rito gayong alam mo na nandito ako?! Bakit?!" Hindi ko na napigilang ilabas ang galit ko. At nanghihina man ay pinilit kong tumayo at lumapit kay Honey Kate na agad namang hinarangan ni Jake. "Umalis ka diyan, Jake! Wala ka ring respeto sa 'kin!! Asawa mo 'ko pero nagpapapunta ka pa rin ng babae dito?! Alam mong kaya kitang ireklamo sa ginagawa mo sa 'kin! Bakit mo ba ginagawa 'to? Anong ginawa ko sa'yo at ganito mo na lang ako kung saktan!! At sana man lang, kung hindi mo 'ko magawang irespeto bilang asawa mo, irespeto mo naman ako bilang babae!! May damdamin din ako!" "Shut up, Attarah Jade!! I told you to leave us alone! Can't you understand? Huh? Just go upstairs and locked yourself in your room! Damn it!" Galit na galit na utos ni Jake. Nakita kong hinawakan ni Kate sa kamay si Jake Xander. "Love, let her stay. We need a server. Just sit down there and let's eat. Come on!" Umiling-iling si Jake. "No. We don't need her here. Ayaw ko ng maingay," aniya kay Kate at saka niya ako binalingan at tinitigan ng masama. "Leave or I'll leave. Choose!" Tila ako robot na de-remote na tumalikod sa kanila. Tila ako wala ng buhay na minamaniobra na lamang nila. Wala sa sarili akong pumanhik ng hagdan at nakatulalang pumasok sa kwarto. Dahil sa nanghihina na ako ay napasandal ako sa hamba ng pintuan at unti-unting dumausdos. Parang pinupunit ng maliliit ang puso ko sa tindi ng sakit. Tila nagdurugo iyon at hindi na kailanman hihilom. Napakasakit.. At sa sobrang sakit na nararamdaman ay nandilim na ang paningin ko. Bumangon ako at tinakbo ang banyo. At wala sa sarili kong binasag ang salamin sa lababo at kumuha ng maliit na piraso. Nanginginig at pikit-mata kong hiniwa ang pulso ko. Napakislot ako sa sakit ngunit wala ng mas sasakit pa sa sakit na ipinaramdam sa akin ni Jake. Mas gugustuhin ko na lang na mawala kaysa sa patuloy niya akong saktan at gawing tanga.. Hanggang sa mawalan na ako ng malay. HINDI ko akalain na gigising pa ako matapos kong tapusin ang buhay ko. At hindi ko rin alam kung ilang oras akong nawalan ng malay dahil no'ng magising ako ay napakadilim na sa labas ng bintana. Saka ko inilinga-linga ang paningin sa palibot ng kwarto. Puro puti iyon at nasisiguro kong hindi iyon ang kwarto namin ni Jake. Muli akong binalot ng lungkot dahil magisa lang din ako. Wala akong makita kahit na sino. 'Ngayon ko napatunayang wala talagang nagmamahal sa akin.. Napakamalas ko.. Sana, hindi na lang ako muling nagising pa.' Pinangiliran ako ng luha sa magkabilang mata ko at muling pumasok sa isipan ko ang mga nangyari bago pa man ako nakagawa ng mali sa sarili ko. 'Si Kate at Jake..' Tila tinurok ng matalim na punyal ang puso ko. Baon na baon iyon dahil parang huminto ang paghinga ko. Narinig ko na lamang na biglang tumunog ang monitor sa bahaging itaas ng ulunan ko. "Attarah my dear, oh my god! You're awake na!" Sunod-sunod na sigaw ng pamilyar na boses mula sa loob ng bathroom. Hindi ko na rin kailangan pang lingunin dahil kilalang-kilala ko ang boses niya. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinaplos ang pisngi ko. Nakangiti man siya ngunit kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nakatunghay sa 'kin. "How are you, dear? Are you hungry? May dinala akong foods para sa'yo. You have to gain some energy. Maraming dugo ang nawala sa'yo." Sinuklay-suklay niya rin maging ang buhok ko. Muli akong pinangiliran ng luha. Tuloy-tuloy iyon. "M-Mommy Vic.." Napahagulhol na ako ng dumagan siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nang kumalas kami ay saka naman nagsipasok ang iba pa. Nangunguna doon si Amierizz na mugtong-mugto ang mga mata at tutok na tutok ang paningin sa palapulsuhan ko. Kasunod nito ang nobyo na si Jhomaxel Fernandez na nakaalalay sa kanya. At panghuling pumasok ay si Jaze Vanxanter. Hinuli agad nito ang paningin ko at hindi na nito inalis pa hanggang sa makalapit sa kinahihigaan ko. "Tell me everything. What did he do?" Bakas ang galit sa tinig ni Jaze. Umiling ako. "Wala siyang kasalanan.." Malamya kong tugon. "I'm okay now." "Pwede ba, Tarah!? 'Wag mo ng pagtakpan pa ang ginagawa sa'yo ng gago mong asawa! Hindi ka hahantong sa ganito kung wala siyang ginawa sa'yo! Please lang! Sabihin mo sa amin! Dahil 'yong asawa mo, ayon! Tila pungo sa labas at parang wala lang sa kanya ang nangyari sa'yo!" Galit na galit na sambit ni Amierizz. Tumango-tango ang mommy ni Jake. "Yes, dear. Tell us what happened. You know I will never tolerate him. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, hindi ko na sana pinilit pang ipakasal kayo. It's all my fault. I'm so sorry.." Naiiyak na ring saad ni Mommy Vic. Hindi ako makapagsalita. Tila napipipi ako. Gulong-gulo ang isip ko. "From now on, doon ka na uli titira sa bahay. You have your own room there, you still have privacy. Kailangan lang namin na masiguro na maayos ang kalagayan mo." Lumipat ang paningin ko kay Jaze. 'Kung pwede ko lang sanang turuan ang puso ko na mahalin ka.. Sana'y ginawa ko na.. Hindi ko kasi alam kung bakit si Jake ang itinitibok nitong tanga kong puso..' Tuluyan na akong natulala sa kawalan. Hindi ko na sila nagawang kausapin pa. Ayon din kasi sa doktor ay mahina pa ang katawan ko kaya't kailangan ko pang magpahinga. Hanggang sa makalabas ako sa hospital at idineretso nila ako sa mansyon ng mga Smith. Wala pa rin akong ganang magsalita. Nakatulala lamang ako at kung kakausapin man ako ay tango lang ang sagot ko. Mommy Vic and Jaze took care of me. Lagi nila akong dinadalhan ng pagkain sa loob ng kwarto ko at pinapainom ng mga gamot para sa depression ko. Minsan naman ay dinadalaw ako ni Amierizz at sinasamahang maglakad-lakad sa malawak na garden. Sa loob ng isang buwan ay naka-recover kaagad ako sa tulong nila. At sa isang buwan ding iyon ay hindi ko nakita ni anino ni Jake Xander. Wala akong balita sa kanya. Ni hindi rin nila binabanggit ni pangalan niya sa akin. Kung malalaman lang kasi nila ang totoo ay panigurado na sasabunin na naman nila si Jake. Kaya hindi ko na lang sinabi pa ang totoo. At kahit naman hindi ko sabihin ay may ideya na sila kung bakit ko nagawa sa sarili ko ang bagay na iyon. "Hi, dear! Today is my birthday and I want you to greet me a happy birthday." Pinisil niya ako sa pisngi at hinalikan sa kabilang pisngi. Pupungas-pungas akong bumangon sa kama at hinarap si Mommy Vic. Ngumiti ako sa kanya at saka ko siya niyakap. "Happiest birthday sa pinakamabait at pinakamapagmahal kong mother in law. Napakaswerte ko po sainyo. At kung sa susunod kong buhay, ay ikaw at ikaw pa rin po ang gugustuhin kong maging pangalawang ina. Happy 63rd birthday, Mommy Vic." Hinalikan ko rin siya sa pisngi at saka sa noo. "You making me cry, dear.." Bigla akong kumalas at nagalalang tumingin sa kanya. Nagpupunas siya ng mga luha habang nangingiti. "I'm so happy to hear it from you. Know what, dear? In my next life, gugustuhin ko rin na ikaw ang magiging daughter in law ko o mas hihilingin ko na sana maging totoo kitang anak. Your heart is so kind, dear. Your parents are so proud of you in heaven." Hinaplos niya ako sa pisngi. Naging emosyonal din ako sa sinabi niya. "Thank you po." Ngumiti pa rin ako kahit na naiiyak din. "Okay, cheer up now, dear. You have to get ready. May party dito mamaya. I invited my amigas and amigos here and some of your friends too. Gusto kong bongga ka mamaya. Come! Let's go to salon. Magpapa-make over tayo! Hihi!" "Sige po." Nakangiti na rin akong tumango. "Kailangan mo na rin kasi ng make over, you look pale, eh. Pero, medyo namimilog ang mga pisngi mo. I think nag-gain ka ng weight? Didn't you notice it, dear?" Bigla akong napahawak sa mga pisngi ko at nangiti. "Feeling ko din po, eh. Isang linggo na rin kasi kaming hindi nagdya-jogging ni Amierizz at medyo magana akong kumain nowadays. Feeling ko kasi ang sasarap ng mga pagkain ngayon." Namilog ang mga mata ni Mommy Vic. "Is that so?" Tumango ako. "Medyo nagki-crave nga din po ako sa mga maaasim ngayon, eh. I don't know why." "Whaaatt?? Oh my god! Oh my god!" Bigla siyang bumangon sa kama na animoy di nirarayuma at saka ako hinila-hila sa kamay. "Get up, dear! Pupunta tayo sa OB to check you!" Tumitiling aniya na hindi ko naman maintindihan. Nangunot naman ang noo kong bumababa sa kama. "B-Bakit po tayo pupunta ng O-OB?" Kinakabahan kong tanong. Kahit pa may sagot na sa isipan ko ay gusto ko pa ring alamin kung bakit. Napatingin siya sa tiyan ko at saka kinilig. "Iihhhh! Maybe.. Uh! Ayaw ko munang mag-talk, dear. Basta! Sumama ka na lang sa akin later." Nangingiting anya. Saka pumitik sa hangin gamit ang mapipilantik niyang daliri. "Uh! Wait.. I forgot to give you something." Lumayo siya saglit at pumunta sa mini table. May kinuha siya doon at saka bumalik uli sa kama. "Here." May inabot siya sa akin na parehabang box at nagtataka ko namang inaninag ang loob no'n na akala mo naman ay maaaninag ko. "A-Ano ho ito?" Tanong ko habang nakatitig sa pulang ribbon na nakatali doon. "Just open it, dear," nakangiti niyang utos. Kaya naman ay minabuti ko ng binuksan iyon. Nagulat pa ako at biglang sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita na iyon ay ang mga picture namin ni Jake noong high school pa lang kami. Noong close pa ito sa 'kin. At sa ilalim naman no'n ay ang kuha ni Mommy Vic noong kasal namin. At ikinataka ko dahil meron pa palang nakaipit sa pinakailalim. Stolen shot namin iyon ni Jake noong kasal namin pero maganda ang pagkakakuha. Nakangiti si Jake at bahagyang nakayuko sa 'kin at ako naman ay nakangiti rin habang sa malayo ang tingin. "Did you like it?" Tanong niya. Inangat ko naman ang tingin sa kanya saka tumango. "Yes po. Pero, saan po galing 'etong stolen shot, Mommy Vic?" Ipinakita ko sa kanya ang hawak na litrato. "Yan ba? That's from unknown person, dear. Ipinadala 'yan sa'yo through email and hindi na na-trace ang account ng sender. I know that person was one of our guest that time and hindi ko na inisa-isa pa kung sino 'yon. The most important is, nakuhanan kayo ng picture together and I am thankful dahil nag-effort pa ito para i-send 'yan sa'yo," mahabang paliwanag ni Mommy Vic. Tumango-tango ako saka muling ngumiti. "Nagpapasalamat din po ako sa kanya." Pagkuway malalim akong napabuntong-hininga. "I miss him so much, Mommy Vic." Hindi ko man banggitin ang pangalan ni Jake Xander ay batid kong kilala na niya ang tinutukoy ko. Hinawakan niya ako sa buhok at hinaplos iyon. "I know, dear. Kahit nakikita ka naming masaya kasama kami at nakaka-recover na, alam namin na iniisip mo pa rin ang anak ko. Dalangin ko na sana ay maumpog na ang ulo niya at makita ang worth mo." Tipid akong ngumiti. Alam ko na mayroon na silang nalalaman sa totoong dahilan ng pagpapakamatay ko. And I promise to myself that I wont do that again. Whatever happens. Marami akong natutunan sa ilang linggo kong pagpapalaya kay Jake. I need to love myself more than ever. Ilang minuto pang namalagi si Mommy Vic sa kwarto ko bago pa siya lumabas para maghanda. Aalis kasi kami. Mabilis ko na ring inasikaso ang sarili ko at wala pang bente minutos ay nakagayak na ako. Lumabas na rin ako pagkatapos at pinuntahan ko na si Mommy Vic sa kwarto niya. Syempre pa, kumatok muna ako bago pumasok. "Come in!" Sigaw niya mula sa loob. Kaya't agad na rin akong pumasok. Kasalukuyan siyang naglalagay ng lipstick sa napakanipis niyang labi nang makita niya ako sa repleksyon ko sa salamin. "Oh my! Hi, dear! I'm ready. Wait for a while.. Medyo magulo ang dresser ng mommy. Hihi," sabi niya habang inaayos ang pagkakalagay ng lipstick sa labi. "Oh, see! Look, dear! Okay na ba? Am I pretty na, ha?" Humarap siya sa akin at ipinakita ang pisngi sa kaliwa at sa kanan. Nakangiti naman akong tumango-tango. "Super ganda niyo po, Mommy Vic. Hindi halatang senior na. You look like forty. Baby face ka po, eh." "Uhh.. Kaya love na love kita, dear. You're telling the truth. Hihi! Anyway, come on! Let's go na. Natawagan ko na rin kasi si Doctor Sebastian at hinihintay niya na rin tayo sa clinic niya." Kabado akong tumango. Ayaw kong ipahalata na kinakabahan ako pag binabanggit ang salitang doktor. Inalalayan ko na siyang makababa sa high chair hanggang sa paglabas namin sa room niya at pababa sa hagdan. Sa ibaba naman ng hagdan ay naroon si Jaze na nakasuot pa ng amerikana at halatang galing pa sa opisina. "Hi, Jade. Hi, mom!" Bati ni Jaze sa amin. At saka niya kami bineso pagkalapit namin. "Are you guys going somewhere?" Nagtataka niyang tanong. "Yup! We're going to salon, son. No boys allowed. Only for girls. It's my birthday today at kailangan naming magpaganda!" Ani Mommy Vic. "Oh! I forgot to greet you, mom. Sorry." Saka yumakap sa ina. "Thanks, son Jaze." Pagkalas niya ay pinaglipat-lipat niya ang tingin sa amin ng mommy niya. "Mom, Jade, I can drive you. Magbibihis lang ako saglit," presinta ni Jaze. Umiling-iling naman ako. "Hindi na Jaze. Ahm, maaabala ka pa namin. Tsaka, matatagalan kami sa salon. Maiinip ka lang doon at baka pagkaguluhan ka pa ng mga gay doon. Dito ka na lang," sabi ko. Lumaylay naman ang balikat niya sa sinabi ko. Kumibit siya ng balikat saka tumango. "Okay. Take care both of you," aniya pa at iniiwas na ang tingin sa amin. 'Matampuhin! Hehehe.' "We'll go ahead, son. Bye!" Paalam ni Mommy Vic pero hindi na tumugon pa si Jaze. "Matampuhin talaga 'yang anak kong 'yan. Kapag hindi nasunod ang gusto, magtatampo na. Hihi." Aniya pa habang papalabas na kami ng mansyon. "Oo nga po, eh." Sangayon ko. "Pero, mabuti na lang po at kahit na hindi niya ako nakuha ay hindi pa rin niya ako nilalayuan. Hindi siya nagtatampo sa 'kin. Napakabuti niyang kapatid at kaibigan." "Sa daddy nila nagmana si Jaze. Ganyan na ganyan." "Hmm.. Gano'n po ba?" Tumango-tango ako. Gusto ko sanang itanong kung kanino naman nagmana si Jake Xander pero hindi ko na naisatinig pa. "Alis na po tayo, Señora?" Tanong ng driver ni Mommy Vic na si Tatay Ben. "Yes, please. And, idaan mo muna kami sa Sebastian's Clinic, Benardo. Doon muna tayo." "Okay po, Señora." Sa biyahe ay kung ano-ano pa ang mga napagusapan namin ni Mommy Vic. Ngunit nalihisan na ang tungkol sa kaninang napagusapan namin. At ilang minuto lang din ay agad na kaming nakarating sa clinic. Muli akong nilukob ng kaba ng makaharap na ang doktor. Ipinakilala ako ni Mommy Vic rito bilang pamangkin niya dahil sa nirerespeto pa rin niya ang kagustuhan ni Jake Xander na ilihim ang pagiging mag-asawa namin. Hindi na rin nagtanong pa ng kung ano-ano ang doktor at agad na akong ni-check up. Habang nakahiga sa kama ay tila ako hinahabol ng sanlibong kabayo sa bilis ng pintig ng puso ko. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng ultrasounds ko at hindi mapuknat ang paningin ko sa monitor. Napalunok na ako ng sunod-sunod nang humarap sa akin si Doktor Sebastian. "Are you ready to know the results, Miss Smith?" Tanong ng doktor. Tumango ako at hindi na mapigilang mapapikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD