bc

The Unwanted Wife (Book 1)

book_age18+
889
FOLLOW
4.9K
READ
love after marriage
pregnant
arranged marriage
goodgirl
dare to love and hate
drama
cheating
wife
like
intro-logo
Blurb

WARNING: MATURE CONTENT!!!

Attarah Jade Montecillo marries a guy named Jake Alexander Smith. Ang lalaking matagal niyang pinangarap. So, it was a dream come true for her to be his wife.

Subalit, nang sa simula ng kanilang pagsasama ay halos isumpa siya nito at gawing impyerno ang buhay niya. Gano'n siya kadisgusto ng lalaking napangasawa. Kung kaya't hindi naging madali para kay Attarah ang pakisamahan ito.

Jake Alexander Smith really hates her that much. At alam niya ang dahilan kung bakit..

Gano'n pa man ay handa siyang magtiis para lamang makasama ito..

But, how long? How long she will sacrifice?

Will she stay in married life with him? Even though she knew from the very start that he unwanted her to be his wife?

All Rights Reserved.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"CONGRATULATIONS, Mr. and Mrs. Smith!" "Congrats, Attarah, Jake! Best wishes!" "Best wishes, beautiful couple!" "Congratulations, hija, hijo." Kaliwa't-kanang pagbati ng iilang bisitang dumalo matapos saksihan ang pagiisang dibdib namin ng pinakagwapong nilalang na nakilala ko at ang lalaking pinangarap ko na si Jake Xander Smith, na ngayo'y tahimik na minamasdan ang mga kakilala namin na masayang nakatingin at bumabati sa amin. "Thank you po, thank you!" Nakangiti kong tugon sa mga ito. Ako lang ang bukod tanging sumasagot sa mga bumabati sa amin sapagkat alam kong wala na naman sa hulog ang lalaking napangasawa ko. Tango lamang kasi ang itinutugon niya at pilit lang na ngiti. Katatapos lamang ng seremonyas ng kasal namin sa maliit na kapilya at agad na kaming dumiretso sa mansyon kung saan ang reception. At masasabi kong napakapribado at napakasimple ng kasal namin sapagkat ni halos walang nakakaalam ng kaganapan ngayon. Mabibilang lang din kasi sa daliri ang mga nagsipagdalo. "Best wishes, beshy!" Bati sa amin ng kaibigan kong si Amierizz Marie Gomez. Siya lang din ang nagiisang inimbitahan ko sa lahat ng mga kakilala ko. Wala din akong ibang kamaganak. Kung meron man ay hindi ko kilala. Nakangiti siyang kumaway kay Jake na tinanguan lang siya at saka na siya bumaling sa akin para abutan ako ng halik sa pisngi. "At last, tagumpay ang plano! Hihihi!" Napalunok at nagulat ako sa ibinulong niya sa tenga ko. Kaagad kong nailayo ang sarili ko at saka ko siya pinaningkitan ng mata. "Anong planong pinagsasasabi mo diyan?" Loka-loka 'to!" Bubulong-bulong ko. Bumunghalit siya ng tawa. "Joke lang, tarah! Ano ka ba! Hihi!" Sabay angat ng kamay niya at nag-piece sign pa. "Sa sunday pala may reunion tayo ng mga batchmate natin nung high school. Baka, pwede niyong maisingit sa honeymoon niyo ni Jake Xander?" Sandali kong nilingon si Jake at nang maramdaman kong wala itong pakialam sa pinaguusapan namin ni Amierizz ay saka ko muling nilingon ang kaibigan ko. "I-message na lang kita, mami. Hindi pa ako makakapag-oo, eh. Alam mo na." Bulong ko sa huli kong sinabi. Kumibit na lang din ng balikat ang kaibigan ko saka na siya rumampa pabalik sa mesa kung saan nagkukumpulan ang iba pa naming bisita. Muli kong nilingon si Jake and as usual wala pa rin siyang kibo habang pinaiikot ang wine sa hawak niyang kopita. Nakayuko pa siya at hindi ko malaman kung anong tinitingnan niya. Ni hindi ko rin magawang arukin ang kaloob-looban ng isipan niya. I sighed. Well, I think I know exactly the reason why he's acting like that. Secret marriage? Forced Marriage? Arranged Marriage? Alin nga ba ang estado namin diyan kung bakit kami ikinasal? And the answer is.. All of the above. Yes! Iyan ang dahilan kung bakit ganito ang ikinikilos ni Jake ngayon. Ayaw na ayaw niya kasi sa 'kin. Lagi niyang sinasabing wala siyang gusto sa akin at hindi ako 'yong tipo ng babaeng gugustuhin niya. Masakit iyon para sa akin lalo pa't may gusto naman talaga ako sa kanya noon pa. Hindi ko nga lang masabi. Hindi ko rin naman sana ipipilit ang sarili ko sa kanya kaso wala kaming nagawa nang ipagkasundo kami ng mama niya. Pero, hindi ko alam kung ano ang naging dahilan niya kung bakit pinili niya pa ring magpakasal sa akin. At hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan niyang ipakita sa mga taong nakamasid sa amin ang totoong estado ng relasyon at pagtingin niya sa akin? Hindi ba pwedeng magkunwari na lang muna siya na mahal niya ako? Na masaya siya ngayong araw ng kasal namin? Na totoong nagmamahalan kaming dalawa kaya kami nandito sa sitwasyong ito? Ang kaso.. hindi ko naman siya madidiktahan sa kung ano ang gusto niyang ikilos at itrato sa 'kin. Kung bakit kasi pumayag din ako sa kagustuhan ng Mommy niya na ipakasal kaming dalawa. Nagpatuloy ang seremonyas na wala ako halos na maintindihan. Ang isip ko kasi ay pinupuno sa kaiisip sa maaaring mangyari sa mga susunod na araw. Malalim tuloy akong napabuntong-hininga. And, speaking of his Mom.. Papalapit ito sa amin ngayon. "Hello, Tarah my dear! Oh, my gosh! You're really so gorgeous. Napakaganda mo talaga sa suot mong bridal gown. Napakagaling kong pumili. And, my son is so lucky to have you! Hihi!" ani Mrs. Victoria Smith na kinikilig habang bumebeso sa 'kin. Napakalawak ng ngiti nito habang ipinaglilipat-lipat ang tingin sa amin ni Jake na napapaismid naman sa tinuturan ng ina. Saka naman nito hinarap ang anak. "Napakaganda ng asawa mo, Xander. Napakaswerte mo sa kanya, right?" Imbes na sagutin ang ina ay nakangiwing nilingon ako ni Jake. Waring nandidiri pa sa akin. Napalunok naman ako at parang binuhusan ng malamig na tubig. Saka na niya ibinalik ang paningin sa ina na nagsisimula ng tumaas ang kilay sa inaasta niya. "I wanna rest, mom. Sabihin mo na sa kanila na tapusin na ang programa. Or else, I'll gonna walk out of here and leave this place." Nakayuko pa ring sambit ni Jake. Mahina lamang ang pagkakasabi niya noon ngunit parang binomba ang tenga ko sa nadinig. Kumibit na lamang ng balikat ang kanyang ina na sanay na sanay na sa paguugali ng kanyang anak. Pagkuway, ngumiti pa. "Oh, well.. Fine. I think you two are both tired already and maybe excited na kayo sa first night niyo. Hihi! Don't worry. Kaunting minuto pa at maaari na kayong umalis ni Tarah my dear," anito at binuksan ang purse at dinukot ang cellphone doon. "Let's take some groupie first! Come on!" Saka dumikit sa amin. Subalit kaagad na inagaw ni Jake ang cellphone na hawak ng ina. "I told you, Mom! I don't wanna see anybody else taking some photos of me while wearing this suit with Attarah!" Gitil ni Jake sa ina. "Remembrance ko lang naman 'to ng kasal niyo, eh. I will just keep it to my album with a locks, promise." Muli nitong kinuha sa kamay ni Jake ang cp at nag-click ng nasa tatlong shots ng litrato. Napapailing na lamang ang lalaking katabi ko. Saka ito bumaling sa akin at muling nangiti ng pagkatamis-tamis. "Pagpasensyahan mo na ang asawa mo, Tarah my dear, hmm? Just be patient na lang." Pilit naman akong ngumiti saka tumango. "Okay lang po sa 'kin. Nauunawaan ko po." Mahina kong tugon. "Tsk." Dinig kong singhal ni Jake Xander na inignora na lang namin ng Mommy niya. "Anyway! Good luck sa honeymoon niyo. Gusto ko by next month ay buntis ka na, hija? Gusto ko ng makarga ang apo ko sainyo, okay?" Kamuntikan pa akong masamid sa iniinom kong ice tea. "In your dreams, Mom! Tsk!" Muling singhal ni Jake. "Do not expect it, Mom, okay? Alam mo kung sino ang gusto kong maging ina ng mga magiging anak ko." Para namang kinuyumos ang dibdib ko sa narinig. Napayuko ako. "Don't be silly, Xander! Kasal ninyo ni Attarah ngayon! And, please be aware sa magiging reaksyon o mararamdaman ng asawa mo!" Saway nito sa anak habang mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "O sige na muna. Doon na muna ako sa iba ninyong bisita. Ako na ang bahala sa kanila," anito at hinarap ako at hinawakan ang pisngi ko. "Are you okay, hija?" Tumango na lamang ako at mapait na ngumiti. Napabuntong-hininga na lamang ito saka nagpaalam at lumakad na palayo sa amin. Hindi ko na rin halos naririnig ang pinagsasasabi ng emcee na nagsasalita sa harapan dahil sa nakakainis na pagkirot ng puso ko. Nakakainis dahil hindi pa ako nasasanay! Gayong noon pa man ay ganito na ang ipinapakitang ugali ni Jake sa akin. Na ganito na ang trato niya sa akin mula ng pumasok ako sa mundo niya. Pero siguro nga, abnormal ako. Kasi kahit na nasasaktan na ako sa masasakit na salita niya sa akin ay heto pa rin ako at kinikilig sa kaalamang 'asawa' na niya ako. At sa kaalamang dideretso na kami sa magiging 'love nest' namin after nitong kasal namin. Ewan ko ba! At sa maliit na bahagi ng dibdib ko ay parang nagiging abnormal ang t***k no'n sa tuwing naiisip ko ang honeymoon namin mamaya. 'Ano nga ba ang mangyayari sa'min ni Jake sa honeymoon?' Gusto kong ma-excite, syempre. Pero, nalulungkot pa rin ako kasi base sa mga sinabi ni Jake kanina ay malabong maging romantic ang first night namin. Nang mapatingin ako kay Jake Xander ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Masama ang tingin niya at para bang ipinapahiwatig niya sa akin na pagsisisihan ko na nagpakasal pa ako sa kanya. All Rights Reserved.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook