Lumipas ang ilang buwan, lumalaki na rin ang tiyan ko. Sa isang buwan ay malalaman ko na ang gender ng baby ko. Namuhay ako ng payapa at tahimik, hindi rin ako gumagamit lagi ng cellphone. Ang ginagawa ko lang kapag umaga, naglalakad lakad ako sa labas. Tapos natuto rin ako magtanim at mag alaga ng mga bulaklak. Kaya naman nagpatayo si daddy nang mini garden ko. Syempre, tuwang-tuwa ako dahil may pinagkakaabahalan ako. Sa totoo lang, malaki ang tulong sa akin ng mini garden. Dati akala ko hindi ko kaya tumira dito dahil sa sobrang tahimik at payapa. Syempre nasanay ako na puro trabaho lang ang ginagawa tapos maingay pa. Pero habang tumatagal ay natututunan ko paano mahalin lalo ang sarili ko. “Ma’am Gen, ito na po pala yung bagong paso na in-order ni Sir.” Napatingin ako sa isang helpe

