MARIAS OF MY LIFE Maria Jessielyn Ortega THE TOMBOY by: Blackrose Chapter 16 Alas-kwatro pa lang ay gising na ako, nakatulog naman ako ng maayos kagabi pero dahil sa sobrang excitement ko ay nauna pa akong gisingin ng diwa ko kesa ng alarm clock ko. Kasalukuyan akong nagkakape para kasi mainitan ang sikmura ko bago pa ako maligo. Mga importanteng bagay lang ang dinala ko sa back pack ko. Towel, wallet kung saan nandoon ang pera at mga IDs ko, extrang mga sando, shorts, shades, cellphone, charger, candy at underwears ko at bra. Excited na ako talaga, kagabi pa lang bago ako pumikit ay inimagine ko na kung ano ang magiging itsura ko kapag nakasuot na ako ng protector suit. Matapos ang kinse minutos na pagmumuni-muni ay naligo na ako, kailangan maaga akong maligo para makapag-patuyo pa

