Nandito na ako sa Pangasinan at ngayon ko lang nakita na maganda pala ang bahay namin dito nila daddy. Presko at kitang-kita ang malawak na bukirin. May mga tanin rin sa mga gilid na buko, saging at madami pang iba! “Anak? Si Manang muna kasama mo dito sa bahay.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Paano ka daddy? Wala kang kasama sa bahay? Sino magluluto ng pagkain mo?” nag aalalang tanong ko. “Nandoon na sa bahay ang asawa ni Manang. Siya muna ang makakasama ko doon kaya ‘wag kang mag alala. Lagi rin akong uuwi dito sa Pangasinan para makita kita.” Tumango naman ako at hindi kasi pweding mag stay ng matagal dito si daddy. May mga negosyo pa siya na hindi niya maiwan kaya naiintindihan ko. “Okay, dad. Just promise me, lagi kang umuwi dito.” Sabi ko at tumango siya. “Oo naman, anak

