MARIAS OF MY LIFE Maria Jessielyn Ortega THE TOMBOY by: Blackrose Chapter 15 Alas-dos na ng umaga ay gising parin ako. Hindi ako dalawin ng antok, ni hindi man lang naawa sa akin ang antok dahil medyo hindi maganda ang timpla ko. Kanina kasi paggising ko ay mabigat na ang ulo ko pero syempre kailangan kumayod para sa pamilya kaya papasok parin ako sa Casa at sa Burdado. Pinilit kong tapusin agad ang gawa ko kagabi para makauwi na ako at nakapahinga pero ngayon naman na nasa kama na ako at kanina pa ako pikit ng pikit ay ayaw naman akong patulugin ng gumugulo sa isip ko. Noong isang araw kasi ay binigyan niya ako ng bulaklak tapos kagabi ulit, akala ko kung ano na eh nagpapasalamat lang pala siya sa'kin dahil sa tinulong ko sa kanya. Akala ko naman ay may something na siya sa akin, i

