CHAPTER 1
One week after the wedding..
"ATTARAH!!! OPEN this door!!" Nagising ako sa malakas na boses na nadidinig ko sa labas ng pinto. And I'm sure it's Jake's voice. Nagsimulang dumagundong ang dibdib ko sa kaba. Alam ko kasi na galit na naman ito. "Attarah Jade!! Open this fvcking door!! Damn it!!" Pagalit niyang sigaw na halos kalampagin na ang pinto at sirain na ang doorknob. Kung kaya't taranta akong bumangon sa sofa kung saan ako nakatulog sa tagal ng paghihintay sa kanya.
Mahilo-hilo ko siyang pinagbuksan ng pinto at hindi ko pa man iyon tuluyang nabubuksan ay malakas niya na iyong itinulak. Sa lakas no'n ay halos tumimbuwang ako. Mabuti na lamang ay mahigpit akong nakahawak sa doorknob ng pinto.
"J-Jake.." Bumilis ang t***k ng dibdib ko nang lumapit siya sa 'kin at saka ako dinuro ng nangangalit niyang daliri.
"Bingi ka bang talaga at hindi mo ako kaagad mabuksan-buksan ng pinto sa tuwing dumarating ako, ha?! O sadyang nagbibingi-bingihan ka lang talaga para asarin ako?!" Halos lumabas ang mga ugat sa leeg niya sa sobrang galit.
"S-Sorry.. N-Nakatulog kasi ako." Napayuko ako. Kinakabahan ako na di ko mawari. Natatakot kasi ako sa kanya kapag ganitong nakainom siya. "Pasensya na.."
"Wala ka na ngang trabaho at nakatunganga lang dito, tapos tulog ka pa kapag dumarating ako?! Ang sarap naman ng buhay mo!?" Sarkastiko niyang sabi na ikinapikit ng mga mata ko. Sobrang sakit niya kung magsalita. Tagos na tagos hanggang kaluluwa ko. "Sa susunod na gawin mo uli 'yan...hinding-hindi na kita uuwiin dito! Do you understand?!"
Sunod-sunod akong tumango at nang umangat ako ng paningin sa kanya ay nakita kong titig na titig siya sa 'kin. Naroon pa rin ang galit sa mga mata niya subalit ramdam kong hindi na gano'n katindi ang pagkasuklam niya sa akin. Dahil nga sa tanga ako ay lumapit pa rin ako sa kanya para abutan sana siya ng halik sa pisngi subalit nagulat ako ng tabigin niya ako dahilan para muli akong mapaatras. "Jake! Ahh.." Medyo nasaktan ang likod ko dahil tumama iyon sa doorknob.
"Tsk! Don't come near me..or else.." Hindi na niya ipinagpatuloy ang pagbabanta. Suminghal na lamang siya at akma na sana akong tatalikuran nang mabilis ko siyang hinabol at pinigilan sa pagalis. Nahawakan ko siya sa matitipuno niyang braso kaya't dahan-dahan naman siyang humarap sa akin at tiim akong tinitigan. "What?!" Pasinghal niyang tanong. Saka marahas na tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanyang braso. Animo'y nandidiri sa 'kin.
"K-Kasi.. P-Pasado alas tres na ng madaling araw.. G-Gusto ko sanang malaman kung s-saan ka galing?" Halos nagkakandautal pa rin ako sa pagsasalita. Nakita kong sarkastiko siyang ngumisi at matalim akong tinitigan. "N-Nakainom ka uli.. Jake.. g-gabi-gabi ka na lang umiinom.. Baka kasi kung mapano ka. Alam mo naman na masama ang alak sa katawan ng tao—" nahinto ako sa pagsasalita ng hawakan niya ang baba ko at diinan ang pagpisil sa magkabila kong panga. Nagulat ako at nasaktan talaga ng sobra-sobra. Napasandal akong muli sa dingding sa lakas niya habang pisil pa rin ang panga ko. "J-Jake.. N-Nasasaktan ako.."
"Masasaktan ka takaga sa 'kin!! Hindi ba't sinabi ko na sa'yo nung unang gabi pa lang na huwag na huwag kang mangingialam sa buhay ko o sa mga bagay na ginagawa ko!? Tanga ka bang talaga?? Wala kang pakialam sa'kin, okay!?" Nanginginig sa galit ang isang kamay niya habang nakaduro sa mukha ko.
Natatakot man ay lakas-loob kong hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa panga ko at inalis iyon. Nasasaktan na kasi ako.
"Jake.. A-Asawa mo 'ko kaya mangingialam ako sa'yo. Iniisip ko lang naman ang kalusugan mo, eh. Ayaw ko na magkasakit ka. Makinig ka naman sa 'kin, please." Mangiyak-ngiyak kong saad habang deretsong nakatingin sa kanya.
Mapait siyang ngumisi. "Really, huh? Asawa? Ikaw?? Haha!" Pagak siyang tumawa. Inilapit niya ang mukha sa mukha ko at muling hinawakan ang panga ko gamit uli ang isang kamay niya. "At bakit ako makikinig sa'yo? Ha?? Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ako umiinom gabi-gabi? Alam mo ba 'yon, ha?!" Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya. "I can't believe my self marrying a slave woman like you. Katulong ka lang namin, eh.. Tapos, boom! Biglang naging asawa ko na?? Tsk! Tsk! Inuto-uto mo lang ang mommy ko kaya niya ako ipinagkasundo sa'yo! Kahit na nga alam ninyong pareho kung sino talaga ang gusto ko!" Saka ngumisi ng nakakaloko subalit tila sibat kung titigan ako.
Napalunok ako. Pilit na inaalis ang bumibikig sa lalamunan ko. "Jake.. Huwag mo namang isisi sa 'kin ang lahat, please.. Ginusto mo din namang matali sa 'kin, diba? Hindi ka naman namin pinilit. Pumayag ka din naman sa kagustuhan ng mommy mo. Kaya nga tayo nandito ngayon, eh." Nagsisimula na akong pangiliran ng luha. "Tsaka, h-hindi ako katulong ninyo.. Oo, tumutulong ako sa mga gawain sa bahay niyo pero hindi naman ako nagpapabayad sa mommy mo. Ibinabalik ko lang ang tulong sa akin ng mommy mo sa pagpapaaral niya sa akin matapos niya akong kupkupin ng mamatay ang nanay ko na matalik niyang kaibigan. Alam mo naman 'yon, diba?"
"Ginusto?? Anong sinasabi mong ginusto kong matali sa'yo??" Dinaklot niya ang kwelyo ng damit ko at matalim akong tinitigan. "Hindi ko kailanman gugustuhing matali sa pangit na katulad mo!! Naiintindihan mo??" Saka ako binitawan at itinulak papalayo sa kanya.
Doon na bumuhos ang masaganang luha sa mga mata ko. Awang ang bibig ko habang hinahayaang dumaloy ang mga luha sa pisngi ko.
Sa loob ng isang linggo naming pagsasama ay ganito ang palagi niyang ginagawa sa 'kin. Palagi niyang isinusumbat sa akin ang kamalasang nangyayari sa kanya. Palaging ako ang sinisisi niya sa mga maling bagay na nagagawa niya. Ipinaparamdam niya sa 'kin ang pagkadisgusto niya, ang kawalang ganang makasama ako sa iisang bubong. Ipinaparamdam niya sa akin na hindi ako ang gusto niyang maging asawa..
Tinitiis ko iyon dahil ginusto kong makasama siya. Oo, sasabihin ng iba na napakamartir kong babae, na kahit naaabuso na ay nagtitiis pa rin.
Ewan ko..
Totoo nga yatang tanga ang pagibig o ako nga mismo. Sobrang mahal ko kasi ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi ko kasi makita ang sarili ko na hindi siya ang makakasama ko sa iisang bubong.
"You're very dramatic!!" Singhal niya at tuluyan na akong tinalikuran. Kapag kasi ganitong nakikita niyang umiiyak na ako ay tinitigilan na niya ako.
Nakita ko siyang papaakyat na sa hagdan kaya hinayaan ko muna ang sarili kong mamalagi doon at ilabas ang mga hinanakit ko. Gusto ko munang iiyak ang lahat ng sakit na dulot ng ginawa niya.
Kapagkuway, pinayapa ko na ang sarili at tumigil na rin ako sa pagiyak. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili. Tumayo na ako at agad na isinara ang main door na kanina pang nakabukas. Saka ko pinatay ang ilaw sa living room at dining area dahil paniguradong hindi na naman siya kakain.. Pagkatapos ay umakyat na rin ako sa itaas at pumasok sa kwarto namin.
Nakabukas pa ang ilaw nang pumasok ako sa kwarto kaya kaagad na tumambad sa paningin ko ang nakasalampak na katawan ni Jake Xander sa king size na kama. Nakasuot pa rin ito ng pang-opisina niyang damit at maging ang sapatos ay hindi pa rin nagagawang hubarin.
Kaya naman, lumigid ako sa kama at lumapit sa kanya. Naupo ako sa gilid niya at saka ko inalis ang sapatos niya at medyas. Sinunod kong hubarin ang puting long sleeve maging ang pangilalim nito. Pagkatapos ay isinunod ko na ring hubarin ang itim niyang slacks. Tanging boxer na lang ang natira sa katawan niya at hindi ko na pinakealaman 'yon. Ayaw kong magalit na naman siya sa akin kinabukasan.
Tumayo ako at kumuha ng bimpo sa cabinet saka pumunta sa banyo para basain iyon ng maligamgam na tubig. Pagkatapos pigaan ay muli na akong lumapit sa kanya para punasan ang mukha niya nang sa gano'n ay mabawasan ang init sa katawan niya dulot ng alak.
Titig na titig ako sa mukha niya. Totoong napakagwapo niya.. Kamukha nga niya 'yong artistang si Donny Pangilinan.. Napakaamo ng mukha pero parang dragon naman kung magalit. Napakapula rin ng labi niya at parang ang sarap-sarap tikman. At kahit kailan ay hindi ko pa iyon nalalasahan..
Isang linggo na kaming kasal subalit hanggang ngayon ay wala pa ring namamagitan sa amin. Hindi ko naman masabing gay siya dahil dead na dead nga siya sa dati niyang nobya, eh. Nalulungkot ako dahil siguro nga, nandidiri siya sa'kin.
Mapait akong ngumiti.
"Wala naman akong sakit na nakakahawa o kahit man lang buni sa katawan.. At hindi man ako kasing-ganda ng dati mong girlfriend pero hindi naman ako pangit na lagi mong itinatawag sa 'kin.." Kinausap ko siya sa mahinang boses. Alam kong tulog na tulog siya kaya hindi naman niya iyon maririnig.
"I miss you, honey.."
Nagulat ako nang bigla siyang magsalita habang tulog. Natigil ako bigla sa pagpupunas ng bimpo sa mukha niya at nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Hinintay kong imulat niya ang mga mata subalit ilang minuto na ay nananatili siyang nakapikit, humihilik pa.
Kaya't ang pagkagulat ko kanina ay napalitan naman ng kirot sa dibdib ko.
'Honey?'
Muli akong napangiti ng mapait saka napabuntong-hininga.
'He's missing Honey Kate...'
Ang dati niyang girlfriend na iniwan siya kamakailan lang dahil sa nalaman nitong ikakasal na kami.
Siguro nga.. kaya ganito na lang ang treatment sa akin ni Jake Xander dahil sa nangyari sa kanila ni Honey Kate Jacob.
"Sana.. dumating 'yong time na mahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal mo sa kanya, Jake. Kasi ako, mahal na mahal kita. Handa akong magtiis.. Maghihintay ako hanggang sa mahalin mo rin ako," bulong ko habang naguunahang pumatak ang mga luha sa mata ko.
Hinawi ko ang buhok na tumatabing sa noo niya saka dahan-dahan akong lumapit sa mukha niya para halikan siya labi. Marahan lang iyon dahil ayaw kong magising siya. Tiyak kasi na magagalit siya sa 'kin. Iyon lang ang parati kong ginagawa, ang lihim siyang halikan kapag tulog siya. Kahit na nga wala akong maramdaman sa ginagawa ay kuntento na ako doon.
Bumangon na ako sa pagkakasalampak sa kama para ibalik sa banyo ang bimpo nang magulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa braso. Kaagad akong napalingon sa kanya subalit nakita kong nakapikit pa rin siya.
"Don't leave me.. Please, stay with me, hon, please.."
Marahil, kausap niya sa panaginip niya si Honey Kate.
Parang dinudurog ang puso ko..
"Jake.. A-Ako 'yong nandito.. Huwag mo na siyang habulin pa, please.." Muli kong bulong..
"No.. I don't love you.. Stay away from me.." Tugon nito habang tulog.
Ngayon ko napatunayan na totoo nga palang tumutugon ang taong tulog kapag kinakausap mo.. Pero, kahit pala sa panaginip niya ay matindi ang pagkadisgusto niya sa akin.
Ang sakit.. ang sakit-sakit ng puso ko.
Hindi ko na siya kinausap dahil baka sumabog na ako. Sandali ko pa siyang tinitigan at hinintay na muli siyang magsalita. Pero, hindi na 'yon nasundan pa. Kaya naman, inalis ko na rin ang kamay niya na nakahawak pa rin sa braso ko at tuluyan ng lumayo para ibalik ang bimpo sa banyo. Pagkalabas ko ay kaagad na rin akong sumampa sa kama at malungkot na natulog.
Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako kinabukasan. At paglingon ko sa likod ko ay nagulat ako ng makitang naroon pa si Jake Xander. Mahimbing na mahimbing ang tulog habang yakap-yakap ang isang unan.
Nang tumingin ako sa orasan ay pasado na alas 10 ng umaga.
'Hindi ba siya papasok sa opisina?' Sa isip ko at bigla akong napangiti. Ibig sabihin ay makakasama ko siya ngayong araw.
Kaya naman, excited akong bumangon at dali-daling pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay tinungo ko ang cabinet at naghagilap ng maisusuot. White sleeveless at itim na shorts ang napili ko. Hindi naman ako maputi at hindi naman kaitiman kaya tingin ko ay bagay naman sa akin ang suot ko.
Bago ako lumabas ng kwarto ay tinanaw ko muna si Jake Xander na nananatili pa ring himbing sa pagtulog. Ngumiti ako at tuluyan na akong lumabas at dumeretso sa kusina para magluto ng almusal.
Garlic fried rice, bacon, relyenong bangus, scrambled egg at macaroni soup ang niluto ko. Isinalang ko na rin ang karneng baka para pakuluan sa pressure cooker, nilagyan ko na rin iyon ng mga pampalasa. Magluluto na rin kasi ako ng bulalo para sa pananghalian namin mamaya.
For sure, dito kakain si Jake Xander at kailangan masarap ang kakainin niya. Marahil hindi talaga siya papasok sa opisina dahil tanghali na ay tulog pa rin siya.
Saka ako bumalik sa kwarto para gisingin si Jake Xander para kumain. Subalit, pagpasok ko sa kwarto ay nadismaya ako ng makita kong bihis na bihis na siya.
Nalulungkot man ay nagmadali akong lumapit at tinulungan siya sa pagsusuot ng kurbata. Nakatingin lang siya sa kawalan at hindi siya umimik habang hinahayaan ako sa ginagawa ko. Nang matapos ay umatras ako ng isang hakbang para tingnan ang kabuuan niya. Ngumiti ako dahil gwapong-gwapo ako sa kanya. Subalit, sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Tsk." Singhal niya pero binalewala ko iyon.
"Ahm, Jake.. A-Akala ko hindi ka papasok sa opisina. Ipinagluto pa naman sana kita ng bulalo. Favorite mo 'yon, diba? Kaso, aalis ka pala, hindi ko alam. Pero, di bale, iinitin ko na lang mamayang gabi. Dito ka na kumain. Sabay tayo, hihintayin kita." Nakangiti kong saad ngunit nakatitig lang siya sa akin na animoy hangin ang nasa harapan niya. Isinawalang-bahala ko pa rin iyon. "Oo, nga pala. Nakapagluto na rin ako ng almusal. K-Kumain ka muna bago umalis."
Umiling siya. "No thanks. I have an urgent meeting with the board," sabi niya sa malamig na boses.
Napalunok ako. Nadismaya sa sagot niya. "K-Kaso.. sayang naman 'yong niluto ko—"
"E di, ubusin mo!" Sigaw niya na ikinaatras ko habang awang ang bibig ko. "Kukonsensyahin mo pa ako, eh. Sige na. I'll go ahead. Gabi na ako uuwi. At huwag mo na akong hintayin pa. Dala ko na 'yong susi," anya at saka ako tinalikuran. Lumabas na siya sa kwarto habang nakasunod ako. Papalabas na rin sana siya sa main door ng hawakan ko ang braso niya kung kaya't inis siyang lumingon sa 'kin. "What do you want?!" Singhal niya.
Nagulat ako sa lakas ng boses niya pero hindi ko ininda iyon. "Ahm.. A-Ayaw mo ba talagang kumain muna dito? Kung sobrang urgent na talaga ng meeting niyo, k-kahit kape lang.. ipagtitimpla kita. M-Mabilis akong magtimpla."
Napailing-iling siya sa inis. "Ba't ba ang kulit mo?? Sinabi ko na ngang hindi na, hindi na!! Damn it!"
"S-Sorry.." Napayuko ako.
"Tsk!" Saka binuksan ang pinto at lumabas doon. Malakas din niyang isinara ang pintuan na ikinayanig ng dibdib ko.
Napaupo na lamang ako sa mismong sahig at hinayaang mangilid ang mga luha sa mga mata ko.
Ilang sandali pa akong nakaupo sa mismong harapan ng pintuan ng maramdaman kong may dumidila sa pisngi ko. Nagangat ako ng paningin at doon ko nakita ang cute na cute kong aso na si Chami, babae iyon. Iniregalo pa iyon sa akin ng kapatid ni Jake na si Jaze Xanter nung 25th birthday ko last month. Niyakap ko ang aso at pinupog iyon ng halik sa noo.
"I love you, Chami.." Bulong ko dito at tila nakakaintindi naman na idinampi ang ilong niya sa noo ko. "Sana kasing-sweet mo ang daddy mo.. Si Jake.. Kaso, kay Jaze ka nagmana, eh.. Sa kanya ka kasi galing."
Maya-maya'y nagulantang ako ng marinig ko ang tunog ng pressure cooker. Kaya't dali-dali akong pumaroon sa kusina para tingnan iyon. Pagdating doon ay pinatay ko muna ang kalan. Mamaya ko na lang lulutin ang bulalo para nang sa gano'n ay hindi mao-over cooked ang mga gulay kapag ininit ko.
Dumulog na rin ako sa mesa at magisa uling kumain ng agahan. Ilang araw na rin akong magisang kumakain dahil palaging sa labas kumakain si Jake Xander. Akala ko pa naman ay makakasabay ko siya ngayon. Marami-rami pa naman akong niluto at lahat ng iyon ay paborito niya.
Nang matapos ako sa pagkain ay minabuti ko munang hugasan ang pinagkainan bago ako pumunta sa salas. Malaki-laki rin ang kabahayan na tinitirahan namin ni Jake kaya't kakain ng ilang oras bago ko matapos ang paglilinis.
"Chami.. Come here!" Tawag ko sa aso ko na dali-dali namang lumapit sa akin at kumandong uli sa lap ko. Saka ko inilapit ang dog food na hinanda ko para sa kanya. "Ubusin mo 'yan, chami. Sana lumaki ka agad. 'Wag kang magalala.. Mommy will guide and taking care of you." Nakangiti kong saad at hinalikan ko pa ito sa ilong niya.
Tuwang-tuwa itong ikinakawag ang buntot habang kumakain.
Pagkatapos nitong kumain ay kaagad ko na itong binitawan at sinimulan ko ng maglinis. Nagpunas ako ng mga bintana, nagtanggal ng mga alikabok sa mga display at mga appliances pati na rin sa mga upuan. Bago ang mga kagamitan namin pero gusto ko lang i-maintain ang kalinisan no'n. Saka ko winalis ang mga nalaglag na alikabok sa sahig at pagkatapos ay nilampaso ko na ito gamit ang mop. Nang matapos maglinis sa ibaba ay nilinisan ko na rin sa itaas kasama na ang kwarto namin. Tatlo ang bakanteng kwarto doon subalit hindi naman iyon ginagamit kaya't hindi na ako nagabalang pasukin at linisan iyon.
Pagod na pagod ako pagkatapos pero ilang minuto lang akong nagpahinga at hinarap ko naman ang mga labahin. Mabuti na lang din ay mayroong automatic washing machine doon kaya hindi ako masyadong nahirapan sa paglalaba. Matapos isalpak ang mga damit sa loob ng washing machine at i-connect iyon sa gripo ay iniwanan ko na muna iyon. Bumalik ako sa kwarto para kunin ang cp ko.
Nagkataon lang din yata dahil pagkuha ko ng cp ko ay mayroong tumatawag doon.
Nangiti ako ng makita sa screen ang pangalan ng caller. Mabilis ko iyong sinagot.
"Hello, Mami?" Palayaw iyon ng kaibigan ko na si Amierizz Marie.
"Hoy! Tarah! Akala ko ba icha-chat mo 'ko? Aba! Ilang oras na lang, reunion na natin! Ano, ha? Pinayagan ka ba ng asawa mo? At teka! Kumusta nga pala ang honeymoon niyo, ha? Mukhang hindi ka na makabangon sa kama at ni hindi mo na magawang hawakan ang cp mo! Ano, masaya ba, ha? Magkwento ka! Dali!" Kinikilig niyang untag sa kabilang linya.
Bigla akong nalungkot. Kaya't hindi ako nakasagot agad..
"Tarah?? Andiyan ka ba?" Tanong niya.
"Sorry.. Nakalimutan ko. Hindi pa ako nakakapagpaalam, 'mi. Tawagan kita uli mamaya, kakausapin ko muna si Jake."
"Ha?! O, sige, sige! Dalian mo lang. Tawagan mo 'ko agad ng makapagpa-reserve na tayo ng mesa natin."
"Okay, sige." Tugon ko.
Saka ko na binababa ang linya at idinial ang cp number ni Jake subalit busy iyon. Kaya naman ang landline number ng opisina niya sa Jacob Smith Building ang tinawagan ko. Sandali naman iyong nag-ring at maya-maya lamang ay may sumagot na doon.
"Jake Alexander Smith's office, may I help you?"
Tumikhim muna ako bago sumagot. "Ahm.. pwede ko bang makausap si Jake Xander? Si Attarah Jade ito, pakisabi na lang po."
"Okay.. But, sorry, ma'am.. He's not here. He's on leave."
"N-Naka-leave? K-Kelan pa po?"
"Isang linggo na po, Ma'am."
Natigilan ako. Kung gano'n.. Saan siya pumupunta kapag umaalis siya at gabi na kung umuwi?
Napaupo ako sa kama at napatingin sa kawalan..
To be continued..